Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.
Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya. Alinsunod ‘yon sa katotohanan. Maling imbestigahan ang pagdadala at pagpasok sa kaharian ng langit base sa mga salita ng mga tao sa Bibliya, lalo na kay Pablo, at hindi ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus dahil tanging ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan; tanging ang mga salita Niya ang may awtoridad. Tanging ang Panginoong Jesus ang Kristo, ang Hari ng kaharian ng langit. Bakit hindi niyo hanapin ang katotohanan at nais ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus? Sa halip, bakit niyo ginagamit ang mga salita ng tao na basehan ng inyong paghahanap? Alinsunod ba ‘yon sa nais ng Panginoon? Ginagawa kayo no’ng suseptible na sundin ang tao at tahakin ang sarili niyong landas. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa putik ng lupa. Inatasan Niya sila na gawin ang mga tungkulin nila sa lupa, at ‘yon ay ang pamahalaan ang iba pa Niyang mga nilikha sa lupa. Hiniling Niya na sumunod sila, sumamba, at magbigay-dangal sa Kanya sa lupa at iniatas na ang destinasyon nila ay sa lupa, hindi sa langit. Maliban do’n, matagal nang sinabi sa atin ng Diyos na itatatag Niya ang kaharian Niya sa lupa. Maniniirahan siya sa lupa kasama nating mga tao at ang mga kaharian ng lupa ay dapat maging kahariang pinamamahalaan ni Kristo. Samakatuwid, sa lupa itatag ang kaharian ng Diyos sa huli, hindi sa langit. Maraming tao ang laging naghahangad na maiakyat sa langit. Yon ang sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon, ang sarili nilang kathang hangarin. Hindi ‘yon alinsunod sa katotohanan o sa katotohanan ng gawain ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip