Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

26 Abril 2019

Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan

May isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Banal na Kasulatan, at ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga mapagmalabis na hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos.

25 Abril 2019

Kuwento sa Biblia | Tungkol Kay Job (II)

Ang Pagkamakatwiran ni Job
Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay naangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na mga gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang handa at masunurin sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos na Jehova, ang kanyang pagkamasunurin ang nagtulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at ang kanyang pagka-perpekto ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.
Paano natin dapat unawain itong salitang “makatwiran”? Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan ito ng mahusay na katinuan, pagiging lohikal at matino sa pag-iisip, pagiging tumpak sa mga salita, kilos, at paghatol, pagkakaroon ng tama at mga katamtamang pamantayang moral. Nguni’t ang pagkamakatwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag.

24 Abril 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos

I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.
II
Ang normal na pagkatao ni Cristo,
pakiramdam ng mga hangal ay kapintasan.
Ayaw nilang kilalanin Siya,
bagama't ipinakita Niya'ng Kanyang pagka-Diyos.
Mas masunurin at mapagpakumbaba Siya,
mas lalo nilang hinahamak Siya.
Nais pa ng ilan na ihiwalay Siya,
at mga dakilang tao ang sambahin.
Ang Diyos sa katawang-tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos,
ang Kanyang pagkatao ay normal at tunay.
Ang Diyos sa katawang-tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos,
ang Kanyang pagkatao ay normal at tunay.
Ito ang mga dahilan kung
bakit mga tao sa Kanya'y sumusuway at lumalaban.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.

Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs

22 Abril 2019

Muling Tinukso ni Satanas si Job (Naglitawan Ang Mahapdi na mga Pigsa sa Buong Katawan ni Job)

a. Ang mga Salitang Winika ng Diyos
(Job 2:3) At sinabi ni Jehova kay Satanas, napansin Mo ba ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalake, na natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kanyang katapatan, bagama’t pinakilos mo ako laban sa kanya, upang ilugmok siya nang walang kadahilanan.
(Job 2:6) At sinabi ni Jehova kay Satanas, Narito, nasa kamay mo siya; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.
b. Ang mga Salitang Winika ni Satanas
(Job 2:4-5) At sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kanyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kanyang buto at ang kanyang laman, at itatakwil ka niya nang harapan.
c. Paano Hinaharap ni Job ang Pagsubok
(Job 2:9-10) Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, Namamalagi ka pa ba sa iyong katapatan? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kanya, nagsasalita kang gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa kanyang mga labi.
(Job 3:3) Mapawi sana ang kaarawan ng kapanganakan ko, at ang gabi kung kailan sinabi, may isang batang lalaking ipinaglihi.

21 Abril 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
Yamang ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring makita ni mahawakan, at lalong hindi ito makita ng mundo, kung gayon paano ito naging isang bagay na dakila? Anong uri ng bagay ang maituturing na dakila? Tiyak na walang makatatanggi na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maituturing na dakila, nguni’t bakit Ko sinasabi na ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon ay gayon nga? Kapag Aking sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay, walang duda na ito ay kinapapalooban ng maraming hiwaga na hindi pa nauunawaan ng tao. Ating salitain ngayon ang tungkol sa mga yaon.

20 Abril 2019

Tagalog Christian Music Video | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


Tagalog Worship Songs Video | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"

I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos,
kalawaka'y higaan Niya.
Kampon ni Satanas 'di abot ang Diyos,
puspos S'ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.
II
Niyapakan ng Diyos ang lahat,
tanaw N'ya umaabot sa sansinukob.
At lumakad ang Diyos sa gitna ng tao,
tinikman ang tamis at pait, lahat ng lasa ng mundo ng tao;
pero tao'y 'di kailanman tunay nakilala ang Diyos,
ni napansin nila Kanyang paglakad sa ibayo.
Dahil tahimik ang Diyos,
at 'di gumawa nang kamangha-mangha,
kaya, walang tunay na nakakita sa Kanya.
Mga bagay ngayo'y 'di tulad nang dati:
gagawa ang Diyos ng mga bagay
na 'di pa nakita ng mundo sa buong panahon,
magsasalita ang Diyos
na 'di kailanman narinig ng tao sa buong panahon,
dahil gusto Niyang makilala ng sanlibutan
ang Diyos sa katawang-tao.

Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs

19 Abril 2019

Tagalog Gospel Song "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries


Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries

Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
I
Di na kailangang maghanap at mangapa,
dahil ang persona Mo'y hayag,
Ikaw ang hiwagang ibinunyag,
Ikaw Mismo ang Diyos na buhay,
harap-harapan sa amin,
ang makita ang Iyong persona ay makita
ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na daigdig.
Sa guni-guni'y 'di maiisip ninuman!
Ikaw ay kasama namin ngayon,
sa aming kalooban, napakalapit para ilarawan.
Ang hiwaga, walang hanggan!
Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
II
Natapos ng Makapangyarihang Diyos
ang Kanyang plano ng pamamahala.
Siya ang matagumpay na Hari ng sansinukob.
Lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay.
Lahat ng tao'y lumuluhod sa pagsamba,
tinatawag ang tunay na pangalan ng Diyos,
ang Makapangyarihan!
Sa mga salita mula sa Kanyang bibig,
lahat ng bagay ay nagagawa.
Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw, sa 'Yo'y hayag at malinaw.

Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs