Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

05 Hunyo 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo....Sa inyong mga buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, kaya’t madalian Kong hinihingi na kayo ay maging mga tagapaglingkod ng katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag yurakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking paalaala sa inyo."
Malaman ang higit pa:  Salita ng Buhay

04 Hunyo 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

1. Bakit tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang mga kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba't ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng kahalagahan sa panahon, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa panahong iyon. Ginagamit ng Diyos ang wika ng tao upang maipahayag ang Kanyang sariling disposisyon.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pangalang Jesus ba, "Sumama sa atin ang Diyos," ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, sumama sa atin ang Diyos, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan?

02 Hunyo 2019

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya. Hinahanap nila ang mga makamundong kasiyahan, lumalayo sa daan ng Panginoon, at itinuturing pa ang mga salita ng Diyos bilang mga kuwentu-kuwento lang. Hindi talaga sila naniniwala na babalik muli ang Panginoong Jesus para magsalita at magsagawa ng gawain. Lalo na ang mga pinuno ng relihiyon na walang anumang paggalang sa Diyos sa kanilang mga puso, at lahat ng uri ng masasamang tao at hindi naniniwala na hindi nagmamahal sa katotohanan ay nailalantad. Lantaran silang gumagawa ng masasama, itinatanggi ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, at tinatanggihan ang katotohanan. Ipinangangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon na ito ang kaalaman at teolohiya ng biblia. Nagsisikap silang protektahan ang kanilang sariling katayuan, impluwensiya, at kita, pero tumatanggi silang sundin ang daan ng Panginoon o ipalaganap ang salita ng Panginoon. Hindi talaga sila nagpaparangal o nagpapatotoo sa Panginoon. Sa halip ipinangangaral nila ang mga bagay na nagtataksil sa katotohanan sa salita ng Diyos, at ginagamit ang mga kamalian at tradisyon ng tao para linlangin at kontrolin ang mga tao, ipinagpipilitang tahakin ang landas ng mga Fariseo na pagtutol sa Diyos. Marami ring pastor at elder ng relihiyon ang nahahanap ng mga makamundong kasiyahan, naghahanap sila ng moda, pagnanasa para sa pera, at pakikibaka para sa posisyon. Lubos silang mga makamundong tao, lubos na hindi naniniwala.

01 Hunyo 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?

Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos. Sa huli, magiging kaharian ng Diyos ang mga kaharian sa lupa. Matapos masira ang lumang mundo sa malalaking sakuna, lilitaw ang Milenaryong Kaharian. Ang mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo. At matutupad na ang kalooban ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Yon ang ganap na tutupad sa propesiyang: Darating sa lupa ang bagong Jerusalem. Naging tao ang Diyos at isinasagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para tapusin ang madilim at masamang henerasyong ito. Lahat ng nakakarinig sa tinig ng Diyos at nadala sa Kanyang trono ay magiging perpekto at mananagumpay. At magsisimula na ang malalaking sakuna. Tanging ang mga nalinis na at nailigtas ng gawa ng Diyos sa mga huling araw ang mananatili. Sila ang magiging mamamayan ng kaharian ng Diyos. Tayo ang pinakapinagpala ngayon dito para tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tayong mapapalad na nakarinig sa tinig ng Diyos at naiakyat sa harap ng Kanyang trono ay lilinisin sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at magiging mga mananagumpay bago ang mga sakuna, ang mga unang bunga na nakamit ng Diyos. Tapos ipapadala na ng Diyos ang malalaking sakuna. Lahat ng lumalaban sa Diyos, gano’n din ang lahat ng masasamang hindi nananampalataya ay malilipol sa malaking sakuna. Lahat ng nalinis at ginawang perpekto ay makakatanggap ng proteksyon ng Diyos habang nagaganap ang sakuna, at sila’y makakaligtas.

31 Mayo 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Zhang Jin, Beijing
August 16, 2012
Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.
Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.” Wala nang ibang magagawa, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumaba ng bus at maglakad na pauwi. Hindi nangangahas na iwan ang Diyos, patuloy akong nananalangin sa aking puso. Dahil sa puwersa ng delubyo, lubos na nilamon ng tubig ang kalsada. Sinubukan kong magpatuloy sa pamamagitan ng paghawak sa mga haliging semento na nakahilera sa kalsada, na ako’y umusad nang paisa-isang hakbang. Noon ay narinig kong may sumisigaw sa likuran ko, “Huwag ka nang magpatuloy!

30 Mayo 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

 

4. Ano ang likas na katangian ng problema ng tao kapag hindi niya alam ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at hindi niya tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao.

29 Mayo 2019

II. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan

1. Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito.