Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"
I
Marami akong nagawang di ko maaatim na gunitain.
Nasayang ko ang napakaraming oras.
Nag-uumapaw ang malaking pagsisisi
at utang na loob sa puso ko.
Lagi ako noong humingi ng kapalit
kapag gumugol ako para sa Diyos.
Nang di ko natanggap
ang mga pagpapalang gusto kong matanggap,
inisip kong talikuran ang Diyos,
ngunit malinaw pa sa aking isipan ang Kanyang pag-ibig
at di ko malimutan.
Inantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko,
unti-unti akong inaakay palayo sa pagiging negatibo.
Nang magbanta ang kahirapan,
ako'y natakot, nangimi at nanghina.
Ako'y naging mahina at negatibo
at muli kong naisip na talikuran ang Diyos.
Hinati ang puso ko ng Kanyang mga salita
na parang espadang magkabila ang talim,
wala akong napagtaguan sa hiya.