Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

29 Hulyo 2019

Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.


Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan.

27 Hulyo 2019

"They are coming again!


"They are coming again!


Recently, a piece of news from the international human rights magazine ""Bitter Winter"": ""They Are Coming! CCP Sends Again Relatives of Church of Almighty God Refugees to Korea to Stage False Demonstrations"", bringing people's thoughts back a year ago...

On August 30, 2018, the Chinese Communist Party coerced the relatives of the members of the Church of Almighty God refugees. The pro-Communist Wu Mingyu organized these relatives to conduct false demonstrations in South Korea, attempting to mislead the Korean government and send the Christians back to China, but ultimately, ended in failure.

25 Hulyo 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha


Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng buong sangnilikha.

23 Hulyo 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa. Dahil sa hirap ng kanyang karamdaman, nagsimula si Ding Ruilin na magnilay-nilay tungkol sa buhay. Para saan dapat mabuhay ang tao? Sulit bang isakripisyo ang buhay mo para sa kayamanan at katanyagan? Matutulungan ba ng pera ang mga tao na matakasan ang kahungkagan at kalungkutan? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa kamatayan? Sa pagbabahagi ng kanyang mga kapatid na babae ng salita ng Diyos, malinaw na nakita ni Ding Ruilin ang mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa buhay, nalaman niya ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay, at sa huli’y natagpuan niya ang espirituwal na paglaya. Sa patnubay na nasa salita ng Diyos, sa wakas ay natuklasan ni Ding Ruilin ang kaligayahan sa buhay…

21 Hulyo 2019

Mga Movie Clip | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2)


Mga Movie Clip |  "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2) Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos

Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3). Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan ng pagsubok at paglalantad sa kanya ng Diyos, binasa ni Cheng Nuo ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay. Nalaman niya na kahit madalang na siyang magsinungaling mula nang manalig siya, nasa puso pa rin niya ang pagiging tuso at mapanlinlang, at ang paggugol niya para sa Diyos ay para makipagtawaran sa Diyos, na naghahanap ng mga pagpapala at gantimpala; ang pagkakaroon niya ng sakim at mapanlinlang na masamang disposisyon ay malalim pa ring nakabaon sa kanya, at hindi siya isang tapat na tao na naghahatid ng kagalakan sa Diyos. Kalaunan ay naunawaan niya ang kanyang likas na panlilinlang sa paghahanap ng katotohanan at nakasumpong ng landas tungo sa pagiging isang tapat na tao at isang taong nararapat sa kaharian ng Diyos …

18 Hulyo 2019

Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 1/2)


Tagalog Christian Movie | Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon. Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital. Nakaapekto naman ito sa reputasyon ng ospital, at pinaalis siya ng ospital dahil sa hindi pagsunod sa mga pamantayan ng medisina. Dahil sa kanyang "masamang track record," paulit-ulit na tinanggihan si Cheng Nuo nang maghanap siya ng bagong trabaho. Matindi niyang nilabanan ang kanyang sarili: Pagsasabi ng katotohanan ang dahilan kaya hindi siya makahanap ng trabaho, pero ang hindi pagsasabi ng katotohanan ay labag sa salita ng Diyos…. Paano niya dapat sundin ang mga salita ng Panginoon at maging isang matapat na tao? Sa pamamagitan ng paghahangad, sa wakas ay nakahanap siya ng paraan para maisagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao, at di-inaasahan na pinagpala siya ng Diyos sa paggawa nito …

17 Hulyo 2019

Ebangheliyong pelikula | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)


Ebangheliyong pelikula | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)


Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...