Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

17 Setyembre 2019

Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!

Higit pang pansin:Tagalog Christian Movie

15 Setyembre 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | "Ano ang Ibig Sabihin sa Pahayag Kapag Sinasabi Nitong Walang Taong Maaaring Magdagdag sa mga Propesiya?"


Sabi sa Pahayag kapitulo 22, bersikulo 18: "Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito." Gusto mo bang malaman ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito? Ipapakita sa iyo ng videong ito ang sagot.

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/revelation-no-man-may-add-to-prophecies.html

Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie



13 Setyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Bilang Isang Kristiyano, Ang Palagiang Pagdalo sa mga Pagtitipon ay Hindi Maaaring Pabayaan!


Ang Patotoo ng isang Cristiano | Bilang Isang Kristiyano, Ang Palagiang Pagdalo sa mga Pagtitipon ay Hindi Maaaring Pabayaan!


Xiaogao

Kamusta mga kapatid ko sa Espirituwal na Q&A,

Napapagod ako nang husto sa pagtarabaho sa araw, at hindi ako makatulog nang mahimbing sa gabi. Bilang resulta, ayaw kong magpunta nang maaga sa mga pagtitipon. Hindi ko gusto ang hinihigpitan. Nadarama ko na kung mayroon akong mga pangangailangang espirituwal, hangga’t hinahanap ko ang aking mga kapatid upang makausap sa mga panahong iyon, magiging mainam ito. Iniisip ko kung ano ang sanhi ng isyung ito. Paano ko dapat lutasin ito?

11 Setyembre 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Makapag-iwan sa Salita ng Diyos




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Makapag-iwan sa Salita ng Diyos


Gagamitin ng Diyos ang Kanyang salita,
para maghari sa sansinukob at tao.
Pinadarama ng Banal na Espiritu sa tao.
Payapa sila't matatag ang puso
matapos basahin ang salita ng Diyos,
habang hungkag ang damdamin ng wala nito.
Ganyan kalakas ang salita ng Diyos.
Matapos basahin, sila'y lumakas.
Nanlalata sila pag di nakakabasa.
Salita Niya'y nananaig sa lupa.

09 Setyembre 2019

Ano ang Bumubuo sa Totoong Espirituwal na Debosyon?


Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno

Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”

07 Setyembre 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (II)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/knowing-the-three-stages-of-gods-work-is-the-path-to-knowing-god-2.html

Rekomendasyon: Salita ng Diyos

05 Setyembre 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Landas... (8)


Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian.