Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

27 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie | Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?


Tagalog Christian Movie | "Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?"


Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin? Naaayon ba ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi talaga nakatala at lumalagpas pa sa Lumang Tipan. Kung maling maniwala sa anumang wala sa Biblia, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoon? Kaya may iba pa bang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia, o wala na? Ihahayag sa iyo ng videong ito ang sagot.

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/uncovered-words-of-God-besides-bible.html

25 Setyembre 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang mga Sumasampalataya sa Anak ay May Buhay na Walang Hanggan"

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang mga Sumasampalataya sa Anak ay May Buhay na Walang Hanggan"


Sabi sa Biblia, "Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya" (Juan 3:36). Iniisip ni Su Yue na ang pananalig sa Panginoong Jesus ay pananalig sa Anak at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. Nang sabihin ni Sister Ling na hindi lubos ang pagkaunawa niya, nalito si Su Yue, at nagsimulang makipagdebate kay Ling.... Kaya, ano ang tunay na pananalig sa Anak? Ano ang tinutukoy ng "Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan"?

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/believers-Son-have-everlasting-life.html

Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie

23 Setyembre 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Handa Akong Magpasakop sa Gawain ng Diyos"




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Handa Akong Magpasakop sa Gawain ng Diyos"


I
O Diyos! Nawa'y gawin Mo ang Iyong gawain sa akin,
nawa'y gawin Mo akong perpekto at baguhin ako,
upang maaari kong sundin at malaman
ang mga kagustuhan Mo sa lahat ng bagay.
Ang Iyong dakilang pagmamahal
at kalooban ay nasa Iyong pagliligtas sa akin.
Kahit na ang tao ay lumalaban at siya ay naghihimagsik,
bagaman ang kanyang kalikasan ay pagtataksil,
ngayon ay nauunawaan ko ang Iyong kalooban
na iligtas ang sangkatauhan.
Ako'y makikipagtulungan, makikipagtulungan sa Iyo.
Nagsusumamo ako sa Iyo na tustusan ako
ayon sa aking tayog,
upang aking mauunawaan ang Iyong kalooban
kahit gaano ako nagdurusa.
Hindi ako magrerebelde o magrereklamo,
Ikaw ay aking paluluguran.
Ako'y ganap na susunod, ako'y ganap na susunod.

21 Setyembre 2019

Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | "Walang Katumbas ang Katapatan" | God Led Me Onto the Right Path of Life


Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | "Walang Katumbas ang Katapatan" | God Led Me Onto the Right Path of Life


Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan  ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na  tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.” Nawala ang mabuting konsensiya ni Zhen Cheng na dating gumabay sa kanya at nagsimulang gumamit ng pailalim na mga pamamaraan para kumita ng mas maraming pera.
Kahit kumita siya ng mas maraming pera kaysa dati, at humusay ang mga pamantayan niya sa pamumuhay, dama ni Zhen Cheng na hindi siya masaya at binalot siya ng pakiramdam ng kawalan; hungkag ang buhay at puspos  ng pagdurusa. Pagkatapos tanggapin ni Zhen Cheng ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa huling mga araw, naunawaan niya sa pamamagitan ng salita ng Diyos na gusto ng Diyos ang mga tapat na tao at hinahamak ang mga mapanlinlang. Naunawaan din ni Zhen Cheng na ang pagiging tapat na tao ay ang tanging paraan para mag-ugaling tunay na tao at ang tanging paraan para makamit ang papuri ng Diyos, kaya isinumpa niyang maging tapat na tao. Gayon man, ang pagiging tapat na tao sa tunay na buhay ay napatunayang mahirap: Sa mga kapatid sa simbahan, pwede siyang maging diretso tulad ng nararapat, pero kung gayon ang ginawa niya sa mundo ng negosyo, makagagawa  ba siya ng pera? Hindi lang posible  na mas kaunti ang perang magagawa niya, maaari pa siyang makaranas ng mga  matitinding pagkalugi at manganib na mawala ang kanyang shop. … Sa harap ng mga ganoong  pakikibaka, mapatakbo kaya ni Zhen Cheng nang may katapatan ang kanyang negosyo? Anu-anong  uri ng di-inaasahang pagbabago ang mangyayari sa proseso? Ano ang magiging pinakamahalagang gantimpala niya? 


19 Setyembre 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus. Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement.

17 Setyembre 2019

Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!

Higit pang pansin:Tagalog Christian Movie

15 Setyembre 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | "Ano ang Ibig Sabihin sa Pahayag Kapag Sinasabi Nitong Walang Taong Maaaring Magdagdag sa mga Propesiya?"


Sabi sa Pahayag kapitulo 22, bersikulo 18: "Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito." Gusto mo bang malaman ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito? Ipapakita sa iyo ng videong ito ang sagot.

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/revelation-no-man-may-add-to-prophecies.html

Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie