Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

24 Nobyembre 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan


Gen 3:20–21 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

22 Nobyembre 2019

Tanong 8: Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?

Sagot: Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

20 Nobyembre 2019

Kristianong video | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Tagalog Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Sa bandang huli, sa ilalim ng pag-iingat ng Makapangyarihang Diyos, himalang nagawa niyang makatakas sa loob ng lungga ng demonyo. Pagkatapos maranasan ang pag-uusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino, malinaw niyang nakita na sila ay masasamang demonyo at na kinasusuklaman nila ang katotohanan. Ang kanilang esensiya ay gaya sa isang radikal na kalaban ng Diyos. Nakita niya mismo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay at ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nadama niya ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos sa bawat posibleng paraan, Nanindigan siya na ibigay ang kanyang buong buhay sa Diyos at tuparin ang kanyang mga pananagutan bilang isa sa Kanyang mga nilikha upang masuklian ang biyaya ng Diyos.

18 Nobyembre 2019

Tagalog Christian Songs | Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao


Tagalog Christian Songs | "Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao"


Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
pinakamahalaga ang dalawang ito,
ang dalawang yugtong ito,
gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao.

Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao 
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang-tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.

16 Nobyembre 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ito ang Pagsasagawa ng Katotohanan


Fan Xing Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, ipinares ako sa isang kapatid na babae para sa ilang tungkulin. Dahil ako ay mapagmataas at makasarili at hindi naghanap ng katotohanan, mayroon na akong paunang nabuong mga ideya tungkol sa kapatid na ito na lagi kong itinatago sa aking puso at hindi hayagang sinasabi sa kaniya. Nang kami ay magkahiwalay, hindi ako nakapasok sa katotohanan ng isang magandang samahan sa gawain. Sa bandang huli, iniayos ng iglesia na ako ay magtrabaho kasama ng isa pang kapatid na babae at ako ay bumuo ng isang pasiya sa harap ng Diyos: Mula ngayon, hindi ko tatahakin ang mga landas ng kabiguan. Natuto na ako ng aking aral kaya sa pagkakataong ito ay tiyak na magkakaroon ako ng higit na bukas na pakikipag-usap sa kapatid na ito at magkaroon ng magandang samahan sa gawain.

14 Nobyembre 2019

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw?


  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

12 Nobyembre 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?




Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.