Tagalog Crosstalk | "Paghatol ng mga Huling Araw"
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). At nasusulat sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Ipinopropesiya ng lahat ng banal na kasulatang ito na darating ang Panginoon sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga naniniwala sa Kanya. Gayon pa man, marami sa ating mga kapatid sa pananampalataya ang naniniwalang dahil sa sumasampalataya sila sa Panginoon, pinatawad na ang kanilang mga kasalanan, na hindi na nila kailangang tanggapin ang paghatol ng Diyos, at pagdating ng Panginoon direkta silang dadalhin sa kaharian ng langit. Alinsunod ba sa mga salita ng Diyos ang ganitong pagkaunawa? Talaga bang ang paniniwala sa Panginoon at pagkakapatawad sa kasalanan ng tao ang magpapapasok sa kanya sa kaharian ng langit? Ano ba ang eksaktong nasasangkot sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang kinalaman noon sa pagdadala sa tao sa kaharian ng langit? Ang crosstalk na Paghatol ng mga Huling Araw ang magbubunyag sa iyo ng mga kasagutan.