I
Mayroong matuwid na taong nagngangalang Job,
na laging nagpitagan sa Diyos at umiwas sa kasamaan,
gawa niya'y pinuri ng Diyos, naalala ng tao.
Buhay niya'y may kahulugan at may halaga.
Pinagpala siya ng Diyos, ngunit siya ri'y tinukso ni Satanas at sinubok ng Diyos.
Siya'y tumayong saksi para sa Diyos na kinatakutan niya,
marapat siyang tawaging isang matuwid na tao.
Anuman ang naranasan ni Job, masaya ang kanyang buhay, walang kirot.
Masaya si Job hindi lamang dahil pinagpala siya o pinuri ng Diyos,
kundi dahil din sa kanyang hangarin,
dahil sinikap niyang igalang ang Diyos.
Masaya si Job.