Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

21 Agosto 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Purihin ang Bagong Buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Purihin ang Bagong Buhay

Aleluya! Salamat at papuri sa ‘Yo!
Aleluya! Salamat at papuri sa Iyo, Makapangyarihang D’yos!

Kristo ng huling mga araw ay nagpakita, gumagawa at nangungusap sa tao.

Salita N’ya’y humahatol, dumadalisay, umaakay sa tamang pamumuhay.
Salita ng D’yos sa’ki’y bumago,
kaya ako ay may bagong buhay ng pagpupuri sa D’yos. (Aleluya!)
Sakit at kalituha’y wala na; pinalaya ang espiritu at umaawit. (Aleluya!)
Kaybuting maunawaan ang katotohanan. Daíg ang laman, kaylaya ko! (D’yos ay purihin!)
Mga paniwala’t ‘di pagkaunawa ay wala na, masuwaying disposisyon ko ay nabago.
Lumalakad ako sa daang maliwanag ng pantaong buhay; Pag-ibig ng D’yos ay napakahalaga at tunay na tunay! (D’yos ay purihin!)
D’yos ay ‘tinataas pag lasap pag-ibig N’ya.
Natikman ko na pag-ibig ng D’yos at kailanman ay ‘di na muling iiwan ang D’yos.

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

Ito ay isang kuwento na batay sa tunay na buhay. Dahil paulit-ulit na tumanggi ang mga mamamayan ng Qingping County sa lalawigan ng Sichuan na tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, dalawang beses silang nagdanas ng sakuna. Sa Malaking Lindol sa Sichuan, maraming kapatid sa pananampalataya na naniwala sa Makapangyarihang Diyos ang mahimalang pinrotektahan ng Diyos at nakaligtas. May nakasaksi sa mga totoong pangyayaring ito: yaong mga tumatanggap at sumusunod sa Diyos at yaong mga tumatanggi at kumakalaban sa Diyos. Ang dalawang klaseng ito ng mga tao ay may dalawang magkaibang-magkaibang kinahinatnan!


Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Punong Salita

Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?