Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

31 Agosto 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)

I Ay … Narito ang 'sang langit, Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba! Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, at hangi'y malinis. Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos at nabubuhay kapiling natin, Nagpapahayag ng katotohanan at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw. Inilantad ng mga salita ng Diyos ang katotohanan ng ating kasamaan, nalinis tayo at naperpekto ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay. Magpaalam na tayo sa masama nating buhay at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha. Kumikilos tayo at nagsasalita nang may prinsipyo at hinahayaang maghari ang mga salita ng Diyos. Ang apoy ng ating pagmamahal sa Diyos ay nag-aalab sa ating mga puso. Ipinalalaganap natin ang mga salitang Diyos, sumasaksi para sa Kanya, at ibinabahagi ang ebanghelyo ng kaharian. Iniaalay natin ang buo nating pagkatao para mapaligaya ang Diyos, at handa tayong harapin ang anumang pasakit. Salamat sa Makapangyarihang Diyos para sa pagbabago ng kapalaran natin. Nabubuhay tayo ng bagong buhay at sinasalubong ang isang bagong bukas! II Kapag magkakasama ang mga kapatid, mababakas ang kaligayahan sa kanilang mga mukha, Binabasa natin ang mga salita Niya at ibinabahagi ang katotohanan, pinagsama tayo sa pag-ibig ng Diyos. Mga tapat na tao tayo, dalisay at bukas, walang pagtatangi sa pag-itan natin. Nabubuhay tayo sa katotohanan, nagmamahalan, natututo sa lakas ng bawat isa at tinatama ang ating mga pagkukulang. Sa isang kaisipan tinutupad natin ang ating tungkulin, at inaalay natin ang ating katapatan. Sa landas patungo sa kaharian, ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos lampas ng mga problema at paghihirap. Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang Kanyang kadakilaan, nananakop ang mga iyon at lumilikha ng isang grupo ng mananagumpay. Nagbalik sa Diyos ang mga taong pinili Niya mula sa lahat ng bansa. Sama-samang nabubuhay ang mga tao kapiling ang Diyos at sinasamba Siya kailanman. Isinasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, nagpakita ang kaharian ni Cristo. Nahayag ang kabutihan at kabanalan ng Diyos, napanibago ang langit at lupa. Natatakot sa Diyos ang mga tao ng kaharian at iniiwasan ang masama, at nabubuhay sila sa liwanag. Sama-samang nabubuhay ang mga tao kapiling ang Diyos at sinasamba Siya kailanman. Isinasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, nagpakita ang kaharian ni Cristo. Nahayag ang kabutihan at kabanalan ng Diyos, napanibago ang langit at lupa. Natatakot sa Diyos ang mga tao ng kaharian at iniiwasan ang masama, at nabubuhay sila sa liwanag. Ah, hey... Narito ang 'sang langit, Oh, Oh, Oh... Isang langit na talagang ibang-iba! mula sa Sundan ang Cordero at Umawit ng mga Bagong Awitin

Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?


Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?

Ang pangitain ng malaking kalamidad sa mga huling araw-apat na blood moon ay naganap at ang mga bituin sa kalangitan ay nagkaroon ng isang kakaibang hitsura; malapit na ang malaking sakuna, at marami sa mga may pananampalataya sa Panginoon ang nakaramdam ng Kanyang ikalawang pagbabalik o na Siya ay dumating na. Kapag sabik ang lahat na naghihintay sa ikalawang pagdating ng Panginoon, marahil ay naisip natin ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Paano magpapakita sa tao ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik sa mga huling araw? Anong gawain ang gagawin ng Panginoon sa muli Niyang pagparito? Paano ang eksaktong pagkatupad ng propesiya ng paghatol ng malaking luklukang maputi mula sa Aklat ng Pahayag? Ibubunyag sa iyo ng maikling video na ito ang mga sagot!
Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)

30 Agosto 2018

Debosyonal na Assistant ng Cristiano | Ang Panimulang App ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Upang tuparin ang malakas na hangarin ng mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, inilabas ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang una nitong mobile app. Naglalaman ang app na ito ng mga e-book, musika at video. Kasama rito ang milyun-milyong salitang inihayag ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos, mga orihinal na kantang nirekord ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at higit pang mga movie at video tungkol sa ebanghelyo. Inaanyayahan namin ang lahat na nag-iimbestiga sa tunay na daan na gamitin ang app na ito.

29 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos" | The Christian Mission

Tagalog Christian Music Video | "Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos" | The Christian Mission (Tagalog Song)

Yaong ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang inyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan kayo ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa inyo na tumbasan ninyo rin ito. 

Pinagkakalooban kayo ng Diyos ng buhay
ito'y regalong tinatanggap ninyo mula sa Kanya.
Kaya tungkulin ninyong sumaksi sa Kanya.
Binibigyan kayo ng Diyos ng Kanyang kaluwalhatian,
ng buhay N'yang wala ang mga Israelita.
Kaya dapat ninyong italaga ang inyong buhay
at kabataan sa Kanya.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos,
kaya dapat kayong sumaksi sa Diyos.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos.
Ito'y ordenado.

Mabuting kapalaran ninyo
na mabigyan ng kaluwalhatian ng Diyos.
Kaya tungkulin ninyong magpatotoo sa Kanyang kaluwalhatian.
Kung naniniwala kayo sa Diyos upang makakuha
makakuha lamang ng mga pagpapala,
ang Kanyang gawain ay walang kabuluhan,
at 'di ninyo matutupad ang inyong tungkulin.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos,
kaya dapat kayong sumaksi sa Diyos.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos.
Ito'y ordenado.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos,
kaya dapat kayong sumaksi sa Diyos.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos.
Ito'y ordenado.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos,
kaya dapat kayong sumaksi sa Diyos.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos.
Ito'y ordenado.
Ito'y ordenado.
Ito'y ordenado.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang"

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang"

I Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay, nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin, ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan. Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita; nagsisimula tayong tumuon sa tono at paraan ng Kanyang pagsasalita, at maging kusa na pakinggan ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito. II Nagtutuon ang Diyos sa atin; para sa atin, hindi Siya makatulog o makakain; para sa atin, Siya'y umiiyak at naghihinagpis; para sa atin, Siya'y dumadaing sa sakit. Siya'y dumaranas ng hiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang puso Niya'y lumuluha at nagdurugo para sa pagiging suwail at manhid natin. III Wala sa mga ordinaryong tao ang gayong katangian at mga ari-arian Niya. Gayundin, sinuman sa masasamang tao ay hindi mataglay o makamit ang mga ito. Ang Kanyang pagpapaubaya at pagtitiis ay lampas sa mga ordinaryong tao, at ang pag-ibig Niya ay hindi taglay ng anumang nilalang. Ang pag-ibig Niya ay hindi taglay ng anumang nilalang. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)

Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

27 Agosto 2018

Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawalan ka ng lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagsagip, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang magpunyagi at maging abala. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masama, napalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masama, na tinukso ka papunta sa walang hangganang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kawalang kasalanan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masama ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot dito, hindi na ito iniiwasan, hindi na rin ito pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin ito bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na itong idambana, sambahin ito, hindi ka mahiwalay na para bang anino nito, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang kaalam-alam kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o bakit ka namamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masama, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga panustos mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masama ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama ito, sumasalungat ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na ang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakakalimutan mo na ang masama ay natukso ka, pinahirapan ka; nakakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masama ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masama bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

26 Agosto 2018

The Church of Almighty God Documentary | Matagal na panahon ng Pagtakas (6)


The Church of Almighty God Documentary | Matagal na panahon ng Pagtakas (6)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.

25 Agosto 2018

Readings of God's Words | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa "Dumating na ang Milenyong Kaharian"


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga tao ay nagawang perpekto na at ang tiwaling disposisyon sa loob nila ay nagawa nang dalisay. Sa panahong iyon, ang mga salita na binigkas ng Diyos ang gagabay sa mga tao sa bawat hakbang, at ihahayag ang lahat ng mga misteryong ginawa ng Diyos mula sa oras ng paglikha hanggang sa ngayon, at ang Kanyang mga salita ang magsasabi sa mga tao ng mga pagkilos ng Diyos sa bawa’t kapanahunan at bawa’t araw, kung paano Niya pinatnubayan ang mga tao sa loob, ng gawain Niya sa espirituwal na kaharian, at sasabihin sa mga tao ang mga dinamika ng espirituwal na kaharian. Tanging pagkatapos lamang niyon magiging tunay na ganap ang Kapanahunan ng Salita; ngayon ay tanging isang maliit na daigdig."

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikatlong Bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
(II) Nakakamit ng Tao ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos sa pamamagitan ng Tapat na Pagsisisi Buod ng Kasaysayan ng Ninive
Ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive ang Pumukaw sa Papuri ng Diyos na si Jehovah
Umabot ang Ang Diyos Mismo na si Jehovah sa mga Taga-Ninive Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehovah
Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong Matatanggap ang Kanyang Pagkalinga
Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive

Masasakit na Alaala | "Ano ang mga Pamantayan sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"



    Tungkol sa klase ng tao na makakapasok sa kaharian ng langit, sinabi ng Panginoong Jesus, "kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Kaya anong klaseng tao mismo ang sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit? Maraming taong naniniwala na yaong mga sumusunod sa halimbawa ni Pablo at nagpapakahirap para sa Panginoon ang gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. At may ilang niniwala na yaon lamang mga nagmamahal sa Diyos nang buong puso, isipan at kaluluwa, na hindi na nagkakasala at nagtamo na ng kadalisayan, ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. Kaya sino ang tama at sino ang mali sa dalawang pananaw na ito? Panoorin lamang ang mainit na pagtatalo ng dalawang panig!

24 Agosto 2018

Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"



I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot.
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.

23 Agosto 2018

Salita ng Diyos | 6. Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

    Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

22 Agosto 2018

Masasakit na Alaala | Ang Kaligtasan Ba sa Pamamagitan ng Pananampalataya ang Tanging Tiket Tungo sa Kaharian ng Langit?



    Anong klaseng tao ba mismo ang makakapasok sa kaharian ng langit? Naniniwala ang ilang tao na mapapatawad ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, na kapag naligtas tayo ay naligtas na tayo magpakailanman, at ang ganitong klase ng tao ay nara-rapture at nakakapasok sa kaharian ng langit. At mayroon pang naniniwala na, bagama’t napatawad na ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at hindi tayo nagtatamo ng kabanalan, at dahil sinasabi sa Biblia na yaong mga hindi banal ay hindi makikita ang Panginoon, paano pa tayo mara-rapture at makakapasok sa kaharian ng langit kapag hindi tayo nagtamo ng kabanalan? Sino ang tama at sino ang mali sa dalawang pananaw na ito? Panoorin lamang ang mainit na pagtatalo ng dalawang panig!

21 Agosto 2018

Readings of God's Words | "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya."

20 Agosto 2018

Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?


    Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Lahat ng taong ito na tumatawag ng "Panginoon, Panginoon" ay mga taong naligtas ng kanilang pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi lahat sa kanila ang makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng nangyayari dito? Ano ba talaga ang kaugnayan ng maligtas sa pagpasok sa kaharian ng langit?

19 Agosto 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Sino ang Nakilala ang Diyos sa Katawang-tao" (Tagalog songs)



I
Yamang ikaw ay isang mamamayan ng sambahayan ng Diyos,
yamang tapat ka sa kaharian ng Diyos,
kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat matugunan
ang mga pamantayan mula sa Diyos,
matugunan ang mga pamantayan na hinihingi ng Diyos.
Hinihiling ng Diyos na 'wag kang maging isang naaanod na ulap,
datapuwa't na ikaw ay maging niyebe na kumikislap ng puti,
pagkakaroon ng kakanyahan nito at higit pa sa halaga nito.
Dahil ang Diyos ay galing sa banal na lupa,
hindi tulad ng lotus, na mayroon lamang isang pangalan,
mayroon lamang pangalan ngunit walang diwa.
Dahil nagmula ito, nagmula sa maputik na putik,
hindi galing sa banal na lupa.

Ang tinig ng Diyos | 5. Ano ang mahahalagang kaibhan sa pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginagamit ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy” (Mateo 3:11).

17 Agosto 2018

Tanging ang Pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ang Pag-agapay sa mga Yapak ng Cordero



    Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.

16 Agosto 2018

Cristianong Musikang | Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat





I
Kung ang tanong ay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.
Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.
Ang Diyos ay di mapapabayaan o maiiwan sa likod ng 'yong isip.
Parating isiping ang Diyos ng 'yong paniniwala'y
buhay at totoong Diyos.
Wala siya sa ikatlong langit na walang magawa.
Siya'y nariyan, laging nagmamasid.
Nakikita Niya'ng gawa ng lahat.
Kita Niya'ng puso ng lahat, bawat salita at gawa,
ano ang asal at pagtrato nila sa Diyos.
Ibigay mo man o hindi ang sarili mo sa Diyos,
ang isip mo't kilos ay alam Niya.
Ang Diyos ay matuwid sa lahat.
Ang paglupig at pagliligtas ng tao,
ito'y isang bagay na mahalaga sa kanya.
Seryoso Siya sa lahat. Kailanma'y di Niya sila tinatrato
bilang alagang hayop na pinaglalaruan.
II
Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi 'yong uring nagpapalayaw.
Makikita mo'ng awa Niya ay hindi mapagpalayaw.
Minamahal at nirerespeto Niya'ng lahat ng buhay.
Ang awa Niya't pagpapaubaya ay may inaasahan.
Ang mga ito'y kinakailangan ng sangkatauhan upang mabuhay.
Ang Diyos ay buhay at umiiral.
Ang saloobin Niya sa tao ay may prinsipyo.
Ito'y naibabagay sa pagbabago ng tao.
Ang puso Niya'y nagbabago sa panahon,
pangyayari at saloobin ng bawa't tao.
Ang Diyos ay matuwid sa lahat.
Ang paglupig at pagliligtas ng tao,
ito'y isang bagay na mahalaga sa kanya.
Seryoso Siya sa lahat. Kailanma'y di Niya sila tinatrato
bilang alagang hayop na pinaglalaruan.
III
Malinaw dapat sa'yo na ang diwa ng Diyos ay 'di magbabago.
Ngunit ang disposiyon Niya'y lumalabas
sa iba't-ibang panahon, at sa iba't–ibang mga konteksto.
'Di sa halip, ang Diyos ay totoo at buhay.
Sa pamamagitan ng 'yong pag-uugali at saloobin sa Kanya.
Ang opinion at saloobin Niya sa'yo'y nagbabago.
Ang Diyos ay matuwid sa lahat.
Ang paglupig at pagliligtas ng tao,
ito'y isang bagay na mahalaga sa kanya.
Seryoso Siya sa lahat. Kailanma'y di Niya sila,
tinatrato bilang alagang hayop na pinaglalaruan.


mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15 Agosto 2018

Christian Movie | "Bakit Tinaglay ng Nagbalik na Panginoon ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos?"



    Nakahula sa Biblia, "at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12). "Ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ni Jehova" (Isaias 62:2). Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita sa sangkatauhan sa pangalang "Makapangyarihang Diyos," ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa pamilya ng Diyos at ibinubunyag ang Kanyang matuwid, maharlika at puno ng poot na disposisyon. Malaki ang saklaw ng kahalagahan ng pangalang "Makapangyarihang Diyos"; alam ba ninyo ang kahalagahan ng pangalang ito? Ibibigay sa inyo ng video na ito ang sagot.

14 Agosto 2018

Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"



"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.

13 Agosto 2018

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us



| God With Us (Tagalog Subtitles)
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.

12 Agosto 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)



I
Ay … Narito ang 'sang langit,
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!
Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain,
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.
Inilantad ng mga salita ng Diyos
ang katotohanan ng ating kasamaan,
nalinis tayo at naperpekto
ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay.
Magpaalam na tayo sa masama nating buhay
at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha.
Kumikilos tayo at nagsasalita nang may prinsipyo
at hinahayaang maghari ang mga salita ng Diyos.
Ang apoy ng ating pagmamahal sa Diyos
ay nag-aalab sa ating mga puso.
Ipinalalaganap natin ang mga salitang Diyos,
sumasaksi para sa Kanya,
at ibinabahagi ang ebanghelyo ng kaharian.
Iniaalay natin ang buo nating pagkatao
para mapaligaya ang Diyos,
at handa tayong harapin ang anumang pasakit.
Salamat sa Makapangyarihang Diyos
para sa pagbabago ng kapalaran natin.
Nabubuhay tayo ng bagong buhay
at sinasalubong ang isang bagong bukas!

11 Agosto 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"



    Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Sinabi ng Diyos na Jehova, "walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. Ako, sa makatuwid baga'y ako, ni Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas" (Isaias 43:10-11). Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Diyos na nagkatawang-tao ang pangalang Jesus. Ang Diyos ay hindi nagbabago, kaya paanong magbabago ang Kanyang pangalan? Dagdag pa rito, nagpropesiya ang Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw, kaya tungkol saan ang lahat ng ito? Maraming tao ang hindi nakauunawa dito, ngunit ilalantad sa inyo ng maikling video na ito ang katotohanan.

10 Agosto 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"



    Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.

08 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"



I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo 
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon, 
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

07 Agosto 2018

Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Tumulong sa Akin upang Lumago

panalangin, Salita ng Diyos, Karanasan, kaligtasan, buhay

Baituo    Lungsod ng Dezhou, Probinsya ng Shandong

  Dati, Ang alam ko lamang na ang karunungan ng Diyos ay isinasagawa batay sa masamang balak ni Satanas, na ang Diyos ay isang matalinong Diyos at si Satanas ay kailanma’y natalong kaaway ng Diyos sa teorya, ngunit wala ako pang-unawa o kaalaman ng mga ito batay sa aktwal na karanasan. Pagkatapos, sa loob lamang ng isang kapaligiran na isinaayos ng Diyos ay nakamit ko ang ilang mga tunay na karanasan ng aspetong ito ng katotohanan.

06 Agosto 2018


I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

05 Agosto 2018

Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

krus, Espiritu, panginoon, Biyaya, pag-ibig sa Diyos

  Noong panahong si Pedro ay kasama ni Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.

04 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita. 
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos, 
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.