Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

28 Mayo 2019

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay | Kuwento . Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Palaawiting Ibon, at Tao

Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang usbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng regalong tubig ang lupa upang makayanan ng usbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng usbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang usbong sa kanyang mainit na yakap at kumapit sila sa isa’t isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng usbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang usbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at tumayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang usbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang usbong at ang lupa ay umasa sa isa’t isa …

11 Mayo 2019

kung paanong pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang espirituwal na mundo | Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Pananampalataya

Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ding napakahalagang paksa, at ito’y kapaki-pakinabang din na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig-sabihin nito ay ang Hudaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang mga pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang mga relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya—mga tagasunod na buong panahong gumagawa para sa kanilang pananampalataya—ay kokonti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Ang kanilang mga mananampalataya ay pupunta sa magkakaibang lugar kapag sila ay namatay. “Kaiba” mula kanino?

03 Mayo 2019

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay | Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Hangin

Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang makahinga ang tao. Ang “hangin” bang ito ay hindi ang hangin ng pang-araw-araw na buhay na palaging nararamdaman ng tao? Ang hanging bang ito ay hindi ang bagay kung saan ang mga tao ay dumedepende sa bawat saglit, kahit na sila ay tulog? Panghabang-panahon na mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Ito ang mahalagang sangkap ng kanilang bawat hininga at ng buhay mismo. Ang sangkap na ito, na siyang kaya lamang maramdaman at hindi makita, ay ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Matapos likhain ang hangin, umalis lang ba basta ang Diyos? Mayroong mga aspeto nito na hindi mailarawan sa isip ng tao. Pagkakalikha ng hangin, ang eksaktong densidad at dami ng hangin ay kinailangang maging tiyak na angkop sa sangkatauhan para sa kanilang pamumuhay. Tungkol sa densidad, mayroon munang bagay tungkol sa nilalaman ng oksigeno.