Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos
Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo. Gaano man ang iyong pagkakaintindi dati o handa ka man intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isagawa ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong pagsasagawa, sa tingin ko ito ang usapin na dapat ninyo munang maunawaan. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang nakulayan ng relihiyon. Kung hindi mo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa iyong gawin ang trabahong gagawin mo para sa Kanya. Kung hindi mo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahalang nakagawian at pagsisinungaling, at bukod dito, ang di-magbabagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang disposisyon ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, nguni’t walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong lahat isinanatabi ang mga batas ng pangangasiwa na inilabas ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkasala kung gayon sa Kanyang disposisyon. Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab ng galit ng Diyos Mismo, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan. Ngayon dapat ay napagtanto mo na maaari mong maunawaan ang disposisyon ng Diyos kapag iyong nalaman ang Kanyang kabuuan, at upang maintindihanang disposisyon ng Diyos ay katumbas ng pag-unawa sa mga administratibong kautusan. Walang duda, karamihan sa mga batas ng pangangasiwa ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang kabuuan ng Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa loob nito. Inaatasan kayo nitong magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa disposisyon ng Diyos.
Ako ay nagsasalita sa inyo ngayon ngunit hindi sa ordinaryong pakikipag-usap, kaya dapat ninyong isaalang-alang ang aking mga salita nang maykatapatan at, higit pa rito, mataimtim na pagnilayan ang mga ito. Ang ibig Kong sabihin ay lubhang napakaliit na pagsisikap ang inyong inilaan sa Aking mga sinabi. Pagdating sa disposisyon ng Diyos, kayo ay higit na tinatabangan na ito ay pag-isipan, at lubhang kaunti lamang ang tumatalaga rito. Kaya’t sinasabi ko na ang inyong pananampalataya ay pawang mga engrandeng salita lamang. Kahit ngayon, walang kahit isa sa inyo ang naglaan ng tunay na pagpapakasakit sa inyong pinakamahalagang kahinaan. Ako ay inyong binigo sa kabila ng lahat ng mga pasakitna aking inako para sa inyo. Hindi nakapagtataka na lahat kayo ay palaban sa Diyos at namumuhay nang salat sa katotohanan. Paanong maituturing na santo ang mga ganitong klase ng tao? Hindi pahihintulutan ng batas ng langit ang naturang bagay! Dahil kayo ay puno ng kakulangan sa pag-unawa, kung ganon kailangan Kong gumugol ng higit pang hininga.
Ang kalooban ng Diyos ay isang paksa na tila napakamatalinghaga at hindi madaling tanggapin, dahil ang Kanyang disposisyon ay hindi tulad sa pagkatao ng tao. Kahit ang Diyos ay may mga damdamin ng kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan, ngunit ang mga naturang damdamin ay iba rin sa damdamin ng tao. May sariling pagkatao at mga ari-arian ang Diyos. Ang lahat ng Kanyang ipinahahayag at ipinapakita ay representasyon ng Kanyang diwa at ng Kanyang pagkakakilanlan. Ang Kanyang, pagkatao, mga ari-arian, pati na rin ang diwa at pagkakakilanlan ay hindi maaaring palitan ng sinumang tao. Saklaw ng Kanyang disposisyon ang Kanyang pag-ibig para sa sangkatauhan, ang pagkalinga sa sangkatauhan, ang pagkapoot sa sangkatauhan, at higit pa rito, ang isang masinsinang pag-unawa sa sangkatauhan. Ang pagkatao ng tao, gayunman, ay maaaring positibo, masigla, o matigas ang damdamin. Ang disposisyon ng Diyos ay yaong nabibilang sa Tagapamahala ng mga nabubuhay sa lahat ng mga bagay, sa Panginoon ng lahat ng nilalang. Kinakatawan ng Kanyang disposisyon ang karangalan, kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, ang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang disposisyon ay ang simbolo ng awtoridad at lahat ng matuwid, maganda, at mabuti. Bukod dito, isa itong simbolo kung paano hindi maaaring[a] hadlangan o lusubin ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway ang Diyos, at simbolo rin kung paano hindi Siya maaaring (at sa katunayan ay hindi pinahihintulutang mangyari)[b] saktan ng anumang nilikhang nilalang. Ang Kanyang kalooban ay ang simbolo ng pinakamataas na disposisyon. Walang tao o mga tao ang maaari o kayang makagambala ng Kanyang gawain o ng Kanyang disposisyon. Ngunit ang pagkatao ng tao ay isa lamang simbolo ng bahagyang kataasan ng tao sa mga hayop. Ang tao sa at ng kanyang sarili ay walang awtoridad, walang pagsasarili, at walang kakayahang malampasan ang sarili, isa lamang sangkap na yumuyuko sa isang duwag na paraan upang manipulahin ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Ang kasiyahan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng pagkamatuwid at ng liwanag; dahil sa pagkagunaw ng kadiliman at kasamaan. Nasisiyahan Siya dahil dinala Niya ang liwanag at magandang buhay sa sangkatauhan; Ang Kanyang kasiyahan ay isa sa pagkamatuwid, isang simbolo ng pag-iral ng lahat ng positibo at, higit sa lahat, isang simbolo ng pagiging mapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pag-iral ng kawalang katarungan at ang gulo na dinudulot nito na sumisira sa Kanyang sangkatauhan; dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, ang pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa rito, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa mabuti at maganda. Ang Kanyang galit ay isang simbolo ng lahat ng negatibong bagay na hindi na umiiral at, higit pa rito, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kalungkutan ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inaasahan ngunit nahulog sa kadiliman, dahil ang ginagawa Niya sa tao ay hindi natatapatan ang Kanyang inaasahan, at dahil ang sangkatauhang mahal Niya ay hindi lahat maaaring manirahan sa liwanag. Nakadarama Siya ng kalungkutan para sa walang salang sangkatauhan, sa tapat ngunit ignoranteng tao, at sa mabuti ngunit nag-aalinlangang tao. Ang Kanyang kalungkutan ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang awa, isang simbolo ng kagandahan at ng kabaitan. Mangyari pa, ang Kanyang kaligayahan ay mula sa paggapi ng Kanyang mga kaaway at pagkamit sa mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, ito ay mula sa pagtaboy at pagkagunaw ng lahat ng mga puwersa ng kaaway at sa pagtanggap ng sangkatauhan sa isang mabuti at mapayapang buhay. Ang kaligayahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pagtanggap sa mga mabubuting bunga, isang pakiramdam na mas higit pa kaysa sa kagalakan. Ang Kanyang kaligayahan ay isang simbolo ng paglaya ng sangkatauhan sa paghihirap, at pagpasok sa mundo ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay umiiral lahat para sa mga layunin ng kanyang sariling interes, hindi para sa pagkamatuwid, liwanag, o kung ano ang maganda, at lalong hindi sa biyaya ng Langit. Ang damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at nabibilang sa mundo ng kadiliman. Ang mga ito ay hindi para sa kalooban, mas lalong hindi para sa plano ng Diyos, kaya ang tao at ang Diyos ay hindi kailanman maaaring bigkasin sa parehong hininga. Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili. Habambuhay na kumikilos ang Diyos para sa pag-iral ng sangkatauhan, ngunit hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay ukol sa liwanag o pagkamatuwid ng tao. Kahit na kumilos nang matagal ang tao, mahina ito at hindi kayang tagalan ang pinakabahagyang hagupit, dahil ang gawain ng tao ay laging para sa kanyang sarili at hindi para sa iba. Laging makasarili ang tao, habang ang Diyos ay habambuhay na walang pag-iimbot. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng matuwid, mabuti, at maganda, habang ang tao ay ang kahalili at tagapaghayag ng lahat ng kapangitan at masama. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang Kanyang diwa ng pagkamatuwid at kagandahan, ngunit ang tao, sa anumang oras, ay kayang pagtaksilan ang pagkamatuwid at maligaw ng landas papalayo sa Diyos.
Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito. Ang sangkap ng Diyos ay lubhang mahirap maunawaan, ngunit naniniwala ako na sa bawat isa sa inyo ay may kaunting kaalaman sa disposisyon ng Diyos. Umaasa Ako, sa susunod, ay maipapakita ninyo sa Akin at gagawin ang higit pa roon nang hindi magkasala sa disposisyon ng Diyos. Doon lamang ako mapapanatag. Bilang halimbawa, panatilihin ang Diyos sa iyong puso sa lahat ng oras. Kapag kumilos ka, maging tapat sa Kanyang salita. Hanapin ang Kanyang saloobin sa lahat ng bagay, at huwag gawin ang bagay na walang-galang at nakasisira sa kapurihan ng Diyos. Bukod dito, huwag mong ilagay ang Diyos sa likod ng iyong isipan upang punan ang hinaharap nang walang kabuluhan sa iyong puso. Kung gagawin mo ito, magkakasala ka kung ganon sa disposisyon ng Diyos. Kung hindi mo kailanman ginawa ang lapastangang pananalita o ang magreklamo laban sa Diyos at nagawa mo nang maayos ang lahat ng ipinagkatiwala Niya sa iyo sa buong buhay mo, maging ang pagpapasakop sa lahat ng salita ng Diyos, kung gayon napagtagumpayan mong iwasan na labagin ang mga batas ng pangangasiwa. Bilang halimbawa, kung nasabi mo na “Bakit hindi ko iniisip na Siya ang Diyos?” Sa tingin ko ang mga salitang ito ay pagliliwanag lamang ng Banal na Espiritu, “Sa tingin ko hindi lahat ng nagawa ng Diyos ay tama,” “Ang pagkatao ng Diyos ay hindi nakahihigit sa akin,” “Ang salita ng Diyos ay hindi kapani-paniwala,” o iba pang mapanghusgang mga puna, kung gayon ikaw ay papayuhan kong mangumpisal ng iyong mga kasalanan at magsisi. Kung hindi, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon sa kapatawaran, dahil hindi ka magkakasala sa tao, kundi ang Diyos Mismo. Pinaniniwalaan mo marahil na isang simpleng tao ang iyong hinuhusgahan, ngunit hindi iyon kinikilala ng Espiritu ng Diyos sa ganoong paraan. Ang iyong kawalan ng respeto sa Kanyang katawang-tao ay katumbas ng paglapastangan sa Kanya. Kung gayon nga, hindi ka ba nagkasala sa disposisyon ng Diyos? Dapat mong tandaan na ang lahat ng ginawa ng Espiritu ng Diyos ay upang suportahan ang Kanyang gawa sa laman at gawin nang mabuti ang naturang gawain. Kung isasantabi mo ito, kung gayon sasabihin ko na isa ka sa mga hindi kailanman magtatagumpay sa paniniwala sa Diyos. Dahil ikaw ang nagbunsod ng galit ng Diyos, kaya nararapat lamang na gumamit Siya ng akmang kaparusahan upang turuan ka ng leksyon.
Ang pagiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos ay hindi mababaw na bagay. Kailangan mong maunawaan ang Kanyang disposisyon. Sa paraang ito, ikaw ay unti-unting magiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos kasabay ng pag-usad sa mas malaki at mas magandang estado. Sa pagtatapos, ikaw ay magtatamo ng pakiramdam ng pagkapahiya sa iyong kasuklam-suklam na kaluluwa, sa puntong ikaw mismo ay mahihiyang ipakita ang iyong mukha. Sa panahong yaon, unti-unting mababawasan ang iyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos, ang iyong puso ay palapit nang palapit sa Diyos, at unti-unting lalago sa iyong puso ang pagmamahal para sa Kanya. Ito ang tanda ng pagpasok sa magandang estado ng sangkatauhan. Ngunit sa ngayon hindi pa ninyo ito naaabot. Pinapagod ninyo ang inyong mga sarili sa paglalakbay paroo’t parito para sa inyong kapalaran, kaya sinong mag-iisip na subukin at maging pamilyar sa kabuuan ng Diyos? Kung magpapatuloy ito, walang kamalay-malay ninyong lalabagin ang mga administratibong kautusan sapagkat kaunti lamang ang inyong nalalaman ukol sa disposisyon ng Diyos. Hindi ba’t ang ginagawa ninyo ngayon ay ang paglalatag ng pundasyon para sa inyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos? Iyan ang tinatanong ko sa inyo upang maunawaan na ang disposisyon ng Diyos ay hindi sumasalungat sa Aking gawain. Sapagka’t kung kayo ay nagkakasala nang madalas laban sa mga administratibong kautusan, kung gayon sino sa inyo ang makakaiwas sa kaparusahan? Hindi ba’t naging ganap na walang kabuluhan kung gayon ang Aking gawain? Samakatuwid, hihingin ko pa rin bukod sa pagsusuri ng inyong mga sariling kilos, na kayo ay mag-ingat sa mga hakbang na gagawin ninyo. Ito ang mas mataas na utos na hihingin ko sa inyo, at nais ko sana na ito’y inyong pag-isipang mabuti at bigyan ito ng pagpapahalaga. Kung dumating ang araw na ang inyong mga gawain ang bunsod ng Aking nagngingitngit na galit, tanging kayo lamang ang magsasaalang-alang sa mga kahihinatnanang ito, at walang sinuman ang tatanggap ng kaparusahan sa lugar ninyo.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Mababasa ang orihinal na teksto bilang “ang pagiging walang kakayahang maging.”
b. Mababasa ang orihinal na teksto bilang “ang pagiging walang kakayahang maging (at tunay na hindi pinahihintulutang maging).”
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosRekomendasyon:Alam mo ba ang malalim na kahulugan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?