Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

12 Disyembre 2017

Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)


    Ang kalikasan ng tao ay ganap na naiiba sa Aking diwa; ito ay sapagkat ang tiwaling kalikasan ng tao ay lahat nagmumula kay Satanas at ang kalikasan ng tao ay naproseso na at nagawang tiwali na ni Satanas. Yan ay, nananatili ang tao sa ilalim ng impluwensiya ng kasamaan at kapangitan nito. Ang tao ay hindi lumalaki sa isang mundo ng katotohanan o sa isang banal na kapaligiran, at dagdag pa hindi namumuhay sa liwanag. Samakatuwid, hindi posible para sa katotohanan na likas na mataglay sa loob ng kalikasan ng bawat tao, at dagdag pa hindi sila maaaring ipanganak na may takot-sa-Diyos, sumusunod-sa-Diyos na diwa. Sa kabaligtaran, sila ay nagtataglay ng isang kalikasan na tumututol sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at walang pagmamahal para sa katotohanan. Ang kalikasang ito ay ang problemang nais Kong pag-usapan pagkakanulo. Ang pagkakanulo ang pinagmumulan ng pagtutol ng bawat tao sa Diyos. Ito ay isang problema na umiiral lamang sa tao at hindi sa Akin. May ilang magtatanong ng ganitong uri ng tanong: Yamang silang lahat ay nabubuhay sa daigdig ng tao, bakit ang lahat ng tao ay may isang kalikasan na nagkakanulo sa Diyos, subali’t si Cristo ay hindi? Ito ay isang tanong na dapat maipaliwanag sa inyo nang malinaw.
    Ang pag-iral ng sangkatauhan ay nakabatay sa pagkakatawang-tao naman ng kaluluwa. Sa ibang salita, bawat tao ay nagtatamo ng isang pantaong pamumuhay sa laman sa pagkakatawang-tao ng kanilang kaluluwa. Pagkatapos na ang katawan ng isang tao ay maipanganak, ang buhay na iyon ay nagpapatuloy hanggang sa pinakamalaking limitasyon ng laman, yan ay, ang pangwakas na sandali kapag nilisan ng kaluluwa ang balat nito. Ang prosesong ito ay muli’t muling nauulit sa kaluluwa ng isang tao na dumarating at umaalis, at dumarating at umaalis, sa gayon ay napapanatili ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Ang buhay ng laman ay ang buhay din ng kaluluwa ng tao, ang kaluluwa ng tao ay sumusuporta sa pag-iral ng laman ng tao. Na ang ibig sabihin, bawat buhay ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa; hindi ang kanilang laman ang orihinal na may buhay. Sakamatuwid, ang kalikasan ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa, hindi mula sa kanilang laman. Tanging ang bawat kaluluwa ng tao ang nakakaalam kung paano sila ay sumailalim sa mga tukso, mga paghihirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi maaaring malaman ito ng laman ng tao. Kaya, ang sangkatauhan ay hindi sinasadyang nagiging higit at mas marumi, masama at madilim, habang ang distansiya sa pagitan Ko at ng tao ay lumalaki nang palayo nang palayo, at ang mga araw ng sangkatauhan ay nagiging padilim nang padilim. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay lahat nasa abot-kamay ni Satanas. Sa gayon, hindi na kailangang sabihin pa na ang laman ng tao ay naokupahan na rin ni Satanas. Paanong maaaring ang laman tulad nito at mga taong tulad nito ay hindi tututulan ang Diyos at maging likas na kaayon sa Kanya? Ang dahilan kung bakit si Satanas ay itinapon Ko sa hangin ay sapagkat ipinagkanulo nito Ako, kung kaya paanong maaaring mapakawalan ng mga tao ang kanilang mga sarili mula dito? Ito ang dahilan na ang kalikasan ng tao ay pagkakanulo. Nagtitiwala Ako na kapag inyong naunaawaan ang pangangatwirang ito kayo ay dapat ding magkaroon ng paniniwala sa diwa ni Cristo! Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. Ang laman na tulad nito ay may kakayanang lamang na gumawa nang matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, na kung saan ay banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayanang gumawa ng anumang lalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, mas higit ng anumang bagay na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang laman ay hindi magagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang laman ay naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi maaaring posibleng gawing tiwali ni Satanas ang laman ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos. Ngayon, dapat ninyong lahat maunawaan na ang sangkatauhan lamang, na siyang ginawang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin, at na ang problemang ito ay palaging magiging walang kaugnayan kay Cristo.
    Lahat ng mga kaluluwa na ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng dominyon ni Satanas. Tanging yaong mga naniniwala kay Kristo ang naihiwalay, niligtas mula sa kampo ni Satanas, at dinala sa kaharian ngayon. Ang mga taong ito ay hindi na namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Kahit na, ang kalikasan ng tao ay nakaugat pa rin sa laman ng tao. Na ang ibig sabihin na bagamat ang inyong mga kaluluwa ay nailigtas na, ang inyong kalikasan ay nasa lumang anyo pa rin at ang pagkakataon na inyong ipagkakanulo Ako ay nananatili sa isang-daang prosiyento. Kaya nga ang Aking gawain ay sadyang pangmatagalan, sapagkat ang inyong kalikasan ay masyadong di-natitinag. Ngayon lahat kayo ay nagdurusa hanggang sa makakayanan ninyo sa pagtupad ng inyong mga tungkulin, subalit ang isang di-maikakailang katotohanan ay ito: Bawat isa sa inyo ay maykakayanang ipagkanulo Ako at bumalik sa dominyon ni Satanas, sa kampo nito, at bumalik sa inyong lumang mga pamumuhay. Sa panahong iyon, hindi magiging posible para sa inyo na magkaroon ng isang pilas ng pagkatao o ang pagpapakita ng isang tao gaya ninyo ngayon. Sa seryosong mga kaso, kayo ay mawawasak at saka mapapahamak nang walang-hanggan, kailanman ay di na magkakatawang-tao muli subalit malubhang mapaparusahan. Ito ang problemang nakalatag sa harapan ninyo. Pinaaalalahanan Ko kayo sa ganitong paraan upang una, ang Aking gawain ay hindi magiging walang kabuluhan, at ikalawa, maaari kayong lahat ay mabuhay sa mga araw ng liwanag. Sa katunayan, kung ang Aking gawain ay walang kabuluhan ay hindi ang napakamahalagang problema. Ang susi ay para kayo ay magkaroon ng masayang mga buhay at isang kamangha-manghang hinaharap. Ang Aking gawain ay ang gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa ng mga tao. Kung ang iyong kaluluwa ay bumagsak sa mga kamay ni Satanas, sa gayon ang iyong katawan ay hindi magkakaroon ng mapayapang mga araw. Kung Aking pinoprotektahan ang iyong katawan, sa gayon ang iyong kaluluwa ay tiyakang mapapasailalim ng Aking pangangalaga. Kung talagang kinamumuhian kita, sa gayon ang iyong katawan at kaluluwa ay kaagad babagsak sa mga kamay ni Satanas. Maaari mo bang maisip sa gayon kung ano ang kahihinatnan ng iyong sitwasyon? Kung isang araw ang Aking mga salita ay nawala sa inyo, sa gayon ipapasa Ko kayo kay Satanas upang dobleng labis na pahirapan kayo hanggang sa ang Aking galit ay ganap na mapawi, o personal Kong parurusahan kayo na di-matutubos na mga tao, sapagkat ang inyong mga puso na nagkakanulo sa Akin ay hindi kailanman nagbago.
    Lahat kayo ngayon ay dapat tingnan ang inyong mga sarili sa lalong madaling panahon upang makita kung gaano kalaki sa inyong kayarian ay nagkakanulo pa rin sa Akin. Naiinip Akong naghihintay sa inyong tugon. Huwag ninyo Akong ipagwalang-bahala. Kailanma’y hindi Ako nakipaglaro sa mga tao. Kung sinasabi Ko ito sa gayon tiyak na gagawin Ko ito. Umaasa Ako na lahat kayo ay maaaring maging mga tao na siniseryoso ang Aking mga salita at huwag isipin na ang mga iyon ay isang nobelang kathang-isip sa agham. Ang nais Ko ay kongkretong aksyon mula sa inyo, hindi ang inyong mga imahinasyon. Susunod, dapat ninyong sagutin ang ganoong mga katanungan mula sa Akin: 1. Kung tunay kang isang taga-serbisyo, sa gayon maaari mo bang pagsilbihan Ako nang matapat, walang anumang di-interesado o negatibong mga elemento? 2. Kung malaman mo na kailanman hindi Kita napahalagahan, makakayanan mo pa rin ba na manatili at paglingkuran Ako habang buhay? 3. Kung gumugol ka ng maraming pagpupunyagi subalit Ako ay nanatili pa ring malamig sa iyo, maaari ka bang magpatuloy nang pagtatrabaho sa Akin na di-kilala? 4. Kung, pagkatapos mong makagugol ng ilang mga bagay para sa Akin, hindi Ko nagbigyan-kasiyahan ang iyong mga maliliit na mga hinihingi, ikaw ba ay masisiraan ng loob at mabibigo sa Akin o maging galit na galit at sumigaw ng pang-aabuso pa nga? 5. Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin? 6. Kung wala sa kung anumang naisip mo sa iyong puso ang tumutugma sa kung ano ang Aking nagawa, sa gayon paano ka lalakad sa iyong hinaharap na landas? 7. Kung hindi mo natatanggap ang anumang bagay na inaasahan mong matanggap, sa gayon maaari ka bang magpatuloy na maging tagasunod Ko? 8. Kung hindi mo kailanman naunawaan ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain, sa gayon maaari ka bang maging isang masunuring tao na hindi gumagawa ng hindi makatwirang mga paghatol at mga konklusyon? 9. Maaari mo bang pakaingat-ingatan ang lahat ng mga salita na Aking nasabi at lahat ng mga gawain na Aking nagawa kapag Ako’y kasama ng sangkatauhan? 10. Makakayanan mo bang maging matapat Kong tagasunod, nahahandang magdusa para sa Akin sa kabila ng hindi pagtanggap ng anumang bagay? 11. Makakayanan mo bang hindi magsaalang-alang, magplano, o maghanda para sa iyong hinaharap na landas ng kaligtasan ng buhay para sa Aking kapakanan? Ang mga katanungan ito ay Aking mga pangwakas na mga kinakailangan sa inyo at inaasahan Ko na lahat kayo ay maaaring tumugon sa Akin. Kung iyong tutuparin ang isa o dalawa sa mga bagay na mula sa mga katanungan ito, sa gayon kinakailangan mo pa ring ipagpatuloy ang pagtatrabaho nang husto. Kung hindi mo maaaring matupad ang isa sa mga kinakailangang ito, sa gayon tiyak na ikaw ang uri na maipapatapon sa impiyerno. Wala na Akong kailangang sabihing anumang karagdagan sa ganoong mga tao. Ito ay sapagkat sila ay tiyak na hindi mga tao na maaaring maging kaayon sa Akin. Paano ko pananatilihin ang isang tao sa Aking tahanan na maaaring ipagkanulo Ako sa ilalim ng anumang kalagayan? Para sa yaong maaari pang ipagkanulo Ako sa ilalim ng karamihan ng mga pangyayari, Aking oobserbahan ang kanilang pagganap bago gumawa ng ibang mga kaayusan. Gayunpaman, habang sila ay mga tao na may kakayanang ipagkanulo Ako, gaanuman mapasa-ilalim ng anong mga kondisyon, hindi Ko kailanman makakalimutan at aalalahanin Ko sa Aking puso habang naghihintay sa pagkakataon na gantihan ang kanilang masamang mga gawa. Ang mga kinakailangang Aking naitanghal ay mga usapin na kung saan dapat ninyong siyasatin ng inyong mga sarili. Inaasahan Ko na maaari ninyong lahat isaalang-alang ang mga iyon nang seryoso at na hindi ninyo pakikitunguhan Ako nang may kawalang interes. Sa malapit na hinaharap, susuriin Ko ang mga sagot na ibinigay ninyo sa Akin laban sa Aking mga kinakailangan. Sa oras na iyon, hindi na Ako mangangailangan ng anumang bagay mula sa inyo at hindi na magbibigay sa inyo na anumang karagdagang maalab na payo. Sa halip, gagamitin Ko ang Aking awtoridad. Yaong dapat panatilihin ay mapapanatili, yaong dapat na magantimpalaan ay magagantimpalaan, yaong dapat ipasa kay Satanas ay ipapasa kay Satanas, yaong dapat tumanggap ng mabigat na kaparusahan ay tatanggap ng mabigat na kaparusahan, at yaong dapat na mamatay ay pupuksain. Sa ganoong paraan, hindi na magkakaroon ng sinuman upang istorbohin Ako sa Aking mga araw. Naniniwala ka ba sa Aking mga salita? Naniniwala ka ba sa pagganti ng masama? Naniniwala ka ba na parurusahan Kong lahat yaong masasama na nandadaya at nagkakanulo sa Akin? Umaasa ka ba para sa araw na iyon na dumating nang mas maaga o para iyon dumating sa ibang pagkakataon? Ikaw ba ay isang napakatakot sa kaparusahan, o isang mas gustong lumaban sa Akin kahit na kailangang magtiis sila ng kaparusahan? Kapag ang araw na iyon ay dumating, maaari mo bang maisip kung ikaw ay mamumuhay sa gitna ng mga kasiyahan at tawanan, o pag-iyak at pagngangalit ng iyong mga ngipin? Anong uri ng katapusan ang inaasahan mong magkakaroon ka? Kailanman ba’y seryoso mong isinaalang-alang kung naniniwala ka sa Akin ng isang-daang porsiyento o nagdududa sa Akin ng isang-daang porsiyento? Kailanman ba ay maingat mong isinaalang-alang kung anong uri ng mga kalalabasan at pagwawakas ang idudulot sa iyo ng iyong mga pagkilos at pag-uugali? Talaga bang umaasa ka na ang lahat ng Aking mga salita ay matutupad isa-isa, o takot na takot ka ba na ang Aking mga salita ay matutupad isa-isa? Kung umaasa ka na paalis Ako sa lalong madaling panahon upang matupad ang Aking mga salita, sa gayon paano mo dapat tratuhin ang sarili mong mga salita at mga pagkilos? Kung hindi ka umaasa sa Aking paglisan at hindi umaasa na ang Aking mga salita ay lahat matutupad kaagad, sa gayon bakit ka naniniwala sa Akin sa anuman? Talaga bang alam mo kung bakit ka sumusunod sa Akin? Kung ito ay upang palawakin lamang ang iyong mga abot-tanaw, sa gayon hindi mo kinakailangang magdusa ng gayong mga karaingan. Kung ito ay upang ikaw ay maaaring pagpalain at maiwasan ang hinaharap na kalamidad, sa gayon bakit hindi ka nag-aalala tungkol sa iyong sariling pag-uugali? Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili kung iyong maaaring bigyan-kasiyahan ang Aking mga kinakailangan? Bakit hindi mo tanungin din ang iyong sarili kung ikaw ay kwalipikadong tumanggap ng Aking inilalaan mga pagpapala? 

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ?

Ano ang Ebanghelyo ?

Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)


    Ang Aking gawain ay malapit nang maging ganap. Ang maraming mga taon na ginugol nating magkasama ay naging di-mabatáng alaala ng nakaraan. Nagpatuloy Ako na ulitin ang Aking mga salita at hindi tumigil sa pagpapaunlad sa Aking bagong gawain. Mangyari pa, ang Aking payo ay isang kinakailangang bahagi sa bawat piraso ng gawain na ginagawa Ko. Kung wala ang Aking payo, lahat kayo ay maliligaw at magiging higit pa sa pagkawala. Ang Aking gawain ay malapit nang matapos at dumating sa isang katapusan; gusto Ko pa ring gumawa ng pagbibigay ng payo, ibig sabihin, upang mag-alok ng ilang mga salita ng payo na dapat ninyong pakinggan. Umaasa lang Ako na hindi ninyo aaksayahin ang Aking mga napakaingat na mga pagsisikap at higit pa, na maaari ninyong maunawaan ang lahat ng pangangalaga at kaisipan na Aking ginugol, tinatrato ang Aking mga salita bilang pundasyon ng kung paano kayo kumilos bilang isang tao. Kung ito man ay mga salita na nais ninyong pakinggan o hindi, maging ito ay mga salita na nasisiyahan ninyong tanggapin o tinatanggap na hindi komportable, dapat ninyong seryosohin ang mga iyon. Kung hindi, ang inyong mga kaswal at walang malasakit na mga disposisyon at mga paghakbang ay talagang makakabahala sa Akin at, higit pa, na makapagpapasuklam sa Akin. Masyado Akong umaasa na lahat kayo ay maaaring basahin ang Aking mga salita nang paulit-ulit-libu-libong beses-at saulado pa nga ang mga iyon. Sa paraan lang na iyon hindi ninyo maaaring mabigo ang Aking mga inaasahan sa inyo. Gayunpaman, wala sa inyo ang namumuhay ng tulad nito ngayon. Sa kabaligtaran, lahat kayo ay nalulubog sa isang pinasamáng buhay ng pagkain at pag-inom ng inyong kapupunan, at wala sa inyo ang gumagamit ng Aking mga salita upang mapayaman ang inyong mga puso at kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit nahinuha Ko na ang totoong mukha ng sangkatauhan ay isa na palaging magkakanulo sa Akin at walang sinuman ang maaaring maging lubos na matapat sa Aking mga salita.

11 Disyembre 2017

Ang tinig ng Diyos - Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

ebanghelyo, Patotoo, buhay, pag-ibig, Jesus

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos - Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

  Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming mga sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis. Naunawaan din niya ang di-kakaunting panuntunan ng paglilingkod, at kinalaunan ay nagawa niyang ganap na magtalaga sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus. Ang malaking pagpipino na kanyang tinanggap ay karamihan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa, naramdaman niya na marami siyang pagkakautang sa Diyos at hindi niya kailanman magagawa na makabawi sa Kanya, at kinilala niya na ang sangkatauhan ay masyadong tiwali, kaya nagkaroon siya ng nababagabag na konsiyensya. Si Jesus ay maraming bagay na ang nasabi sa kanya at sa panahong iyon mayroon lamang siyang kaunting pagkaunawa. May mga pagkakataon na nakabuo pa rin siya ng paglaban at pagiging mapanghimagsik. Pagkatapos mapako si Jesus sa krus, nagkaroon din siya sa wakas ng kaunting pagkamulat at nadama na siya talaga ang dapat sisihin. Sa bandang huli umabot ito sa isang punto kung saan siya ay nagulumihanan kapag nagkaroon siya ng ideya na hindi tama. Alam na alam niya ang kanyang sariling katayuan, at alam na alam din niya ang kabanalan ng Panginoon. Bilang resulta, isang puso ng pag-ibig para sa Panginoon ang yumabong sa kanya nang higit pa, at lalong nagtuon pa siya ng pansin sa kanyang buhay. Dahil dito ay nagdanas siya ng malalaking paghihirap, at bagamat may mga pagkakataon na parang mayroon siyang malalang karamdaman at mistula pang nasa pintuan na ng kamatayan, pagkatapos pinuhin sa ganitong paraan nang maraming beses, nagkaroon siya ng mas maraming pagkaunawa sa kanyang sarili, at sa ganitong paraan lamang niya napaunlad ang tunay na pag-ibig para sa Panginoon. Maaaring sabihin na ang kanyang buong buhay ay ginugol sa pagpipino at higit sa rito, ay ginugol sa pagkastigo. Ang kanyang karanasan ay naiiba mula sa karanasan ng sinumang tao, at nilampasan ng kanyang pag-ibig ang sa sinuman na hindi naging perpekto. Ang dahilan kung bakit siya pinili bilang isang huwaran ay dahil sa naranasan niya ang pinakamatinding paghihirap sa kabuuang buhay niya at ang kanyang mga karanasan ay ang pinakamatagumpay. Kung nagagawa ninyo talagang lakaran ang huling bahagi ng landas kagaya lang ni Pedro, kung gayon walang sinumang nilalang ang makaaagaw sa inyong mga pagpapala.

09 Disyembre 2017

Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

kapalaran, Diyos, Jesus, katotohanan, pananampalataya

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

    Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo. Gaano man ang iyong pagkakaintindi dati o handa ka man intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isagawa ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong pagsasagawa, sa tingin ko ito ang usapin na dapat ninyo munang maunawaan. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang nakulayan ng relihiyon. Kung hindi mo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa iyong gawin ang trabahong gagawin mo para sa Kanya. Kung hindi mo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahalang nakagawian at pagsisinungaling, at bukod dito, ang di-magbabagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang disposisyon ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, nguni’t walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong lahat isinanatabi ang mga batas ng pangangasiwa na inilabas ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkasala kung gayon sa Kanyang disposisyon. Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab ng galit ng Diyos Mismo, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan. Ngayon dapat ay napagtanto mo na maaari mong maunawaan ang disposisyon ng Diyos kapag iyong nalaman ang Kanyang kabuuan, at upang maintindihanang disposisyon ng Diyos ay katumbas ng pag-unawa sa mga administratibong kautusan. Walang duda, karamihan sa mga batas ng pangangasiwa ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang kabuuan ng Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa loob nito. Inaatasan kayo nitong magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa disposisyon ng Diyos.
    Ako ay nagsasalita sa inyo ngayon ngunit hindi sa ordinaryong pakikipag-usap, kaya dapat ninyong isaalang-alang ang aking mga salita nang maykatapatan at, higit pa rito, mataimtim na pagnilayan ang mga ito. Ang ibig Kong sabihin ay lubhang napakaliit na pagsisikap ang inyong inilaan sa Aking mga sinabi. Pagdating sa disposisyon ng Diyos, kayo ay higit na tinatabangan na ito ay pag-isipan, at lubhang kaunti lamang ang tumatalaga rito. Kaya’t sinasabi ko na ang inyong pananampalataya ay pawang mga engrandeng salita lamang. Kahit ngayon, walang kahit isa sa inyo ang naglaan ng tunay na pagpapakasakit sa inyong pinakamahalagang kahinaan. Ako ay inyong binigo sa kabila ng lahat ng mga pasakitna aking inako para sa inyo. Hindi nakapagtataka na lahat kayo ay palaban sa Diyos at namumuhay nang salat sa katotohanan. Paanong maituturing na santo ang mga ganitong klase ng tao? Hindi pahihintulutan ng batas ng langit ang naturang bagay! Dahil kayo ay puno ng kakulangan sa pag-unawa, kung ganon kailangan Kong gumugol ng higit pang hininga.
    Ang kalooban ng Diyos ay isang paksa na tila napakamatalinghaga at hindi madaling tanggapin, dahil ang Kanyang disposisyon ay hindi tulad sa pagkatao ng tao. Kahit ang Diyos ay may mga damdamin ng kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan, ngunit ang mga naturang damdamin ay iba rin sa damdamin ng tao. May sariling pagkatao at mga ari-arian ang Diyos. Ang lahat ng Kanyang ipinahahayag at ipinapakita ay representasyon ng Kanyang diwa at ng Kanyang pagkakakilanlan. Ang Kanyang, pagkatao, mga ari-arian, pati na rin ang diwa at pagkakakilanlan ay hindi maaaring palitan ng sinumang tao. Saklaw ng Kanyang disposisyon ang Kanyang pag-ibig para sa sangkatauhan, ang pagkalinga sa sangkatauhan, ang pagkapoot sa sangkatauhan, at higit pa rito, ang isang masinsinang pag-unawa sa sangkatauhan. Ang pagkatao ng tao, gayunman, ay maaaring positibo, masigla, o matigas ang damdamin. Ang disposisyon ng Diyos ay yaong nabibilang sa Tagapamahala ng mga nabubuhay sa lahat ng mga bagay, sa Panginoon ng lahat ng nilalang. Kinakatawan ng Kanyang disposisyon ang karangalan, kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, ang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang disposisyon ay ang simbolo ng awtoridad at lahat ng matuwid, maganda, at mabuti. Bukod dito, isa itong simbolo kung paano hindi maaaring[a] hadlangan o lusubin ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway ang Diyos, at simbolo rin kung paano hindi Siya maaaring (at sa katunayan ay hindi pinahihintulutang mangyari)[b] saktan ng anumang nilikhang nilalang. Ang Kanyang kalooban ay ang simbolo ng pinakamataas na disposisyon. Walang tao o mga tao ang maaari o kayang makagambala ng Kanyang gawain o ng Kanyang disposisyon. Ngunit ang pagkatao ng tao ay isa lamang simbolo ng bahagyang kataasan ng tao sa mga hayop. Ang tao sa at ng kanyang sarili ay walang awtoridad, walang pagsasarili, at walang kakayahang malampasan ang sarili, isa lamang sangkap na yumuyuko sa isang duwag na paraan upang manipulahin ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Ang kasiyahan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng pagkamatuwid at ng liwanag; dahil sa pagkagunaw ng kadiliman at kasamaan. Nasisiyahan Siya dahil dinala Niya ang liwanag at magandang buhay sa sangkatauhan; Ang Kanyang kasiyahan ay isa sa pagkamatuwid, isang simbolo ng pag-iral ng lahat ng positibo at, higit sa lahat, isang simbolo ng pagiging mapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pag-iral ng kawalang katarungan at ang gulo na dinudulot nito na sumisira sa Kanyang sangkatauhan; dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, ang pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa rito, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa mabuti at maganda. Ang Kanyang galit ay isang simbolo ng lahat ng negatibong bagay na hindi na umiiral at, higit pa rito, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kalungkutan ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inaasahan ngunit nahulog sa kadiliman, dahil ang ginagawa Niya sa tao ay hindi natatapatan ang Kanyang inaasahan, at dahil ang sangkatauhang mahal Niya ay hindi lahat maaaring manirahan sa liwanag. Nakadarama Siya ng kalungkutan para sa walang salang sangkatauhan, sa tapat ngunit ignoranteng tao, at sa mabuti ngunit nag-aalinlangang tao. Ang Kanyang kalungkutan ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang awa, isang simbolo ng kagandahan at ng kabaitan. Mangyari pa, ang Kanyang kaligayahan ay mula sa paggapi ng Kanyang mga kaaway at pagkamit sa mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, ito ay mula sa pagtaboy at pagkagunaw ng lahat ng mga puwersa ng kaaway at sa pagtanggap ng sangkatauhan sa isang mabuti at mapayapang buhay. Ang kaligayahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pagtanggap sa mga mabubuting bunga, isang pakiramdam na mas higit pa kaysa sa kagalakan. Ang Kanyang kaligayahan ay isang simbolo ng paglaya ng sangkatauhan sa paghihirap, at pagpasok sa mundo ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay umiiral lahat para sa mga layunin ng kanyang sariling interes, hindi para sa pagkamatuwid, liwanag, o kung ano ang maganda, at lalong hindi sa biyaya ng Langit. Ang damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at nabibilang sa mundo ng kadiliman. Ang mga ito ay hindi para sa kalooban, mas lalong hindi para sa plano ng Diyos, kaya ang tao at ang Diyos ay hindi kailanman maaaring bigkasin sa parehong hininga. Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili. Habambuhay na kumikilos ang Diyos para sa pag-iral ng sangkatauhan, ngunit hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay ukol sa liwanag o pagkamatuwid ng tao. Kahit na kumilos nang matagal ang tao, mahina ito at hindi kayang tagalan ang pinakabahagyang hagupit, dahil ang gawain ng tao ay laging para sa kanyang sarili at hindi para sa iba. Laging makasarili ang tao, habang ang Diyos ay habambuhay na walang pag-iimbot. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng matuwid, mabuti, at maganda, habang ang tao ay ang kahalili at tagapaghayag ng lahat ng kapangitan at masama. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang Kanyang diwa ng pagkamatuwid at kagandahan, ngunit ang tao, sa anumang oras, ay kayang pagtaksilan ang pagkamatuwid at maligaw ng landas papalayo sa Diyos.
    Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito. Ang sangkap ng Diyos ay lubhang mahirap maunawaan, ngunit naniniwala ako na sa bawat isa sa inyo ay may kaunting kaalaman sa disposisyon ng Diyos. Umaasa Ako, sa susunod, ay maipapakita ninyo sa Akin at gagawin ang higit pa roon nang hindi magkasala sa disposisyon ng Diyos. Doon lamang ako mapapanatag. Bilang halimbawa, panatilihin ang Diyos sa iyong puso sa lahat ng oras. Kapag kumilos ka, maging tapat sa Kanyang salita. Hanapin ang Kanyang saloobin sa lahat ng bagay, at huwag gawin ang bagay na walang-galang at nakasisira sa kapurihan ng Diyos. Bukod dito, huwag mong ilagay ang Diyos sa likod ng iyong isipan upang punan ang hinaharap nang walang kabuluhan sa iyong puso. Kung gagawin mo ito, magkakasala ka kung ganon sa disposisyon ng Diyos. Kung hindi mo kailanman ginawa ang lapastangang pananalita o ang magreklamo laban sa Diyos at nagawa mo nang maayos ang lahat ng ipinagkatiwala Niya sa iyo sa buong buhay mo, maging ang pagpapasakop sa lahat ng salita ng Diyos, kung gayon napagtagumpayan mong iwasan na labagin ang mga batas ng pangangasiwa. Bilang halimbawa, kung nasabi mo na “Bakit hindi ko iniisip na Siya ang Diyos?” Sa tingin ko ang mga salitang ito ay pagliliwanag lamang ng Banal na Espiritu, “Sa tingin ko hindi lahat ng nagawa ng Diyos ay tama,” “Ang pagkatao ng Diyos ay hindi nakahihigit sa akin,” “Ang salita ng Diyos ay hindi kapani-paniwala,” o iba pang mapanghusgang mga puna, kung gayon ikaw ay papayuhan kong mangumpisal ng iyong mga kasalanan at magsisi. Kung hindi, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon sa kapatawaran, dahil hindi ka magkakasala sa tao, kundi ang Diyos Mismo. Pinaniniwalaan mo marahil na isang simpleng tao ang iyong hinuhusgahan, ngunit hindi iyon kinikilala ng Espiritu ng Diyos sa ganoong paraan. Ang iyong kawalan ng respeto sa Kanyang katawang-tao ay katumbas ng paglapastangan sa Kanya. Kung gayon nga, hindi ka ba nagkasala sa disposisyon ng Diyos? Dapat mong tandaan na ang lahat ng ginawa ng Espiritu ng Diyos ay upang suportahan ang Kanyang gawa sa laman at gawin nang mabuti ang naturang gawain. Kung isasantabi mo ito, kung gayon sasabihin ko na isa ka sa mga hindi kailanman magtatagumpay sa paniniwala sa Diyos. Dahil ikaw ang nagbunsod ng galit ng Diyos, kaya nararapat lamang na gumamit Siya ng akmang kaparusahan upang turuan ka ng leksyon.
    Ang pagiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos ay hindi mababaw na bagay. Kailangan mong maunawaan ang Kanyang disposisyon. Sa paraang ito, ikaw ay unti-unting magiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos kasabay ng pag-usad sa mas malaki at mas magandang estado. Sa pagtatapos, ikaw ay magtatamo ng pakiramdam ng pagkapahiya sa iyong kasuklam-suklam na kaluluwa, sa puntong ikaw mismo ay mahihiyang ipakita ang iyong mukha. Sa panahong yaon, unti-unting mababawasan ang iyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos, ang iyong puso ay palapit nang palapit sa Diyos, at unti-unting lalago sa iyong puso ang pagmamahal para sa Kanya. Ito ang tanda ng pagpasok sa magandang estado ng sangkatauhan. Ngunit sa ngayon hindi pa ninyo ito naaabot. Pinapagod ninyo ang inyong mga sarili sa paglalakbay paroo’t parito para sa inyong kapalaran, kaya sinong mag-iisip na subukin at maging pamilyar sa kabuuan ng Diyos? Kung magpapatuloy ito, walang kamalay-malay ninyong lalabagin ang mga administratibong kautusan sapagkat kaunti lamang ang inyong nalalaman ukol sa disposisyon ng Diyos. Hindi ba’t ang ginagawa ninyo ngayon ay ang paglalatag ng pundasyon para sa inyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos? Iyan ang tinatanong ko sa inyo upang maunawaan na ang disposisyon ng Diyos ay hindi sumasalungat sa Aking gawain. Sapagka’t kung kayo ay nagkakasala nang madalas laban sa mga administratibong kautusan, kung gayon sino sa inyo ang makakaiwas sa kaparusahan? Hindi ba’t naging ganap na walang kabuluhan kung gayon ang Aking gawain? Samakatuwid, hihingin ko pa rin bukod sa pagsusuri ng inyong mga sariling kilos, na kayo ay mag-ingat sa mga hakbang na gagawin ninyo. Ito ang mas mataas na utos na hihingin ko sa inyo, at nais ko sana na ito’y inyong pag-isipang mabuti at bigyan ito ng pagpapahalaga. Kung dumating ang araw na ang inyong mga gawain ang bunsod ng Aking nagngingitngit na galit, tanging kayo lamang ang magsasaalang-alang sa mga kahihinatnanang ito, at walang sinuman ang tatanggap ng kaparusahan sa lugar ninyo.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Mababasa ang orihinal na teksto bilang “ang pagiging walang kakayahang maging.”
b. Mababasa ang orihinal na teksto bilang “ang pagiging walang kakayahang maging (at tunay na hindi pinahihintulutang maging).”
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:Alam mo ba ang malalim na kahulugan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Tatlong Babala








Diyos, katotohanan, Daan, kapalaran, Jesus


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tatlong Babala

    Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin:
    Una sa lahat, para sa kapakanan ng inyong kapalaran, kailangan ninyong pagsikapan na kayo ay aprobado ng Diyos. Ibig sabihin, Dahil tanggap ninyo na kayo ay kabilang sa tahanan ng Diyos, nararapat ninyong dalhin ang kapayapaan ng isip at kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa ibang salita, dapat may prinsipyo ang inyong mga ikinikilos at sumusunod sa katotohanan. Kung hindi ito abot ng iyong abilidad, tatanggihan at kamumuhian ka kung ganon ng Diyos at hahamakin ng lahat. Habang nasa ganitong kalagayan ka, hindi ka maaaring mapabilang sa tahanan ng Diyos. Ito ang pakiramdam kapag hindi kinikilala ng Diyos.
    Pangalawa, kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. At saka, ang Kanyang mga pagkilos ay walang mali at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig-sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; hindi kailanman pinalalabas na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itatago ang katotohanan; hindi kailanman gagawa ng bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya ng mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magpa-awa lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. Ang sinasabi ko ay simple ngunit lubhang mahirap para sa inyo. Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan. Ang iba ay napapaisip na may iba akong binabalak para sa mga hindi mapagkakatiwalaan. Syempre, naiintindihan ko ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng pagiging isang matapat na tao. Matatalino kayong lahat at sanay nang manghusga ng kapwa mula sa inyong pananaw kung kaya’t mas napadali nito ang Aking gawain. Dahil ang bawat isa sa inyo ay nagtatago ng lihim sa inyong mga puso, kung gayon, ipadadala ko ang bawat isa sa inyo sa kapahamakan upang dumaan sa isang “pagsubok” sa pamamagitan ng apoy, upang pagkatapos nito ay lubos nang nakatuon ang inyong paniniwala sa Aking mga salita. Sa huli, ipipilit ko ang mga salitang “Ang Diyos ay Diyos ng katapatan” sa iyong bibig, at inyong hahampasin ang inyong mga dibdib at sabay taghoy ng “palihis yaong puso ng tao.” Ano ang magiging lagay ng inyong isipan? Pakiwari ko’y hindi kayo magpapadala sa makasariling pamamaraan kagaya ninyo ngayon. At lalong hindi kayo “lubhang napakalalim upang maunawaan” kagaya ninyo ngayon. Ang iba ay mahinhin kung kumilos at partikular na “maayos makitungo” sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang niyo ba ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga matapat? Kung ipokrito at kaisa ka sa mga sanay “makipagsosyalan,” masasabi kong isa ka sa tiyak na hindi seryoso sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng palusot at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi kong ayaw mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang hindi mailarawang katapangan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang ibigay ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat at iniisip ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian. Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at katapatan sa iyong kalooban, kahit sa iyong talaan ay nagdusa ka para sa Diyos, at kahit isinuko nang buo ang iyong mga sarili sa Diyos. Kung may kakulangan ka sa mga ito, kung gayon nananatili sa iyong kalooban ang pagiging suwail, mapanlinlang, kasakiman, at pagkaligalig. Dahil ang iyong puso ay hindi matapat, hindi mo kailanman natanggap ang pagkalugod ng Diyos at hindi kailanman nabuhay sa liwanag. Ang iyong magiging kapalaran ay nakabatay sa kung ikaw ay may pusong matapat at sing-pula ng dugo, at dalisay na kaluluwa. Kung ikaw ay isa sa mga taong sobrang hindi matapat, na pusong may masamang hangarin, at maruming kaluluwa, kung gayon ang talaan ng iyong tadhana ay tiyak nang nasa lugar kung saan ang tao ay pinarusahan. Kung ipinapahayag mo na ikaw ay labis na matapat, ngunit hindi kailanman kumikilos at binabanggit ang salita ng katotohanan, naasahan mo pa rin ba na gagantimpalaan ka ng Diyos? naasahan mo pa rin ba na ikaw ang katangi-tangi sa mata ng Diyos? Ang pag-iisip bang ito ay hindi kahibangan? Nililinlang mo ang Diyos sa lahat ng bagay, kaya paanong tatanggapin ng tahanan ng Diyos ang mga tulad mong marumi ang kamay?
    Ang pangatlong bagay ay ito: Ang lahat ng mananampalataya sa Diyos ay lumaban at nilinlang ang Diyos sa ilang punto sa kanilang pinagdaanan. Ang ilan sa masasamang gawain ay hindi naitala bilang pagkakasala, ngunit ang ilan ay walang kapatawaran; sapagkat karamihan dito ay lumabag sa administratibong kautusan, na itinuturing na paglabag sa disposisyon ng Diyos. Marami sa mga nababahala sa kanilang sariling mga kapalaran ay maaaring magtanong kung anong mga gawaing iyon. Dapat ninyong malaman na kayo ay likas na mayabang at mapagmataas, at ayaw magpasakop sa katotohanan. Samakatuwid, sasabihin ko sa inyo nang paunti-unti matapos ninyong pagnilay-nilayan ang inyong mga sarili. Hinihikayat ko kayong mas unawain nang mabuti ang nilalaman ng administratibong kautusan at alamin ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang inyong mga labi at ang malayang pagwasiwas ng inyong mga dila na may matinis na pananalita. Walang kamalay-malay na nasasaktan ninyo ang disposisyon ng Diyos at nahulog sa kadiliman, nawalay sa presensya at liwanag ng Banal na Espiritu. Sapagkat kayo ay walang konsiyensya sa inyong mga ikinikilos. Kung iyong gagawin o sasabihin ang hindi dapat, kung gayon ikaw ay makatatanggap ng karampatang ganti. Dapat malaman mo na kahit walang konsiyensya ang iyong mga salita at kilos, ang Diyos ay lubhang may prinsipyo sa dalawang ito. Ang dahilan ng natanggap mong ganti ay dahil nasaktan mo ang Diyos, hindi ang tao. Kung, sa iyong buhay, marami ang iyong naging paglabag sa disposisyon ng Diyos, mahahantong ka kung gayon sa pagiging anak ng impiyerno. Para sa tao ito ay maaaring makita na ikaw ay nakagawa lamang ng iilang mga gawa na hindi naaayon sa katotohanan at wala nang iba. Alam mo ba, na sa mata ng Diyos, ikaw ay kabilang na sa mga wala nang paghahandog ng kasalanan? Sa paglabag mo sa administratibong kautusan ng Diyos nang higit isang beses at walang tanda ng pagsisisi, samakatuwid wala kang pagpipilian kundi ang mahulog sa impiyerno kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. Noong panahon na sumusunod pa sila sa Diyos, may kaunting bilang ng mga tao na sumusuway sa mga alituntunin, ngunit matapos silang aksyunan at magabayan, unti-unti nilang natuklasan ang kanilang sariling katiwalian, at nagbalik sa tamang landas ng katotohanan, at nanatiling marunong makibagay hanggang sa ngayon. Ang ganitong mga tao ang siyang mananatili hanggang sa katapusan. Ang mga may katapatan ang aking hinahanap; kung ikaw ay matapat at kumikilos nang may prinsipyo, gayon ikaw ay maaaring maging pinagkakatiwalaan ng Diyos. Kung sa iyong mga ikinikilos ay hindi mo nalabag ang disposisyon ng Diyos, at hinahanap ang kalooban ng Diyos at may pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ang iyong pananampalataya ay akma sa pamantayan. Sa mga taong walang paggalang at pusong nanginginig sa takot para sa Diyos ay madaling magkasala sa administratibong kautusan ng Diyos. Marami ang naglilingkod sa Diyos dahil sa simbuyo ng damdamin, at walang alam sa administratibong kautusan ng Diyos, at lalong hindi nauunawaan ang mga implikasyon ng Kanyang salita. Sa kabila ng kanilang mabuting intensyon, madalas nilang gawin ang bagay na umaantala sa pamamahala ng Diyos. Ang mga nakagawa ng seryosong pag-antala ay napalayas at nawalan ng pagkakataong sumunod pa sa Kanya; sila ay itinaboy sa impiyerno at hindi na muling nagkakaroon ng kahit anong kinalaman sa tahanan ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagtratrabaho sa tahanan ng Diyos nang may mabuti ngunit ignoranteng mga intensyon at nauuwi sa pagpukaw sa disposisyon ng Diyos. Dinadala ng mga tao ang kanilang paraan ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon sa tahanan ng Diyos, nang may mapagmalaking pag-aakala na ang mga naturang paraan ay maaaring gamitin dito. Hindi nila naisip kailanman na ang Diyos ay walang disposisyon na parang sa tupa ngunit tulad ng sa leon. Samakatuwid, ang mga nag-uugnay ng kanilang sarili sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipag-usap sa Kanya, sapagkat ang puso ng Diyos ay hindi tulad ng sa tao. Tanging pagkatapos iyong mauunawaan ang maraming katotohanan, saka mo lamang patuloy na makikilala ang Diyos. Ang kaalaman na ito ay hindi mga sulat o doktrina, ngunit maaaring gamitin bilang kayamanan ng iyong pagtitiwala sa Diyos at bilang katibayan na nalulugod Siya sa iyo. Kung ikaw ay salat sa tunay na kaalaman at hindi handa sa katotohanan, gayon ang iyong serbisyong puno ng damdamin ang siyang magdadala sa iyo ng labis na pagkamuhi at pagkapoot ng Diyos. Ngayon ay dapat maunawaan mo na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi simpleng pag-aaral lamang ng teolohiya.
    Bagama’t ang Aking payo ay maikli lamang, ang lahat ng mga inilarawan ko ang siyang labis na kulang sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang aking mga sinasabi ngayon ay para sa kapakanan ng Aking huling gawain sa mga tao, upang tukuyin ang katapusan ng tao. Hindi ko nanaisin pang gumawa ng maraming gawain na wala namang silbi, ni hindi ko gustong ipagpatuloy pa na pangunahan ang mga taong walang saysay gaya ng inanod na kahoy, at lalong hindi ang mga may nakatatakot na mga intensyon. Marahil isang araw ay mauunawaan ninyo ang maalab na layunin ng Aking mga salita at ang mga naitulong ko sa sangkatauhan. Marahil panghahawakan ninyo isang araw ang isang prinsipyong magbibigay sa inyo ng kakayahang magpasya sa inyong katapusan.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus bilang Kristo ?
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

08 Disyembre 2017

Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong-puso

La … la la la … la la la….
La … la la la … la la la … la….
Araw ng kat’wira’y sumisikat mula sa Silangan.
O D’yos! L’walhati Mo, pinuno ang langit at lupa.
Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko.
Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D’yos.
Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D’yos saya ang ramdam.
Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha…)
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin.
Ah ha….ah ha….ah ha….ah ha….
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin.
Ah ha….ah ha….ah ha….ah ha….
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin.
La la la … la la la….
La la la … la la la … la….
Kalooban ng D’yos nabunyag. Para ganapin mga kasuyong tunay ng D’yos?
Bayang masigla’t inosente, mag-alay ng mga papuri sa D’yos,
sama-samang sumayaw nang maganda paikot sa tunay na D’yos.
Lahat pinatawag ng tinig ng D’yos sa iba’t ibang dako.
Biyaya ng D’yos ‘binigay sa ‘tin. Pinaging-dalisay tayo sa paghatol ng salita ng D’yos.
Pag-ibig natin sa D’yos tumindi sa pagpipino. Kay tamis damdamin kariktan N’ya. (Ha…)
Sinong ‘di iibig sa marikit na D’yos? Buong -puso, praktikal na D’yos lamang aking iibigin.
Ah ha….ah ha….ah ha….ah ha….
Sinong ‘di iibig sa marikit na D’yos? Buong -puso, D’yos lamang aking iibigin.
Ah ha….ah ha….ah ha….ah ha….
Sinong ‘di iibig sa marikit na D’yos? Buong -puso, D’yos lamang aking iibigin.
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin.
Salamat sa ‘Yo! (Salamat sa ‘Yo!) (Salamat sa ‘Yo!) (Salamat sa ‘Yo!)
Mahal Ka Namin!
mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos

Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin,
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana,
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw,
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo,
Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo.
Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso,
kumapit sa Kanya, hawakan Siya, hangaan Siya,
matakot na mawala Siya,
at hindi na handang talikdan Siya, suwayin Siya kailan man,
o iwasan Siya o ilayo Siya.
Ang gusto mo lamang ay kalingain Siya, sumunod sa Kanya,
gantihan ang lahat ng mga ibinibigay Niya sa iyo,
at sumuko sa Kanyang dominyon.
Hindi ka na tumatangging gabayan,
tustusan, bantayan, at ingatan Niya,
hindi na tumatanggi kung ano ang inuutos at iniaatas Niya sa iyo.
kung ano ang inuutos at iniaatas Niya sa iyo.
Ang gusto mo lamang ay sumunod sa Kanya,
lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan,
ay sumunod sa Kanya, lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan,
ang gusto mo lamang ay tanggapin Siya
bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon,
ang gusto mo lamang ay tanggapin Siya
bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon,
nag-iisa at tanging Diyos.
Hindi ka na tumatangging gabayan,
Hindi ka na
Hindi ka na
Hindi ka na
tumatangging gabayan, tustusan, bantayan, at ingatan Niya,
Hindi ka na tumatanggi
Hindi ka na tumatanggi
Hindi ka na tumatanggi
Hindi ka na tumatanggi
kung ano ang inuutos at iniaatas Niya sa iyo,
kung ano ang inuutos at iniaatas Niya sa iyo.
“Ang gusto mo lamang ay sumunod sa Kanya,
lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan, ”
ay sumunod sa Kanya, lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan,
ang gusto mo lamang ay tanggapin Siya
bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon,
ang gusto mo lamang ay tanggapin Siya
bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon,
nag-iisa at tanging Diyos.
“Ang gusto mo lamang ay sumunod sa Kanya,
lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan, ”
ay sumunod sa Kanya, lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan,
ang gusto mo lamang ay tanggapin Siya
bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon,
bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon, nag-iisa at tanging Diyos.
iyong nag-iisa at tanging Diyos.
mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo?