Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

10 Enero 2018

The Church of Almighty God Draws Attention on the 1st Mondoreligioni Religious and Cultural Exchange




The Church of Almighty God Draws Attention on the 1st Mondoreligioni Religious and Cultural Exchange




    From December 7 to 9, 2017, the first Mondoreligioni - Incontriamo le Religioni del Mondo (Meet the World Religions), an activity of religious and cultural exchange, was held in Rome's Città dell'Altra Economia, jointly organized by the Associazione Italiana di Sociologia (Italian Sociology Association), the magazine Confronti, and EPOS. The event was focused on furthering cultural exchanges between various religions in Italy, increasing mutual understanding and respect, and promoting social stability and progress. Catholic, Christian, Muslim, and other religious groups attended this event along with representatives from Italian academia, news outlets, and local students. Notably, The Church of Almighty God was also invited to participate in the event. Lively discussions were held regarding issues faced by immigrants to Europe. In these discussions, it was held that with increasing immigration to Europe and the diversification of belief systems, issues of faith should be stressed in order to promote stability and progress in Europe. Christians from The Church of Almighty God issued statements describing the persecution inflicted on them by the Chinese Communist government, as well as the tortuous course of applying for religious asylum after fleeing to Italy. Through mutual communication, the other participants gained a greater understanding of The Church of Almighty God and the truth of the Chinese government's disregard for international human rights conventions and brutal persecution of religious belief. They also expressed their concern for the asylum applications of members of The Church of Almighty God in Italy.

Recommendation:How does the Church of Almighty God develop?

Understanding the Eastern Lightning

The Return of the Lord Jesus

Why Christians Spread the Gospel?

Salita ng Diyos | Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga




    Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Ang Diyos ay hindi makakakuha ng anuman mula sa taong ito; ang ganitong uri ng tao ay makapaglilingkod lamang bilang isang pagkakaiba sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, nakapagpapasikip lamang, at isang walang kabuluhan—hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Sa isang taong gayon, hindi lamang sa walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, ngunit higit pang, walang anumang halaga sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng tao ang siyang totoong “patay na naglalakad.” Wala silang mga sangkap na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu—silang lahat ay inangkin ni Satanas, lubos na ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang pakay ng pag-aalis ng Diyos. Hindi lamang kinakasangkapan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapairal sa kanilang mabubuting katangian, ngunit gayundin sa pagka-perpekto at pagbabago sa kanilang mga pagkukulang. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at lalo pang, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang maigi sa positibong aspeto at mapupunta sa pinakamataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Nangangahulugan ito na ikaw ay magiging isang tamang tao. Sa saligan na ang iyong puso ay panatag sa harap ng Diyos, ang susi kung nakatatanggap ka ng papuri mula sa Banal na Espiritu o hindi ay kung aktibo kang makapapasok. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang isang tao at kinakasangkapan ang isang tao, hindi kailanman nito siya ginagawang negatibo, ngunit palaging ginagawa siyang aktibong sumusulong. Bagamat mayroon siyang mga kahinaan, nagagawa niyang huwag mabuhay alinsunod sa mga ito, nagagawa niyang umiwas mula sa pag-aantala sa paglago ng kanyang buhay, at naipagpapatuloy niyang hangarin na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ay isang pamantayan na nagpapatunay na sapat na iyong nakamit ang presensiya ng Banal na Espiritu. Kapag ang isang tao ay palaging negatibo, at maging pagkatapos na siya ay niliwanagan upang makilala ang sarili niya nananatili pa rin siyang negatibo at walang kibo, hindi magawang bumangon at kumilos kasama ng Diyos, kung gayon tinatanggap lamang ng ganitong uri ng tao ang biyaya ng Diyos, ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi niya kasama. Kapag ang isang tao ay negatibo, nangangahulugan ito na ang kanyang puso ay hindi ibinaling sa Diyos at ang kanyang espiritu ay hindi inantig ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dapat kilalanin ng lahat.

09 Enero 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

B027-D-信神就當順服神-TL-min.jpg


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos




    Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

Salita ng Diyos | Pagtatapos ng Relihiyosong Serbisyo

Salita ng Diyos | Pagtatapos ng Relihiyosong Serbisyo



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pagtatapos ng Relihiyosong Serbisyo





    Sa simula ng Kanyang gawain sa sansinukob, Ang Diyos ay may itinalaga nang mga tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa lahat ng uri ng pinagmulan. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kagustuhan at tiyakin na ang Kanyang gawain sa lupa ay magbunga. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao upang maglingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat maunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawain, mas nakikitang mabuti ng mga tao ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan ng Diyos, at upang makita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa lupa. Ang Diyos ay sadyang bumababa sa lupa upang gawin ang kanyang gawain at makitungo sa mga tao nang sa gayon kanilang malaman nang mas malinaw ang Kanyang mga gawain. Ngayon, ito ay pribilehiyo ninyong mga grupo ng tao upang paglingkuran ang praktikal na Diyos. Ito ay isang malaking pagpapala para sa inyo. Tunay na itinataas kayo ng Diyos. Kapag ang Diyos ay pumipili ng maglilingkod sa Kanya, lagi Siyang may sariling prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi lamang isang bagay ng kasabikan gaya ng iniisip ng tao. Ngayon ang tao ay maaaring maglingkod sa Diyos sa Kanyang presensya, tulad ng inyong nakikita, sapagkat sila ay ginagabayan ng Diyos at may gawain ng Banal na Espiritu; at dahil sila ay naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang kaunting kinakailangan para sa isang tagapaglingkod ng Diyos.

08 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Hindi Maaaring Kumatawan sa Diyos

sariling-kahalagahan, disposisyon, pag-ibig, Banal na Espiritu, Jesus


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Hindi Maaaring Kumatawan sa Diyos




    Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos na walang kalayaan sa impluwensya ni Satanas. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong ma-proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Sa ibang salita, ang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Samakatuwid, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito na nanggagaling sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, lubos na pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang tao ay hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, kung gayon ay walang tunay na umiibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyongdisposisyon ay kumakatawan sa Diyos at kaya mong ibiginng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. Ang katulad ng ganitong mga tao ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang mahubog ang tao sa pamamagitan ng pagka-perpekto ng Diyos, pagkatapos ay alagaan at pasayahin ang kalooban ng Diyos at magpasakop sa gawain ng Banal na Espiritu, bago aprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa katawang-tao ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos maliban kung siya ay ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit na ang gayong disposisyon ng tao at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; ito ay maaari lamang sabihin na ang kanyang isinasabuhay ay pinamahalaan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Salita ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya




    Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

07 Enero 2018

Kristianong video | Ang Biblia at Diyos



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos




    Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?
   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?