Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo. Hindi marami ang makapagsasalita ukol sa praktikal na mga bagay, at totoong napakadalang na kunin ninuman ang timon. Bagamat ang mga sermon ay matatayog, bihirang may sinumang nagkaroon ng anumang pagpasok. Kakaunting mga tao ang nagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napapaluha sila kapag tinatanggap nila ang salita ng Diyos at nagiging masaya kapag isinasantabi nila ito; sila ay nanlulumo at nalulumbay kapag sila ay lumayo mula rito. Sa tapatang pananalita, hindi ninyo talaga pinahahalagahan ang salita ng Diyos, at hindi ninyo kailanman nakita ang mga salita mula sa Kanyang sariling bibig sa kasalukuyan bilang isang kayamanan. Kayo ay nababalisa lamang kapag binabasa ang Kanyang salita, at nadarama na masyadong nakapapagod kapag kinakabisa ito, at pagdating sa pagsasagawa sa Kanyang salita, kagaya lang ito ng pagharap sa isang walang katapusang imposibleng gampanin—kayo ay walang determinasyon. Kayo ay palaging pinalalakas kapag binabasa ang salita ng Diyos, ngunit makakalimutin kapag isinasagawa ito. Ang totoo, ang mga salitang ito ay hindi kailangang salitain nang buong ingat at ulitin nang buong tiyaga; nakikinig lamang ang mga tao ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, kaya ito ay naging balakid para sa gawain ng Diyos. Hindi Ko maaaring banggitin ito, hindi Ako maaring magsalita ukol rito. Hindi Ako kinumbinsi na gawin ito; hindi sa natutuwa Akong ibunyag ang kahinaan ng iba. Iniisip ba ninyo na ang inyong pagsasagawa ay sasapat at iniisip ninyo na kapag ang mga pagbubunyag ay nasa tugatog na, na kayo ay pumasok na rin sa gayong tugatog? Hindi ninyo kailanman siniyasat kung saan ang inyong mga karanasan ay itinatag sa dakong huli. Sa sandaling ito, ang inyong mga pagtitipon ay ganap na hindi matatawag na isang akmang buhay sa iglesia, ni ito ay isang angkop na espirituwal na buhay kailanman. Ito ay pagtitipon ng isang pangkat ng mga tao na natutuwa sa pakikipagkuwentuhan at pag-aawitan. Sa tuwirang pananalita, walang gaanong katotohanan rito. Sa pagsasabi nito nang bahagyang mas malinaw, kung hindi ka nagsasagawa, nasaan ang katotohanan? Hindi ba pagyayabang na sabihin na mayroon kang katotohanan? Yaong mga palaging nagsasagawa ng gawain ay arogante at mapagmataas, habang yaong mga palaging sumusunod ay nananahimik at pinananatiling nakatungo ang kanilang mga ulo, nang walang anumang pagkakataon para sa pagsasagawa. Ang mga tao na gumagawa ng gawain ay walang ginagawa kundi magsalita, nagpapatuloy sa kanilang matatayog na mga pananalita, at ang mga tagasunod ay nakikinig lamang. Walang pagbabago na maaaring tukuyin; ang mga ito ay mga pamamaraan lamang ng nakaraan! Sa kasalukuyan, ang iyong pagpapasailalim at hindi pangangahas na manghimasok o manahimik nang kusa ay dahil sa pagdating ng mga administratibong kautusan ng Diyos; hindi ito pagbabago na iyong pinagdaanan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan. Ang katotohanan na maraming mga bagay ang hindi mo gagawin sa ngayon na nagawa mo na sana kahapon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay totoong kapansin-pansin na nilupig nito ang mga tao. Maitanong Ko lamang sa sinuman, gaaano karami sa iyong naisakatuparan na sa kasalukuyan ang natamo sa pamamagitan ng pawis ng iyong sariling pagsisikap? Gaano karami rito ang tuwirang sinabi sa iyo ng Diyos? Paaano ka sasagot? Ikaw ba ay matutulala at hindi makapagsasalita? Ikaw ba ay mang-iinsulto? Bakit nagagawa ng iba na magsalita tungkol sa marami nilang mga karanasan upang pagkalooban kayo ng panustos, habang basta mo na lamang tinatamasa ang mga pagkain na niluto ng iba? Hindi ka ba nakadarama ng kahihiyan? Hindi ka ba nahihiya?