Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi)
Ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagtupad ng lahat ng likas sa loob ng tao, iyan ay, yaong maaari para sa tao. Doon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga pagkukulang ng tao sa panahon ng paglilingkod ng tao ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng kanyang karanasan sa paghatol; hindi nakapipigil o nakaaapekto ang mga ito sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumigil sa paglilingkod o sumuko at umatras dahil sa takot sa mga kakulangan na maaring umiiral sa paglilingkod ay ang mga pinakaduwag sa lahat ng mga tao. Kung hindi kayang ipahayag ng tao ang nararapat niyang ipahayag sa panahon ng paglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanya, at sa halip ay naglalaro lamang at nagpapadala sa agos, naiwala niya ang ginagampanan na kailangang mataglay ng isang taong nilalang. Ang ganitong uri ng tao ay itinuturing na isang mababang walang-kaanyuan at walang-kabuluhang pagsasayang ng espasyo; papaano ang isang gaya nito ay mapararangalan gamit ang titulo ng isang taong nilalang? Hindi ba’t sila ay mga kaanyuan ng katiwalian na nagniningning sa panlabas nguni’t nabubulok sa loob? Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya. Kung naiwawala ng tao kung ano ang likas na kayang makamit, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang taong nilalang o lumapit sa harap ng Diyos at paglingkuran Siya. Higit pa rito, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maingatan at gawing perpekto ng Diyos. Maraming mga naalisan ng tiwala ng Diyos ang tuluyan nang mawawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang kanilang mga pagkakamali nguni’t tahasang pinalalaganap ang kaisipan na ang paraan ng Diyos ay mali. At yaong mga suwail ay ipinagkakaila pa ang pag-iral ng Diyos; papaanong ang ganoong uri ng tao na may ganoong pagkasuwail ay nagkakaroon ng karapatan ng pagtatamasa sa biyaya ng Diyos? Ang mga taong nabigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin ay naging napakasuwail sa Diyos at malaki ang pagkakautang sa Kanya, gayunman sila’y bumabaling at nagsasaway na ang Diyos ay mali. Papaanong ang ganoong uri ng tao ay magiging karapat-dapat na gawing perpekto? Hindi ba’t ito ang tagapagpauna ng pagkakaalis at pagpaparusa? Ang isang taong hindi gumagawa ng kanyang tungkulin sa harap ng Diyos ay nakagawa na ng pinakakasuklam-suklam sa mga krimen, kung saan kahit ang kamatayan ay hindi isang sapat na kaparusahan, gayunman ang tao ay may lakas pa rin ng loob na makipagtalo sa Diyos at itumbas ang kanilang sarili laban sa Kanya. Ano ang kahalagahan ng pagpeperpekto sa ganoong uri ng tao? Kung ang tao ay nabibigong tuparin ang kanyang tungkulin, siya ay nararapat na makaramdam ng kahatulan at pagkakautang; nararapat niyang kasuklaman ang kanyang kahinaan at kawalang-saysay, ang kanyang pagiging-suwail at pagiging-tiwali, at higit pa rito, nararapat niyang ialay ang kanyang buhay at dugo para sa Diyos. Doon lamang siya isang taong nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong uri lamang ng tao ang karapat-dapat sa pagtatamasa ng mga biyaya at pangako ng Diyos, at sa pagpeperpekto sa pamamagitan Niya. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo pinakikitunguhan ang Diyos na nabubuhay sa kalagitnaan ninyo? Paano ninyo nagagawa ang inyong tungkulin sa harap Niya? Nagawa ba ninyong lahat ang mga ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang inyong sariling buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba kayo nakatanggap nang malaki mula sa Akin? Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano ang lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasukat ba ninyo ang lahat ng mga ito? Nahatulan ba ninyong lahat at naihambing ito sa kung gaano kaliit na konsensya ang mayroon kayo sa loob ninyo? Sino ang magagawan ninyo nang tama sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga pagkilos? Maaari kayang ang gayong kaliit na sakripisyo ninyo ay karapat-dapat sa lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-pusong nakalaan sa inyo, gayunman kayo ay nagkikimkim ng masasamang mga paghihinala tungkol sa Akin at kulang sa katapatan. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ang inyong tanging ginagampanan. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na hindi ninyo natupad kahit kailan ang tungkulin ng isang taong nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang taong nilalang? Hindi ba ninyo malinaw na nalalaman kung ano itong inyong ipinahahayag at isinasabuhay? Kayo ay nabigo sa pagtupad ng inyong tungkulin, nguni’t kayo ay naghahanap upang makamit ang awa at masaganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at mabababang gaya ninyo, kundi para sa mga yaong hindi humihingi ng kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, ganyang mga mabababang walang-kaanyuan, ay hindi karapat-dapat kahit kailan na magtamasa ng biyaya ng langit. Tanging paghihirap at walang-tigil na kaparusahan ang inyong mararanasan sa inyong mga buhay! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang inyong matatanggap ay isang kaparusahan. Anumang biyaya, mga pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay walang magiging kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat ninyong makamtan at isang bunga ng inyong sariling kagagawan! Yaong mga mangmang at mayayabang na mga tao ay hindi lamang hindi sinubukan ang kanilang makakaya o nagawa ang kanilang tungkulin, nguni’t sa halip may mga kamay silang nakaunat para sa biyaya, na para bang karapat-dapat sila sa kanilang hinihingi. At kung sila ay nabibigong makamit kung ano ang kanilang hinihingi, sila ay lalo pang nagiging walang pananampalataya. Paanong ang mga gayong tao ay maituturing na makatuwiran? Kayo ay mahinang uri at walang katuwiran, walang kakayahang isagawa ang mga tungkulin na nararapat ninyong gawin sa gawain ng pamamahala. Ang inyong kahalagahan ay lubusan nang bumagsak nang napakalalim. Ang kabiguan ninyong magsulit sa Akin sa pagpapakita sa inyo ng gayong kagandahang-loob ay isa nang kilos ng sukdulang pagiging-suwail, sapat upang kayo ay isumpa at ihayag ang inyong karuwagan, kawalan ng kakayahan, kababaan, at pagiging hindi-karapat-dapat. Paano kayo naging kwalipikado pa ring panatilihing nakaunat ang inyong mga kamay? Hindi kayo nakakatulong kahit katiting sa Aking gawain, hindi kayang kumapit sa inyong pananampalataya, at hindi kayang maging saksi para sa Akin. Ang mga ito ay mga kasalanan at mga pagkabigo niyo na, gayunman sa halip Ako ay inyong kinakalaban, nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Akin, at dumadaing na Ako’y hindi matuwid. Ito ba ang bumubuo sa inyong katapatan? Ito ba ang bumubuo sa inyong pagmamahal? Ano pa ang ibang gawaing maaari ninyong gawin na higit sa rito? Paano kayo nakapag-ambag sa lahat ng mga gawain na nagawa? Gaano kalaki ang inyong nagugol? Ito ay isa nang kilos ng malaking awa na hindi Ko kayo sinisisi, gayunman ay wala pa rin kayong kahihiyan na nagbibigay sa Akin ng mga dahilan at dumadaing tungkol sa Akin nang patago. Mayroon ba kayong kahit na katiting na bahid ng pagkatao? Kahit na ang tungkulin ng tao ay nabahiran ng pag-iisip ng tao at kanyang mga paniwala, dapat mong gawin ang iyong tungkulin at kumapit sa iyong pananampalataya. Ang mga karumihan sa gawain ng tao ay isang usapin ng kanyang uri, samantalang, kung hindi ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin, ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging-suwail. Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa pagiging ginawang perpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao. Palaging sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin na unti-unting nababago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito na naipakikita niya ang kanyang katapatan. Sa gayon, mas nakakaya mong gawin ang iyong tungkulin, mas higit na katotohanan ang iyong tatanggapin, at gayundin ang iyong pagpapahayag ay magiging mas makatotohanan. Yaong mga nagpapadala lamang sa agos sa paggawa ng kanilang tungkulin at hindi naghahanap ng katotohanan ay aalisin sa katapusan, dahil hindi ginagawa ng mga gayong tao ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang mga gayong tao ay yaong nananatiling hindi nababago at isusumpa. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga ipinahahayag, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay walang iba kundi kasamaan.