Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

24 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Biyaya, Bagong Kapanahunan, Banal na Espiritu, salita ng Diyos, kasanayan

 

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan




    Kayo ay sinabihan na ihanda ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hindi alintana kung ano ang inayos para sa inyo, ang lahat ay binalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—ang mga ito ay walang silbi. Subalit sa kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katotohanan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kamalian? Maraming kamalian ang makikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, kayo ay hindi makalalampas sa mga pagsubok na katulad ng “mga tagapaglingkod”, na walang kakayahang mag-isip o makalampas sa ibang kapinuhan na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Karamihan sa nangangailangan ng inyong pagsasagawa ay nangangailangan din ng inyong pagsunod. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat sumunod sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sundin ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang isagawa. Hayaan ninyong gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Ito ay wala ngunit isang kailangang gawin ng tao, at dapat sundin dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsunod sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi ngayon ang Kapanahunan ng kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong lugar at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang himig at mga hangad ng pananalita ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anong nagpapahayag ng pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sundin ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sundin ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanilang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sundin ang tao. Ang mga tuntunin sa nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na kasanayan para isagawa ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nila isinasama ang gawain ng Banal na Espiritu sa kailangang isagawa ng tao.

Salita ng Diyos | Tungkol sa Karanasan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Karanasan




    Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na nabubuhay sa harap ng Diyos, makikita niya ang mga iyon bilang mga pagsubok ng Diyos at hindi palalampasin ang mga iyon. Kung sasabihin ng isang tao na dahil sa ang Diyos ay nasa kanya tiyak na hindi siya lalapitan ni Satanas, hindi ito tama sa kabuuan. Paano maipaliliwanag na si Jesus ay humarap sa mga tukso pagkatapos Niyang mag-ayuno sa ilang sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinama ng tao ang kanyang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, makikita niya ang maraming mga bagay nang higit na mas malinaw at hindi magkakaroon ng pahilig at nakapanlilinlang na pagkaunawa. Kung ang isang tao ay totoong desidido na gawing perpekto ng Diyos, kinakailangan niyang lapitan ang mga bagay na hinaharap niya mula sa maraming magkakaibang mga anggulo, hindi nakahilig sa kanan o sa kaliwa. Kung wala kang taglay na kaalaman ukol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makikipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo nalalaman ang mga panuntunan ng gawain ng Diyos at walang kamalayan sa kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas n pagsasagawa. Ang isang masigasig na paghahangad lamang ay hindi magtutulot sa iyo na makamit ang mga resulta ng mga hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng karanasan ay nakakatulad ng kay Lawrence, hindi inaalam ang pagkakaiba at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang nakakatulad ng tao na walang presensiya ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Kung paano umasal tungo sa iba’t-ibang mga tao, kung paano mauunawaan ang kalooban ng Diyos, kung paano malalaman ang disposisyon ng Diyos, at kung aling mga tao, aling mga pangyayari, at aling kapanahunan, ang habag ng Diyos, Kanyang kamahalan at pagkamakatwiran ay nakadirekta—hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga ito. Kung ang tao ay walang maraming mga pananaw bilang kanyang saligan, isang saligan para sa kanyang mga karanasan, kung gayon ang buhay ay hindi na pinagtatalunan, lalong-lalo na ang karanasan; siya ay nananatili lamang na napasasakop sa lahat ng bagay na may-kamangmangan, pinagtitiisan ang lahat. Ang lahat ng gayong mga tao ay masyadong mahirap na gawing perpekto. Maaaring sabihin na ang hindi pagtataglay ng anumang mga pananaw na tinalakay sa itaas ay sapat na katibayan ng iyong pagiging isang hangal, nakakatulad sa isang haliging asin, palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang kabuluhan, sila ay mga walang kuwenta! Ang ilang mga tao ay kailanman mala-bulag na nagpapasakop, palagi nilang nalalaman ang kanilang mga sarili at palaging ginagamit ang kanilang mga pamamaraan nang paggawi sa kanilang mga sarili kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o ginagamit ang “karunungan” upang makitungo sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa, yaon ay ang mga tao na walang pagkakilala, na parang likas nilang isinusuko ang kanilang mga sarili sa kahirapan, parehas lamang palagi, hindi nagbabago kailanman; ito ay isang hangal na walang pagkakilala o anuman. Hindi sila kailanman umaakma sa mga panukat sa mga pangyayari o sa iba’t-ibang mga tao. Ang gayong mga tao ay walang taglay na karanasan. Nakikita Ko na nakikilala ng ilang mga tao ang kanilang mga sarili sa isang partikular na punto na kapag nahaharap sa kanila na taglay ang gawain ng masamang espiritu iniyuyuko pa nila ang kanilang mga ulo at inaamin ang kasalanan, hindi nangangahas na manindigan at hatulan sila. Kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi rin sila nangangahas sumunod, alinman, naniniwala na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay din ng Diyos, at kahit kaunti ay hindi sila nangangahas upang tumindig sa paglaban. Ang mga ito ay mga tao na hindi taglay ang dignidad ng Diyos, at tiyak na hindi nila makakayanang tiisin ang mabibigat na pasanin para sa Diyos. Ang gayong nalilitong mga tao ay hindi nakakakita ng pagkakaiba. Ang paraan ng karanasang ito kung gayon ay dapat na iwanan sapagkat ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.

23 Enero 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi)


    Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.

Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi)




    Ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagtupad ng lahat ng likas sa loob ng tao, iyan ay, yaong maaari para sa tao. Doon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga pagkukulang ng tao sa panahon ng paglilingkod ng tao ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng kanyang karanasan sa paghatol; hindi nakapipigil o nakaaapekto ang mga ito sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumigil sa paglilingkod o sumuko at umatras dahil sa takot sa mga kakulangan na maaring umiiral sa paglilingkod ay ang mga pinakaduwag sa lahat ng mga tao. Kung hindi kayang ipahayag ng tao ang nararapat niyang ipahayag sa panahon ng paglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanya, at sa halip ay naglalaro lamang at nagpapadala sa agos, naiwala niya ang ginagampanan na kailangang mataglay ng isang taong nilalang. Ang ganitong uri ng tao ay itinuturing na isang mababang walang-kaanyuan at walang-kabuluhang pagsasayang ng espasyo; papaano ang isang gaya nito ay mapararangalan gamit ang titulo ng isang taong nilalang? Hindi ba’t sila ay mga kaanyuan ng katiwalian na nagniningning sa panlabas nguni’t nabubulok sa loob? Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya. Kung naiwawala ng tao kung ano ang likas na kayang makamit, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang taong nilalang o lumapit sa harap ng Diyos at paglingkuran Siya. Higit pa rito, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maingatan at gawing perpekto ng Diyos. Maraming mga naalisan ng tiwala ng Diyos ang tuluyan nang mawawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang kanilang mga pagkakamali nguni’t tahasang pinalalaganap ang kaisipan na ang paraan ng Diyos ay mali. At yaong mga suwail ay ipinagkakaila pa ang pag-iral ng Diyos; papaanong ang ganoong uri ng tao na may ganoong pagkasuwail ay nagkakaroon ng karapatan ng pagtatamasa sa biyaya ng Diyos? Ang mga taong nabigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin ay naging napakasuwail sa Diyos at malaki ang pagkakautang sa Kanya, gayunman sila’y bumabaling at nagsasaway na ang Diyos ay mali. Papaanong ang ganoong uri ng tao ay magiging karapat-dapat na gawing perpekto? Hindi ba’t ito ang tagapagpauna ng pagkakaalis at pagpaparusa? Ang isang taong hindi gumagawa ng kanyang tungkulin sa harap ng Diyos ay nakagawa na ng pinakakasuklam-suklam sa mga krimen, kung saan kahit ang kamatayan ay hindi isang sapat na kaparusahan, gayunman ang tao ay may lakas pa rin ng loob na makipagtalo sa Diyos at itumbas ang kanilang sarili laban sa Kanya. Ano ang kahalagahan ng pagpeperpekto sa ganoong uri ng tao? Kung ang tao ay nabibigong tuparin ang kanyang tungkulin, siya ay nararapat na makaramdam ng kahatulan at pagkakautang; nararapat niyang kasuklaman ang kanyang kahinaan at kawalang-saysay, ang kanyang pagiging-suwail at pagiging-tiwali, at higit pa rito, nararapat niyang ialay ang kanyang buhay at dugo para sa Diyos. Doon lamang siya isang taong nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong uri lamang ng tao ang karapat-dapat sa pagtatamasa ng mga biyaya at pangako ng Diyos, at sa pagpeperpekto sa pamamagitan Niya. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo pinakikitunguhan ang Diyos na nabubuhay sa kalagitnaan ninyo? Paano ninyo nagagawa ang inyong tungkulin sa harap Niya? Nagawa ba ninyong lahat ang mga ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang inyong sariling buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba kayo nakatanggap nang malaki mula sa Akin? Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano ang lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasukat ba ninyo ang lahat ng mga ito? Nahatulan ba ninyong lahat at naihambing ito sa kung gaano kaliit na konsensya ang mayroon kayo sa loob ninyo? Sino ang magagawan ninyo nang tama sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga pagkilos? Maaari kayang ang gayong kaliit na sakripisyo ninyo ay karapat-dapat sa lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-pusong nakalaan sa inyo, gayunman kayo ay nagkikimkim ng masasamang mga paghihinala tungkol sa Akin at kulang sa katapatan. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ang inyong tanging ginagampanan. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na hindi ninyo natupad kahit kailan ang tungkulin ng isang taong nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang taong nilalang? Hindi ba ninyo malinaw na nalalaman kung ano itong inyong ipinahahayag at isinasabuhay? Kayo ay nabigo sa pagtupad ng inyong tungkulin, nguni’t kayo ay naghahanap upang makamit ang awa at masaganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at mabababang gaya ninyo, kundi para sa mga yaong hindi humihingi ng kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, ganyang mga mabababang walang-kaanyuan, ay hindi karapat-dapat kahit kailan na magtamasa ng biyaya ng langit. Tanging paghihirap at walang-tigil na kaparusahan ang inyong mararanasan sa inyong mga buhay! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang inyong matatanggap ay isang kaparusahan. Anumang biyaya, mga pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay walang magiging kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat ninyong makamtan at isang bunga ng inyong sariling kagagawan! Yaong mga mangmang at mayayabang na mga tao ay hindi lamang hindi sinubukan ang kanilang makakaya o nagawa ang kanilang tungkulin, nguni’t sa halip may mga kamay silang nakaunat para sa biyaya, na para bang karapat-dapat sila sa kanilang hinihingi. At kung sila ay nabibigong makamit kung ano ang kanilang hinihingi, sila ay lalo pang nagiging walang pananampalataya. Paanong ang mga gayong tao ay maituturing na makatuwiran? Kayo ay mahinang uri at walang katuwiran, walang kakayahang isagawa ang mga tungkulin na nararapat ninyong gawin sa gawain ng pamamahala. Ang inyong kahalagahan ay lubusan nang bumagsak nang napakalalim. Ang kabiguan ninyong magsulit sa Akin sa pagpapakita sa inyo ng gayong kagandahang-loob ay isa nang kilos ng sukdulang pagiging-suwail, sapat upang kayo ay isumpa at ihayag ang inyong karuwagan, kawalan ng kakayahan, kababaan, at pagiging hindi-karapat-dapat. Paano kayo naging kwalipikado pa ring panatilihing nakaunat ang inyong mga kamay? Hindi kayo nakakatulong kahit katiting sa Aking gawain, hindi kayang kumapit sa inyong pananampalataya, at hindi kayang maging saksi para sa Akin. Ang mga ito ay mga kasalanan at mga pagkabigo niyo na, gayunman sa halip Ako ay inyong kinakalaban, nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Akin, at dumadaing na Ako’y hindi matuwid. Ito ba ang bumubuo sa inyong katapatan? Ito ba ang bumubuo sa inyong pagmamahal? Ano pa ang ibang gawaing maaari ninyong gawin na higit sa rito? Paano kayo nakapag-ambag sa lahat ng mga gawain na nagawa? Gaano kalaki ang inyong nagugol? Ito ay isa nang kilos ng malaking awa na hindi Ko kayo sinisisi, gayunman ay wala pa rin kayong kahihiyan na nagbibigay sa Akin ng mga dahilan at dumadaing tungkol sa Akin nang patago. Mayroon ba kayong kahit na katiting na bahid ng pagkatao? Kahit na ang tungkulin ng tao ay nabahiran ng pag-iisip ng tao at kanyang mga paniwala, dapat mong gawin ang iyong tungkulin at kumapit sa iyong pananampalataya. Ang mga karumihan sa gawain ng tao ay isang usapin ng kanyang uri, samantalang, kung hindi ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin, ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging-suwail. Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa pagiging ginawang perpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao. Palaging sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin na unti-unting nababago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito na naipakikita niya ang kanyang katapatan. Sa gayon, mas nakakaya mong gawin ang iyong tungkulin, mas higit na katotohanan ang iyong tatanggapin, at gayundin ang iyong pagpapahayag ay magiging mas makatotohanan. Yaong mga nagpapadala lamang sa agos sa paggawa ng kanilang tungkulin at hindi naghahanap ng katotohanan ay aalisin sa katapusan, dahil hindi ginagawa ng mga gayong tao ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang mga gayong tao ay yaong nananatiling hindi nababago at isusumpa. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga ipinahahayag, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay walang iba kundi kasamaan.

Hong Kong's Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?



Hong Kong's Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?




    November 2017, a series of incendiary reports came out of Hong Kong. Ta Kung Pao and Wen Wei Po, both pro-CCP leftist newspapers, published a media onslaught of 17 articles in a frenzied attempt to discredit The Church of Almighty God, a legally registered religious entity in Hong Kong. This kind of media attention occurring in mainland China under the dictatorship of the CCP would not be cause for comment. However, this occurred within the democracy of Hong Kong, supposedly under "one country, two systems." This is truly cause for concern. The freedom of religion is a basic human right protected by international human rights conventions. All democracies around the world acknowledge the freedom of religion, and all citizens in democratic nations strongly uphold this freedom, but this occurrence in the Hong Kong Special Administrative Region does not bode well. If the Hong Kong branch of The Church of Almighty God also suffers the CCP's persecution, will Hong Kong's other religious groups be able to avoid this fate? How far do freedom and democracy really go in Hong Kong?

Recommendation:What Is Gospel?

The Returned Lord Jesus’ Words

Investigating the Eastern Lightning



22 Enero 2018

Salita ng Diyos | 5. Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 5. Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus




    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa China upang magtrabaho, at nagpahayag ng milyun-milyong salita, nanlulupig at nagliligtas sa isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang salita at nagpapasimula sa bagong kapanahunan ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ngayon, ang paglaganap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay umabot na sa kasukdulan sa Mainland China. Karamihan sa mga tao sa Iglesiang Katoliko at lahat ng Kristiyanong denominasyon at sekta na naghahanap sa katotohanan ay nakabalik na sa harapan ng luklukan ng Diyos. Naisakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng “lihim na pagparito ng Anak ng tao” na ipinropesiya sa Biblia, at di-maglalaon ay magpapakita sa publiko sa bawat bansa at lugar sa mundo. Lahat ng tao sa bawat bansa at lugar na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos ay aasamin ang pagpapakita ng Diyos sa publiko. Walang puwersang maaaring humadlang o sumira sa kaharian ng Diyos, at sinumang lalaban sa Diyos ay parurusahan ng galit ng Diyos, tulad ng sinabi sa mga salita ng Diyos: “Nahuhubog ang kaharian Ko sa buong sandaigdigan, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng trilyun-trilyong mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Gusto Kong ipagpatuloy ang Aking gawain, gusto Kong magharing pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!” “Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka't ako'y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

21 Enero 2018

Salita ng Diyos | 4. Ang Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa China

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 4. Ang Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa China




    Noong 1995, ang gawain ng pagpapatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay pormal na sinimulan sa Mainland China. Sa pamamagitan ng ating pasasalamat sa Diyos at may tunay na pagmamahal, nagpatotoo tayo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga kapatid na lalaki at babae sa iba’t ibang denominasyon at sekta. Hindi natin inasahang dumanas ng matinding pagkalaban at paninirang-puri mula sa kanilang mga pinuno. Ang tangi nating magagawa ay lumapit sa Makapangyarihang Diyos upang taimtim na manalangin, na nagsusumamong personal na magtrabaho ang Diyos. Mula noong 1997, namasdan naming magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu. Mabilis na dumami ang mga miyembro ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar. Kasabay nito, maraming tanda at kababalaghan ang nangyari, at maraming tao sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang bumalik sa Makapangyarihang Diyos dahil tumanggap sila ng mga pagbubunyag mula sa Diyos o nakita nila ang mga tanda at kababalaghang ito. Kung hindi nagtrabaho ang Banal na Espiritu, ano ang magagawa ng tao? Dahil dito natanto natin na: Bagama’t naunawaan natin ang ilang katotohanan, hindi tayo makapagpatotoo tungkol sa Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan lamang ng ating sariling lakas. Matapos tanggapin ng mga taong ito mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang Makapangyarihang Diyos, unti-unti nilang natiyak ang Makapangyarihang Diyos sa kanilang puso sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom at pagkalugod sa salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkaraan ng kaunting panahon, nagkaroon sila ng tunay na pananampalataya at pagsunod. Kaya ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon at sekta ay dinala sa harapan ng luklukan, at hindi na inasahang “salubungin ang Panginoon sa hangin ” tulad ng kanilang naisip.