Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

15 Pebrero 2018

4. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Mga Pagsubok at Pagpipino.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 4. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Mga Pagsubok at Pagpipino.




Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang kapinuhan ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng kapinuhan ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagpungos at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng kapinuhan. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang kapinuhan ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng kapinuhan, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang kapinuhan ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng kapinuhan maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.

14 Pebrero 2018

Cristianong Musikang | O Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay Lubos na Maluwalhati!




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Musikang | O Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay Lubos na Maluwalhati!





O Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay Lubos na Maluwalhati!
Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,
Ikaw ay Manunubos na nagbalik.
Ikaw ay nangungusap sa lahat ng tao,
gamit ang katotohanan upang hatulan at dalisayin sila.
Ang Iyong mga salita ay puno ng awtoridad at kapangyarihan,
nagdadalisay sa tiwaling disposisyon ng tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob




I
Kung mga bansa't tao'y babalik sa Diyos,
ibibigay Niya lahat ng yaman ng langit sa sangkatauhan,
at nang umapaw walang kapantay na yaman dahil sa Kanya,
walang kapantay na yaman dahil sa Kanya.
Hanggang ang dating mundo ay nananatili,
poot ng Diyos ay t'yak ipupukol sa mga bansa,
ipapaalam mga utos Niya sa sansinukob,
at dala'y pagkastigo sa lalabag nito.
Mga bituin, araw't buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng 'to.
Kalangitan ay 'di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo'y mababago.
Lahat maging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.

13 Pebrero 2018

3. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos3. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawa’t isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang layunin ng Aking gawain upang lupigin ay hindi lamang para sa kapakanan ng panlulupig, kundi manlupig upang sa gayon ay ibunyag ang pagkamatuwid at kalikuan, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng tao, upang sumpain ang masama, at tangi sa roon, lumulupig Ako upang gawing perpekto yaong mga may puso ng pagsunod.

12 Pebrero 2018

1. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos1. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.

3. Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos3. Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


    Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay sumailalim sa pagtitiwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa buong sangkatauhan ay nangailangan ng masaganang biyaya, walang-hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang makarating sa bunga nito. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog na pantakip ukol sa kasalanan ng sangkatauhan, iyan ay, si Jesus. Ang alam lamang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito sa kabuuan ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya’t, bago sila matubos, kinailangan nilang matamasa ang maraming uri ng biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at maari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus sila nakatamo ng karapatang makatanggap ng kapatawaran at magtamasa sa kasaganaan ng biyaya na ipinagkaloob sa pamamagitan ni Jesus—gaya ng sinabi ni Jesus, “Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang pahintulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan.” Kung si Jesus ay nagkatawang-tao na may disposisyon ng paghatol, sumpa, at hindi-pagpapaubaya sa mga kasalanan ng tao, kung gayon ang tao ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon na matubos, at mananatili silang makasalanan magpakailanman. Kung nagkagayon, ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay napahinto sana sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang Kapanahunan ng Kautusan ay napatagal ng anim na libong taon. Ang mga kasalanan ng tao ay mas lalo pa sanang dumami at mas lalong lumubha, at ang paglikha sa sangkatauhan ay mauuwi sa wala. Ang mga tao ay maaring nakapaglingkod lamang kay Jehova sa ilalim ng kautusan, nguni’t ang kanilang mga kasalanan ay mas marami kaysa roon sa mga unang nilikhang tao. Habang mas minamahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at kagandahang-loob, ang sangkatauhan ay mas nagkakaroon ng kakayahan na maligtas, na matawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Si Satanas ay hindi maaring makialam sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gaya ng pakikitungo ng isang mapagkalingang ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hinamak man sila, kundi Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang galit sa kanilang kalagitnaan, kundi nagtiis sa kanilang mga pagkakamali at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, anupa’t sinabing, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpu’t pitong beses.” Kaya binago ng puso Niya ang mga puso ng iba. Sa ganitong paraan nakatanggap ang mga tao ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.