I Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay, araw-araw, nagmamasid. Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili, tinitikman ang buhay ng tao, Tinitingnan ang bawat gawa ng tao. Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos? Sino ang humabol kailanman sa katotohanan? Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos, iningatan ang mga pangako na ginawa, at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos? Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila? Sino ang nagpahalaga sa Diyos
I Sa lahat ng bawat edad, kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, Siya'y laging nagbibigay ng ilang mga salita sa sangkatauhan, Siya'y nagsasabi ng ilang mga katotohanan. Ang mga katotohanang ito ay nagsisilbing paraan na dapat sundin ng tao, ang paraan na dapat panatilihin ng tao. Ito ang daan na hahantong sa tao para matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, at isang bagay sa kanilang mga buhay, at sa paglalakbay sa buhay na dapat nilang isagawa, at dapat sundin. Ito ang mga dahilan na ang Diyos naggagawad ng Kanyang mga salita sa kanila.
I Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel at inalis ito mula roon, dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan. Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag, 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag. Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at ang kaluwalhatian Niya sa Israel, makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap sa gitna ng mga tao, makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas, makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel, makita ang Maestro ng mga Judio, makita ang inaasam na Mesiyas, at buong hitsura Niyang inusig ng mga hari sa buong panahon.
Sa katapusan ang bawat bansa ay sasamba sa karaniwang taong ito, magpapasalamat at susunod sa hamak na taong ito. Siya ang nagdala ng katotohanan, ng buhay at daan upang maligtas ang sangkatauhan, malunasan di pagkakaintindihan ng tao sa Diyos, papaglapitin ang Diyos at tao, maipaalam ang mga iniisip sa pagitan ng Diyos at tao. Siya rin ang nagdala ng higit pang luwalhati sa Diyos. Di ba karapat-dapat ang karaniwang tao gaya nito sa iyong pagtitiwala at pagsamba? Ang karaniwang katawang-tao tulad nito ba'y hindi angkop upang tawaging Kristo? Ang gayon bang karaniwang tao ay hindi maaaring maging pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba ang gayong tao na tumutulong sa sangkatauhan upang mailigtas sa sakuna karapat-dapat sa inyong pagmamahal at para inyong hawakan? mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
I Diyos ang may likha ng mundo at ng tao. Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya. Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao, (Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi). Pag unlad ng tao’y di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.
I Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon, ngunit di alam ng tao na hawak ng Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay. Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos, mamahala sa lahat ng bagay. Gayong bagay ang 'di alam ng tao noon hanggang ngayon 'di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos, o plano Niya'y di pa naisakatuparan, nguni't dahil puso't espiritu ng tao, napakalayo sa D'yos. Kahit tao'y sumusunod sa Diyos. Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas. Walang aktibong humahanap sa bakas ng D'yos.
I Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya; Yamang nililigtas Niya, tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos; Yamang inaakay Niya, tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan. Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya, S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya. Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha. Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa pag-aalis ng inaasam ng tao, sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa, wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.