Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan
Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: "Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod..." Sa panahong iyon, nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya nakipag-usap ako sa kanya: "Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan, ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos." Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos, at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.