Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post

22 Hulyo 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

panginoon, Biyaya, Fariseo, krus, Katapatan
🍁🍁🍁🌟🍁🍁🍁




  1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na sila ay naniniwala sa Biblia; sa halip na sabihing sila ay nagsisimula na sa pagbabasa ng Biblia, mas mabuting sabihin na nagsisimula na sila sa paniniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nanumbalik na sila sa Panginoon, mas mabuting sabihing sila'y nanumbalik na sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay kanilang pinaka-buhay at ang mawalan nito'y tulad ng mawalan ng kanilang mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasintaas ng Diyos, at may mga tao na tinitingnan ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang kanilang buhay. At kaya, sa sandaling maniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas higit sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nito ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at may malaking pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at nakapagsasalita nito sa iba ay lahat mabubuting kapatid na lalaki at babae. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Talagang hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Diyos, at walang g gagawin kundi pikit-matang naghahanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi nila kailanman hinanap ang direksiyon ng gawa ng Banal na Espiritu; mula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang naghanap kahit minsan ng bagong gawa ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, o nangahas na lumihis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakabuo sila ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming gawa; marami rin silang nagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa pinagmulan ng gawain ni Jehova sa Israel, o pinagmulan ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa kuwentong napapaloob at diwa ng Biblia. Kaya, ang resulta sa ngayon ay, mayroon pa ring di-mailarawang pakiramdam ng pagka-mahika ang mga tao pagdating sa Biblia; higit pa riyan, nahuhumaling sila rito, at may pananampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraang, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa mga huling araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa ganoong pikit-matang paniniwala sa Biblia, sa ganoong pagtitiwala sa Biblia, wala silang pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkakaintindi ng mga tao, iniisip nila ang Biblia lamang ang magdadala ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng mga gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang libro o mga tao—ang makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at kapwa maaaring simulan at wakasan ng Biblia ang mga kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung walang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon, ang Kanyang mga yapak ay nakapaglaman sa Biblia, at ang pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawa ay naging dobleng hirap, at isang mahirap na pakikipagpunyagi. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga kasabihan mula sa Biblia, gayundin ang iba't-ibang mga propesiya ng Biblia. Ang Biblia ay naging isang diyus-diyusan sa isip ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at talagang hindi na nila kayang maniwala na makakagawa ang Diyos nang hindi kasama ang Biblia, hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng panibago. Ito ay malayong mangyari para sa mga tao; sila ay hindi makapaniwala rito, at hindi rin nila inakala ito. Ang Biblia ay naging isang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pinahirap nito na palawakin ang bagong gawaing ito.

26 Hunyo 2018

Huwag Kang Makialam | "Muling Lumitaw ang mga Fariseo na Nagpako sa Panginoon sa Krus!"



    Dalawang libong taon na ang nakalipas, nang gumawa ang Panginoong Jesus, tinuligsa ng mga Fariseo ang gawain ng Panginoong Jesus sa ngala ng pag-ayon sa Kasulatan. Nanghusga pa sila na anak ng karpintero ang Panginoong Jesus, at ginawa ang lahat para hadlangan ang mga nananalig sa pagsunod sa Kanya. Sa huli ay ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, nagbalik ang Panginoong Jesus para gumawa at magsalita. Parehong ginagamit ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia para tuligsain ang gawain ng Diyos, at itinuturing ding karaniwang tao ang Diyos. Ginagawa nila ang lahat para hindi tanggapin ng mga nananalig ang tunay na daan. Ang hindi kapani-paniwala, nauulit ang kasaysayan.

Huwag Kang Makialam | "Paglalantad sa Katotohanan ng Pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos"



    Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, mabangis na siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ng mga Judiong saserdote, eskriba, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, at pinigilan ang mga tao na tanggapin ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos. Nagpakita na Siya at ginagawa Niya ang gawain. Muling mabangis na kinalaban at tinuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na pinipigilan ang mga nananalig sa ayaw at sa gusto nila na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Bakit kinalaban at tinuligsa ng mga pinuno ng mga relihiyon ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nang magpakita Siya at gawin Niya ang gawain? Ano ang pinagmulan at tunay na katangian ng pagkalaban ng mga pinuno ng mga relihiyon?

18 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikalimang bahagi)



    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

1. Tanging ang Manlilikha ang may Kapangyarihan sa Buhay at Kamatayan ng Tao

2. Ang Isa na Hindi Nakakaalam sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ay Magiging Masidhi sa Takot sa Kamatayan

3. Ang Buhay na Iginugol sa Paghahanap ng Katanyagan at Yaman ay Mag-iiwan sa Isa sa Katarantahan sa Harap ng Kamatayan

Rekomendasyon:Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan


04 Hunyo 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali at nadungisan, ang naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha ng Diyos na ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, hindi rin upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi bilang Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi payak tulad nang inaakala ng iba, at hindi rin ito tulad ng pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang hanggan tulad ng inaakala ng iba. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang ang negatibo ay maging positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos."

Rekomendasyon:Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

05 Mayo 2018

Cristianong Kanta | Paano Mo Dapat Salubungin ang Pagbabalik ni Cristo ng mga Huling Araw?



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Salubungin ang Pagbabalik ni Cristo ng mga Huling Araw?


 I
Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay magtataglay
ng diwa at pagpapahayag ng Diyos.
At kapag ginawa Siyang katawang-tao
ililitaw Niya ang gawain na naibigay sa Kanya
upang ipahayag kung ano Siya,
dalhin ang katotohanan sa lahat ng tao,
bigyan sila ng buhay at ipakita sa kanila ang daan.
Anumang katawang-tao na 'di nakalagak diwa
N'ya'y tiyak na 'di D'yos nagkatawang-tao.

22 Abril 2018

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosNatatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo



Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi


    Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

04 Abril 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao



Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay."

Rekomendasyon: Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Alamin pa
ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos