Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo
Yang Le Lungsod ng Wuhai, Awtonomong Rehiyon ng Inner Mongolia
Noong nag-aaral pa ako, nagkasakit at namatay ang aking ama. Pagkatapos niyang mamatay, hindi lamang kami–ang aking ina na walang trabaho, ang aking dalawang kapatid na babae at ako–pinabayaan ng mga tiyuhin sa parehong parte ng pamilya na madalas na tinutulungan noon ng aking ama ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng kaya nila para pagkakitaan kami, nakikipag-away pa sa amin para sa maliit na pamana na iniwan sa amin ng aking ama. Sa harap ng ipinakitang kawalang-malasakit ng aking mga kamag-anak at ang lahat ng kanilang ginawa na hindi ko kailanman inasahan, nakaramdam ako ng lubusang sakit at hindi ko mapigilang mamuhi sa kanilang kawalan ng konsensya at ang kawalang-puso na ipinakita ng mga kamag-anak na ito, kasabay nito ay nauunawaan ko rin ang pagiging likas na pagkasalawahan ng tao. Pagkatapos nito, kapag nakakakita ako ng mga pangyayari sa lipunan ng mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa pera, o mga tao na nagnanakaw o pumapatay dahil sa pera, palagi akong tumatangis na ang mundo ngayon ay punung-puno ng kadiliman, na ang mga puso ng mga tao ay tunay na nakakatakot at ang mundo ay tunay na napakasalawahan. Noong panahon na iyon, akala ko ang dahilan kung bakit punung-puno ang mundo ng kadiliman ay dahil ang mga tao ngayon ay naging masama, na wala na silang anumang konsensya at napakarami na ng mga masasamang tao sa mundo. Pagkatapos, nabatid ko lamang sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos na ang aking inakala ay napakaliit na bahagi lamang, at hindi ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang tunay na pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo.