Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

03 Mayo 2018

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo


Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

    Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”

Rekomendasyon: Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa



Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan."

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

02 Mayo 2018

Ang Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama!

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama! 



Xiaojin    Pan’an County, Zhejiang Province


    Noong Pebrero ng 2007, ang iglesia ay nakatanggap ng kaayusan sa trabaho na pinamagatang “Tubigan at Tustusan ang mga Bagong Mananampalataya upang Tulungan Silang Magkaugat sa Lalong Madaling Panahon.” Binibigyang-diin nito na “Kinakailangang gamitin ang lahat ng epektibo at sanay na sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya upang makumpleto ang gawaing ito. Ang mga taong hindi naaangkop sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya ay hindi dapat gamitin; dapat silang mapalitan upang maiwasan ang pagkaantala ng gawain” (“Ang mga Isyung Kinakaharap ng Iglesia sa Kasalukuyan ay Dapat na Malutas” sa Mga Kasaysayan ng Pagsasamahan at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Matapos makita ang kaayusang ito, sa halip na gamitin ang mga prinsipyo upang masukat kung ang kapatid na babae mula sa aming distrito na siyang nagdidilig sa mga bagong mananampalataya ay naaakma, may mga patiunang ideya akong pinanghahawakan laban sa kanya: Ang taong ito ay walang interes na ginawa ang kanyang tungkulin at hindi nagtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Bukod dito, inatupag niya ang laman, kaya hindi siya naaangkop upang tubigan ang mga bagong mananampalataya. Higit sa lahat, inakala niyang siya’y de-kalibre na kaya naman naging mapagmataas siya at minaliit ang iba. Noong nakaraan, pinuntahan niya ang taong namamahala sa gawaing pagpapatubig ng rehiyon at nagsabi ng masasama tungkol sa akin. Kung hindi lang dahil sa mga hinihingi ng trabaho ko, hindi ko sana siya bibigyang pansin pa. Sa pag-iisip tungkol dito, gumawa ako ng plano: bakit hindi ko samantalahin ang pagkakataong ito na palitan siya nang sa ganoon ay hindi ko na siya makita pa? Hindi ba’t napakayabang niya? Papalitan ko lang siya at pagkatapos ay makikita ko kung gaano siya mapagmataas!

May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan



Gan'en    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui


    Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."

01 Mayo 2018

Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAno Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?



Xu Lei    Zaozhuang City, Shandong Province


    Isang araw nakatanggap ako ng paunawa tungkol sa isang pagpupulong. Karaniwan, ito ay isang masayang kaganapan, ngunit sa sandaling naisip ko kung gaano ganap na magulo ang aking sariling gawain nitong mga huling araw, hindi ko mapigilan ang mag-alala. Kung alam ng aking nakatataas na hindi ko pa natapos ang anuman sa aking gawain, siguradong bibigyan niya ako ng babala, at baka palitan pa niya ako.

Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo


Yang Le    Lungsod ng Wuhai, Awtonomong Rehiyon ng Inner Mongolia

    Noong nag-aaral pa ako, nagkasakit at namatay ang aking ama. Pagkatapos niyang mamatay, hindi lamang kami–ang aking ina na walang trabaho, ang aking dalawang kapatid na babae at ako–pinabayaan ng mga tiyuhin sa parehong parte ng pamilya na madalas na tinutulungan noon ng aking ama ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng kaya nila para pagkakitaan kami, nakikipag-away pa sa amin para sa maliit na pamana na iniwan sa amin ng aking ama. Sa harap ng ipinakitang kawalang-malasakit ng aking mga kamag-anak at ang lahat ng kanilang ginawa na hindi ko kailanman inasahan, nakaramdam ako ng lubusang sakit at hindi ko mapigilang mamuhi sa kanilang kawalan ng konsensya at ang kawalang-puso na ipinakita ng mga kamag-anak na ito, kasabay nito ay nauunawaan ko rin ang pagiging likas na pagkasalawahan ng tao. Pagkatapos nito, kapag nakakakita ako ng mga pangyayari sa lipunan ng mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa pera, o mga tao na nagnanakaw o pumapatay dahil sa pera, palagi akong tumatangis na ang mundo ngayon ay punung-puno ng kadiliman, na ang mga puso ng mga tao ay tunay na nakakatakot at ang mundo ay tunay na napakasalawahan. Noong panahon na iyon, akala ko ang dahilan kung bakit punung-puno ang mundo ng kadiliman ay dahil ang mga tao ngayon ay naging masama, na wala na silang anumang konsensya at napakarami na ng mga masasamang tao sa mundo. Pagkatapos, nabatid ko lamang sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos na ang aking inakala ay napakaliit na bahagi lamang, at hindi ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang tunay na pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo.