I Ang Diyos ay matatag sa Kanyang mga kilos. Ang mga layunin at prinsipyo ng Diyos, ay laging malinaw at aninag ang mga ito. Lahat sila'y dalisay at walang kapintasan, na may ganap na walang daya o panukala na nakahalo sa loob. Sa madaling salita, ang diwa ng Diyos ay walang kadiliman, walang kasamaan.
Isang-click na pag-download sa mga pinakabagong pagbigkas ni Cristo ng mga huling araw, karanasan at pagpapatotoo ng mga mananagumpay, at iba pang mga libro. Hinahayaan kang makinig sa mga pagbigkas ng Manlilikha, at ibinabahagi ang pagpapatotoo ng mga napiling tao ng Diyos na nakakaranas ng paghatol sa harapan ng trono ni Cristo. Maginhawang function sa pagkuha ng sipi upang madali mong mairekord ang natutunan mo anumang oras.
Sinasabi ng Diyos, “Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba ang tunay na nagpipigil sa kanyang sariling kapalaran?”
Tinangan nang matagal ang pananalig, nakita ngayon ang liwanag. Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan. Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko. Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin? Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha. Naglilibot araw-araw, walang lugar na pahingahan. Kalayaan, isa lang paimbabaw, karapatang pantao’y di umiiral? Matinding galit kay Satanas! Inaasam ang pagkuha ni Cristo ng kapangyarihan!
'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto, puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos. 'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos, ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo, at ito'y daranasin mong lubusan ng may buong pananampalataya. 'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti, sa bawat araw, 'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos, pagbubuksan Siya ng iyong puso. 'Pag tunay na bukas ang 'yong puso, 'pag tunay na bukas ang 'yong puso, iyong makikitang suklam at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Nalinis lang ang Makakapasok sa Kapahingahan
I Ang sangkatauhan ng hinaharap, kahit nagmula kay Adan at Eba, di na mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, bagkus lahi ng nailigtas, ng nalinis. Ito'y sangkatauhan na kinastigo't hinatulan, sangkatauhan na pinabanal. Iba sila sa sinaunang lahi, sa sinaunang lahi nina Adan at Eba, ibang-iba na halos isang ganap na bagong lahi. Pinili mula sa mga tiniwali ni Satanas, nakatayo nang matatag sa huling paghatol, itong nalalabing grupo, kasama ng Diyos, ang makakapasok sa huling kapahingahan.
I Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon lumalampas kay Moises at mas mahigit pa kaysa kay David, kaya naman hinihiling Niya na ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang iyong mga salita ay higit sa kay David. Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan, kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.