Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

18 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikalimang bahagi)



    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

1. Tanging ang Manlilikha ang may Kapangyarihan sa Buhay at Kamatayan ng Tao

2. Ang Isa na Hindi Nakakaalam sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ay Magiging Masidhi sa Takot sa Kamatayan

3. Ang Buhay na Iginugol sa Paghahanap ng Katanyagan at Yaman ay Mag-iiwan sa Isa sa Katarantahan sa Harap ng Kamatayan

Rekomendasyon:Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan


Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)



    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

17 Hunyo 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikaapat na bahagi)




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao. Kung ano ang kanilang nalaman at naintindihan ay eksaktong ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, na kumakatawan sa likas na pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos Mismo. Na ang ibig sabihin, ang Anak ng tao sa laman ay ipinahayag sa likas na disposisyon at diwa ng Diyos Mismo sa pinakamalawak na paraan hangga’t maaari at bilang tumpak hangga’t maaari. Hindi lamang sa ang pagkatao ng Anak ng tao ay hindi isang balakid o isang hadlang sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasa langit, ngunit ito lamang talaga ang paraan at ang tanging tulay para sa mga tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon ng paglikha."

Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikapitong Bahagi)




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ay pinatotohanan ang Kanyang matinding pagmamalasakit sa Kanyang mga tagasunod sa pagiging tao at ipinasa sa Kanyang espirituwal na katawan, o maaari ninyong sabihing Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan."

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

16 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ika-anim na Bahagi)




    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

4. Lumapit sa Ilalim ng Dominyon ng Maylalang at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan

5. Ang mga Pagsusumikap at mga Natamo ni Job sa Buhay ang Nagpahintulot sa Kanya upang Mahinahong Harapin ang Kamatayan

6. Tanging sa Pagtanggap ng Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha na ang Isa ay Maaaring Makabalik sa Kanyang

TabiHuwag Mong Kaliligtaan ang Pagkakataon na Makilala ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Rekomendasyon: Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan


Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay."

Rekomendasyon:Ginising Ako ng mga Salita ng Diyos

Dumating na ang Milenyong Kaharian

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

14 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

    Noong panahong si Pedro ay kasama ni Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.