Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

25 Hunyo 2018

Cristianong Musikang | Umaasa ang Diyos para sa Tunay na Pananampalataya ng Tao




I
Palaging isinasailalim ng Diyos ang tao
sa isang mahigpit na pamantayan.
Kung ang iyong katapatan ay may mga kondisyon,
di Niya gusto ang tinatawag mong pananampalataya.
Kinasusuklaman ng Diyos ang mga tao
na nililinlang Siya nang may mga hangarin
at nangingikil sa Kanya nang may mga utos.
Ninanais ng Diyos na maging taos ang tao
tapat lamang sa Kanya at wala nang iba pa,
ang gawin ang lahat ng bagay
para sa kapakanan ng pananampalataya,
at ang patunayan yaong isang salita: pananampalataya.

Awit ng Pagsamba | Awit Ng Mga Mananagumpay

Kanta ng Papuri | Awit Ng Mga Mananagumpay




 I
Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo.
Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao.
Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos.
Lumalakad ang Diyos
at namumuhay kasama ng Kanyang bayan.
Ang tunay na nagmamahal sa Diyos,
sila'y kahanga-hangang pinagpapala!
Mapalad ang nagpapasakop sa Diyos.
Sila'y mananahan sa Kanyang kaharian.
Mapalad ang kumikilala sa Diyos.
Kanyang ibibigay kapangyarihan ng kaharian.
Mapalad ang naghahanap sa Kanya.
Sila'y makakalaya mula kay Satanas.
Sa lahat ng tumalikod sa sarili,
kayamanan ng kaharia'y tiyak makakamit.
Natanggap nyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos,
hinanap pangakong bigay ng Diyos?
Sa liwanag Nya'ng gabay,
tiyak kayo'y matagumpay
sa puwersa ng kadilima'y maliligtas.
Sa mundong nababalot ng kadiliman,
'di mawawala ang ilaw ny'ong gabay.
Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha,
ang mananagumpay laban kay Satanas!

24 Hunyo 2018

1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

    “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

    “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

    “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

    “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

23 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted





    Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos. Nuong 2006, si Li Ming’ai ay inaresto at pinagpiyansa dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Nuong makauwi na si Li Ming’ai, siya at ang kanyang pamilya ay madalas nang pagbantaan at tinatakot ng mga pulis ng komunistang China, pati ang kanyang pamilya at at sinusubukan siyang hadlangan na ipagpatuloy ang pananalig niya sa Diyos. Isang araw, habang wala sa bahay si Li Ming’ai at nakikipagpulong, ini-report siya ng isang informer. Pumunta ang mga pulis sa kanyang bahay at sinubukan siyang arestuhin. Napilitan siyang lisanin ang tahanan niya, at mula nang oras na iyon, nabuhay si Li Ming’ai na patago-tago sa iba’t ibang lugar at palipat-lipat ng tirahan. Hindi pa rin siya tinantanan ng mga komunistang pulis, palagi pa ring minamanmanan ang kanyang tahanan, at naghihintay ng pagkakataon na arestuhin siya. Isang gabi, palihim na umuwi si Li Ming’ai sa kanyang bahay para makita ang kanyang pamilya, pero agad na nagdatingan ang mga pulis para siya arestuhin. Sa kabutihang palad may nagsabi kay Li Ming’ai, kaya nakatakas siya.

22 Hunyo 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I Ikalawang Bahagi




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang dalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay."

Rekomendasyon: Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

21 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikaapat na Sugpungan)



    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

Supling: Ang Ikalimang Sugpungan

1. Ang Isa ay Walang Kontrol sa Kung Ano ang Mangyayari sa Sariling Supling

2. Pagkatapos Magpalaki ng Susunod na Henerasyon ang mga Tao ay Nakakatamo ng Bagong Pagkaunawa ng Kapalaran

3. Ang Paniniwala sa Kapalaran ay Hindi Papalit sa Isang Kaalaman sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

4. Tanging Yaong mga Napapasailalim sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ang Maaaring Makatamo ng Tunay na Kalayaan

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)



    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na “Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

(III) Limang Uri ng mga Tao

Ang unang uri ay ang antas na kinikilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit”.

Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinapasuso”.

Ang pangatlong uri ay ang antas ng inaawat na sanggol—ang antas ng pagiging bata.

Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; ang pagkabata.

Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.

Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal 
na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw