Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."
Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
27 Hunyo 2018
26 Hunyo 2018
Huwag Kang Makialam | "Muling Lumitaw ang mga Fariseo na Nagpako sa Panginoon sa Krus!"
Dalawang libong taon na ang nakalipas, nang gumawa ang Panginoong Jesus, tinuligsa ng mga Fariseo ang gawain ng Panginoong Jesus sa ngala ng pag-ayon sa Kasulatan. Nanghusga pa sila na anak ng karpintero ang Panginoong Jesus, at ginawa ang lahat para hadlangan ang mga nananalig sa pagsunod sa Kanya. Sa huli ay ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, nagbalik ang Panginoong Jesus para gumawa at magsalita. Parehong ginagamit ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia para tuligsain ang gawain ng Diyos, at itinuturing ding karaniwang tao ang Diyos. Ginagawa nila ang lahat para hindi tanggapin ng mga nananalig ang tunay na daan. Ang hindi kapani-paniwala, nauulit ang kasaysayan.
Huwag Kang Makialam | "Paglalantad sa Katotohanan ng Pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos"
Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, mabangis na siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ng mga Judiong saserdote, eskriba, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, at pinigilan ang mga tao na tanggapin ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos. Nagpakita na Siya at ginagawa Niya ang gawain. Muling mabangis na kinalaban at tinuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na pinipigilan ang mga nananalig sa ayaw at sa gusto nila na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Bakit kinalaban at tinuligsa ng mga pinuno ng mga relihiyon ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nang magpakita Siya at gawin Niya ang gawain? Ano ang pinagmulan at tunay na katangian ng pagkalaban ng mga pinuno ng mga relihiyon?
25 Hunyo 2018
Cristianong Musikang | Umaasa ang Diyos para sa Tunay na Pananampalataya ng Tao
I
Palaging isinasailalim ng Diyos ang tao
sa isang mahigpit na pamantayan.
Kung ang iyong katapatan ay may mga kondisyon,
di Niya gusto ang tinatawag mong pananampalataya.
Kinasusuklaman ng Diyos ang mga tao
na nililinlang Siya nang may mga hangarin
at nangingikil sa Kanya nang may mga utos.
Ninanais ng Diyos na maging taos ang tao
tapat lamang sa Kanya at wala nang iba pa,
ang gawin ang lahat ng bagay
para sa kapakanan ng pananampalataya,
at ang patunayan yaong isang salita: pananampalataya.
Awit ng Pagsamba | Awit Ng Mga Mananagumpay
I
Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo.
Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao.
Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos.
Lumalakad ang Diyos
at namumuhay kasama ng Kanyang bayan.
Ang tunay na nagmamahal sa Diyos,
sila'y kahanga-hangang pinagpapala!
Mapalad ang nagpapasakop sa Diyos.
Sila'y mananahan sa Kanyang kaharian.
Mapalad ang kumikilala sa Diyos.
Kanyang ibibigay kapangyarihan ng kaharian.
Mapalad ang naghahanap sa Kanya.
Sila'y makakalaya mula kay Satanas.
Sa lahat ng tumalikod sa sarili,
kayamanan ng kaharia'y tiyak makakamit.
Natanggap nyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos,
hinanap pangakong bigay ng Diyos?
Sa liwanag Nya'ng gabay,
tiyak kayo'y matagumpay
sa puwersa ng kadilima'y maliligtas.
Sa mundong nababalot ng kadiliman,
'di mawawala ang ilaw ny'ong gabay.
Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha,
ang mananagumpay laban kay Satanas!
24 Hunyo 2018
1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
“Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).
“Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
“Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).
23 Hunyo 2018
Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted
Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos. Nuong 2006, si Li Ming’ai ay inaresto at pinagpiyansa dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Nuong makauwi na si Li Ming’ai, siya at ang kanyang pamilya ay madalas nang pagbantaan at tinatakot ng mga pulis ng komunistang China, pati ang kanyang pamilya at at sinusubukan siyang hadlangan na ipagpatuloy ang pananalig niya sa Diyos. Isang araw, habang wala sa bahay si Li Ming’ai at nakikipagpulong, ini-report siya ng isang informer. Pumunta ang mga pulis sa kanyang bahay at sinubukan siyang arestuhin. Napilitan siyang lisanin ang tahanan niya, at mula nang oras na iyon, nabuhay si Li Ming’ai na patago-tago sa iba’t ibang lugar at palipat-lipat ng tirahan. Hindi pa rin siya tinantanan ng mga komunistang pulis, palagi pa ring minamanmanan ang kanyang tahanan, at naghihintay ng pagkakataon na arestuhin siya. Isang gabi, palihim na umuwi si Li Ming’ai sa kanyang bahay para makita ang kanyang pamilya, pero agad na nagdatingan ang mga pulis para siya arestuhin. Sa kabutihang palad may nagsabi kay Li Ming’ai, kaya nakatakas siya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)