(Mateo 18:21-22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.
2. Ang Pag-ibig ng Panginoon
(Mateo 22:37-39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.
Tagalog Worship Songs | "Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan"
I
Piliin ang inyong sariling landas,
huwag tanggihan ang katotohanan
o lapastanganin ang Banal na Espiritu.
Huwag maging mangmang, huwag maging mapagmataas.
Sundin ang patnubay ng Banal na Espiritu.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
II
Manabik sa katotohanan at maghanap ng katotohanan.
Ito ang tanging paraan na makikinabang kayo.
Yaong mga nakarinig ng katotohanan
ngunit nagbabalewala nito
ay lahat napakahangal at ignorante.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
III
Dahan-dahang tahakin ang landas ng paniniwala sa Diyos.
Huwag magmadali sa paghuhusga.
Huwag maging kaswal,
walang inaalala sa inyong paniniwala sa Diyos.
Ang mga naniniwala sa Kanya
ay dapat maging mapitagan at mapagpakumbaba.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
IV
Yaong mga nakarinig ng katotohanan
ngunit agad agad may konklusyon
o hahatulan kung ano ang totoo ay puno ng pagmamataas.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
V
Walang sinumang naniniwala kay Jesus
ay karapat-dapat na sumumpa o humatol.
Dapat kayong maging makatuwiran
at tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
May isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Banal na Kasulatan, at ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga mapagmalabis na hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos.
Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay naangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na mga gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang handa at masunurin sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos na Jehova, ang kanyang pagkamasunurin ang nagtulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at ang kanyang pagka-perpekto ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.
Paano natin dapat unawain itong salitang “makatwiran”? Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan ito ng mahusay na katinuan, pagiging lohikal at matino sa pag-iisip, pagiging tumpak sa mga salita, kilos, at paghatol, pagkakaroon ng tama at mga katamtamang pamantayang moral. Nguni’t ang pagkamakatwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag.
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos
I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.
II
Ang normal na pagkatao ni Cristo,
pakiramdam ng mga hangal ay kapintasan.
Ayaw nilang kilalanin Siya,
bagama't ipinakita Niya'ng Kanyang pagka-Diyos.
Mas masunurin at mapagpakumbaba Siya,
mas lalo nilang hinahamak Siya.
Nais pa ng ilan na ihiwalay Siya,
at mga dakilang tao ang sambahin.
Ang Diyos sa katawang-tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos,
ang Kanyang pagkatao ay normal at tunay.
Ang Diyos sa katawang-tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos,
ang Kanyang pagkatao ay normal at tunay.
Ito ang mga dahilan kung
bakit mga tao sa Kanya'y sumusuway at lumalaban.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.
(Job 2:3) At sinabi ni Jehova kay Satanas, napansin Mo ba ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalake, na natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kanyang katapatan, bagama’t pinakilos mo ako laban sa kanya, upang ilugmok siya nang walang kadahilanan.
(Job 2:6) At sinabi ni Jehova kay Satanas, Narito, nasa kamay mo siya; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.
b. Ang mga Salitang Winika ni Satanas
(Job 2:4-5) At sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kanyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kanyang buto at ang kanyang laman, at itatakwil ka niya nang harapan.
c. Paano Hinaharap ni Job ang Pagsubok
(Job 2:9-10) Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, Namamalagi ka pa ba sa iyong katapatan? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kanya, nagsasalita kang gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa kanyang mga labi.
(Job 3:3) Mapawi sana ang kaarawan ng kapanganakan ko, at ang gabi kung kailan sinabi, may isang batang lalaking ipinaglihi.
Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
Yamang ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring makita ni mahawakan, at lalong hindi ito makita ng mundo, kung gayon paano ito naging isang bagay na dakila? Anong uri ng bagay ang maituturing na dakila? Tiyak na walang makatatanggi na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maituturing na dakila, nguni’t bakit Ko sinasabi na ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon ay gayon nga? Kapag Aking sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay, walang duda na ito ay kinapapalooban ng maraming hiwaga na hindi pa nauunawaan ng tao. Ating salitain ngayon ang tungkol sa mga yaon.