Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

11 Setyembre 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Makapag-iwan sa Salita ng Diyos




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Makapag-iwan sa Salita ng Diyos


Gagamitin ng Diyos ang Kanyang salita,
para maghari sa sansinukob at tao.
Pinadarama ng Banal na Espiritu sa tao.
Payapa sila't matatag ang puso
matapos basahin ang salita ng Diyos,
habang hungkag ang damdamin ng wala nito.
Ganyan kalakas ang salita ng Diyos.
Matapos basahin, sila'y lumakas.
Nanlalata sila pag di nakakabasa.
Salita Niya'y nananaig sa lupa.

09 Setyembre 2019

Ano ang Bumubuo sa Totoong Espirituwal na Debosyon?


Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno

Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”

07 Setyembre 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (II)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/knowing-the-three-stages-of-gods-work-is-the-path-to-knowing-god-2.html

Rekomendasyon: Salita ng Diyos

05 Setyembre 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Landas... (8)


Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian.

03 Setyembre 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit? Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam niya, sa pagtalikod sa kanyang tahanan at propesyon, pagpapagod, at pagtatrabaho, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, at na siguradong matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos at dadalhin siya ng Diyos sa kaharian ng langit. Kalaunan, nagkasakit nang malubha ang anak na lalaki ni Song Enze, at nanganib ang buhay, na ikinasama ng loob ni Song Enze sa Diyos, tinangka niyang makipagtalo sa Diyos, at nawalan siya ng hangaring gawin ang kanyang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng ipinakita sa kanyang mga totoong pangyayari sa kanyang sitwasyon at ng mga paghahayag sa salita ng Diyos, natanto ni Song Enze na ang maraming taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos ay dating pagtatangka niyang ipalit iyon sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at na hindi siya isang taong masunurin sa Diyos. Sa huli, sa pamamagitan ng paghahanap, natutuhan din niya sa wakas kung paano sikaping makawala sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maligtas ng Diyos.

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/baptism-by-fire-movie.html

01 Setyembre 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag


Qiuhe Japan

Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba’t ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba’t ibang ritwal.

30 Agosto 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas … (7)


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas … (7)

Nakikita nating lahat sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses nang personal na nagbubukas ang Diyos ng isang landas para sa atin kaya ang nilalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahon at naipapasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ay humahalili sa ating mga sinusundan na hindi lumakad sa landas hanggang sa katapusan nito; tayo ang siyang mga napipili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay partikular na naihahanda para sa atin, at makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdusa ng kasawian, wala nang iba pang nakalalakad sa landas na ito.