Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

04 Nobyembre 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ano ang paghatol?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

02 Nobyembre 2019

Filipino Variety Show | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Filipino Variety Show | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …

31 Oktubre 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"



Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Karanasan sa Pagsasagawa ng Katotohanan


Hengxin Lungsod ng Zhuzhou, Lalawigan ng Hunan

Di pa nagtatagal ang nakalipas, narinig ko ang “Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay”, na umakay sa aking maunawaan na yaon lamang mga nagsasagawa ng katotohanan ang maaaring magkamit ng katotohanan at sa dulo ay siyang magmay-ari ng katotohanan at pagkatao kaya nagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Mula noon, sinadya ko nang pagsikapang talikdan ang aking laman at isagawa ang katotohanan sa araw-araw kong buhay. Ilang panahon pagkatapos noon, masaya kong natuklasan na maaari kong isagawa ang ilang katotohanan. Halimbawa, sa nakaraan natatakot akong ipakita sa iba ang madilim na bahagi ng sarili ko. Ngayon, sinasadya kong maging bukas sa aking mga kapatid, hinihimay ang aking masamang disposisyon. Noon, nang ako ay pinungos at pinakitunguhan, gagawa ako ng mga dahilan at iiwas sa pananagutan.Ngayon, gumawa ako ng kusang pagsisikap upang itatwa ang sarili ko sa halip na subuking bigyang-katwiran ang aking masamang asal. Sa nakaraan, kapag ako’y nakararanas ng pakikipag-alitan sa aking mga kapwa manggagawa, ako’y nagiging makitid mag-isip, mababaw, at matampuhin. Ngayon, kapag nakatagpo ako ng ganitong mga kalagayan, tatalikdan ko ang aking laman at gagamit ng pagpaparaya at pagpapaumanhin sa iba. … Sa tuwing naiisip ko ang aking pag-usad sa pagsasagawa ng katotohanan, nararamdaman ko ang matinding saya. Naisip ko na ang kakayahan kong magsagawa ng ilang katotohanan ay nangangahulugang ako ay isang tunay na tagapagsagawa ng katotohanan. Sa ganitong paraan, di ko namamalayang ako ay naging mapagmataas at mapagmapuri sa sarili.

29 Oktubre 2019

Tagalog Christian Movie | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"



Tagalog Christian Movie | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"


Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen. Sinundan ni Lin Haochen ang mga yapak ng kanyang ama at naniwala sa Panginoon, at bilang resulta, habang sinasaksihan ng isang bata ang  mga kadre ng nayon na madalas na pumunta sa kanyang tahanan upang pagbantaan at takutin ang kanyang mga magulang para talikuran ang kanilang pananampalataya at pagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo. Matapos tanggapin ng pamilya ni Lin Haochen ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, mas matinding pag-uusig at pag-aresto ang ginawa sa kanila ng pamahalaan ng CCP.  Ang ina ni Lin Haochen ay nasawi sa karamdaman nang siya ay tumakas, at si Lin Haochen, ang kanyang ama, at ang kanyang nakatatandang kapatid ay napilitang lisanin ang bahay nila, at halos imposible nang makapabalik pa. Ang isang dating masaya at magandang pamilya ay nagkahiwalay at nagkawatak-watak nang dahil sa pagpapahirap ng CCP...

27 Oktubre 2019

Tagalog Christian Song | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"



Salita ng Buhay | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


I
Diyos ay naging tao, 
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi'y tutubusin ng D'yos 
ang tao mula sa krus.

25 Oktubre 2019

37. Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-unawa sa Katotohanan na Maaaring Magkaroon ang Isa ng Pagkilala

Yi Ran Lungsod ng Laiwu, Lalawigan ng Shandong

Ilang panahon na ang nakararaan, dahil sa hindi ko maunawaan ang prinsipyo sa likod ng pagbabago ng mga tauhan sa iglesia, nang pinalitan ng iglesia ang isang lider, nabuo sa akin ang isang kuru-kuro. Batay sa nakikita ko, ang kapatid na napalitan ay napakagaling pareho sa pagtanggap at pagbabahagi sa katotohanan, at kayang maging tapat tungkol sa kanyang sariling mga pagpapakita ng kasiraan. Kung kaya hindi ko maintindihan kung paano ang isang taong buong-pagsisikap na naghahanap sa katotohanan ay mapalitan. Maaari kayang nasobrahan ang kanyang pagpapahayag ng kanyang sariling pagpapakita ng katiwalian, kung kaya’t napagkamalan siya ng kanyang lider na isang taong hindi naghahanap sa katotohanan, at pinalitan siya? Kung ito talaga ang nangyari, sa gayon hindi kaya nasira na ang isang pagkakataon ng pagsasanay para sa isang naghahanap sa katotohanan?