Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

23 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi)




    Ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagtupad ng lahat ng likas sa loob ng tao, iyan ay, yaong maaari para sa tao. Doon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga pagkukulang ng tao sa panahon ng paglilingkod ng tao ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng kanyang karanasan sa paghatol; hindi nakapipigil o nakaaapekto ang mga ito sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumigil sa paglilingkod o sumuko at umatras dahil sa takot sa mga kakulangan na maaring umiiral sa paglilingkod ay ang mga pinakaduwag sa lahat ng mga tao. Kung hindi kayang ipahayag ng tao ang nararapat niyang ipahayag sa panahon ng paglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanya, at sa halip ay naglalaro lamang at nagpapadala sa agos, naiwala niya ang ginagampanan na kailangang mataglay ng isang taong nilalang. Ang ganitong uri ng tao ay itinuturing na isang mababang walang-kaanyuan at walang-kabuluhang pagsasayang ng espasyo; papaano ang isang gaya nito ay mapararangalan gamit ang titulo ng isang taong nilalang? Hindi ba’t sila ay mga kaanyuan ng katiwalian na nagniningning sa panlabas nguni’t nabubulok sa loob? Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya. Kung naiwawala ng tao kung ano ang likas na kayang makamit, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang taong nilalang o lumapit sa harap ng Diyos at paglingkuran Siya. Higit pa rito, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maingatan at gawing perpekto ng Diyos. Maraming mga naalisan ng tiwala ng Diyos ang tuluyan nang mawawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang kanilang mga pagkakamali nguni’t tahasang pinalalaganap ang kaisipan na ang paraan ng Diyos ay mali. At yaong mga suwail ay ipinagkakaila pa ang pag-iral ng Diyos; papaanong ang ganoong uri ng tao na may ganoong pagkasuwail ay nagkakaroon ng karapatan ng pagtatamasa sa biyaya ng Diyos? Ang mga taong nabigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin ay naging napakasuwail sa Diyos at malaki ang pagkakautang sa Kanya, gayunman sila’y bumabaling at nagsasaway na ang Diyos ay mali. Papaanong ang ganoong uri ng tao ay magiging karapat-dapat na gawing perpekto? Hindi ba’t ito ang tagapagpauna ng pagkakaalis at pagpaparusa? Ang isang taong hindi gumagawa ng kanyang tungkulin sa harap ng Diyos ay nakagawa na ng pinakakasuklam-suklam sa mga krimen, kung saan kahit ang kamatayan ay hindi isang sapat na kaparusahan, gayunman ang tao ay may lakas pa rin ng loob na makipagtalo sa Diyos at itumbas ang kanilang sarili laban sa Kanya. Ano ang kahalagahan ng pagpeperpekto sa ganoong uri ng tao? Kung ang tao ay nabibigong tuparin ang kanyang tungkulin, siya ay nararapat na makaramdam ng kahatulan at pagkakautang; nararapat niyang kasuklaman ang kanyang kahinaan at kawalang-saysay, ang kanyang pagiging-suwail at pagiging-tiwali, at higit pa rito, nararapat niyang ialay ang kanyang buhay at dugo para sa Diyos. Doon lamang siya isang taong nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong uri lamang ng tao ang karapat-dapat sa pagtatamasa ng mga biyaya at pangako ng Diyos, at sa pagpeperpekto sa pamamagitan Niya. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo pinakikitunguhan ang Diyos na nabubuhay sa kalagitnaan ninyo? Paano ninyo nagagawa ang inyong tungkulin sa harap Niya? Nagawa ba ninyong lahat ang mga ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang inyong sariling buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba kayo nakatanggap nang malaki mula sa Akin? Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano ang lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasukat ba ninyo ang lahat ng mga ito? Nahatulan ba ninyong lahat at naihambing ito sa kung gaano kaliit na konsensya ang mayroon kayo sa loob ninyo? Sino ang magagawan ninyo nang tama sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga pagkilos? Maaari kayang ang gayong kaliit na sakripisyo ninyo ay karapat-dapat sa lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-pusong nakalaan sa inyo, gayunman kayo ay nagkikimkim ng masasamang mga paghihinala tungkol sa Akin at kulang sa katapatan. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ang inyong tanging ginagampanan. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na hindi ninyo natupad kahit kailan ang tungkulin ng isang taong nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang taong nilalang? Hindi ba ninyo malinaw na nalalaman kung ano itong inyong ipinahahayag at isinasabuhay? Kayo ay nabigo sa pagtupad ng inyong tungkulin, nguni’t kayo ay naghahanap upang makamit ang awa at masaganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at mabababang gaya ninyo, kundi para sa mga yaong hindi humihingi ng kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, ganyang mga mabababang walang-kaanyuan, ay hindi karapat-dapat kahit kailan na magtamasa ng biyaya ng langit. Tanging paghihirap at walang-tigil na kaparusahan ang inyong mararanasan sa inyong mga buhay! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang inyong matatanggap ay isang kaparusahan. Anumang biyaya, mga pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay walang magiging kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat ninyong makamtan at isang bunga ng inyong sariling kagagawan! Yaong mga mangmang at mayayabang na mga tao ay hindi lamang hindi sinubukan ang kanilang makakaya o nagawa ang kanilang tungkulin, nguni’t sa halip may mga kamay silang nakaunat para sa biyaya, na para bang karapat-dapat sila sa kanilang hinihingi. At kung sila ay nabibigong makamit kung ano ang kanilang hinihingi, sila ay lalo pang nagiging walang pananampalataya. Paanong ang mga gayong tao ay maituturing na makatuwiran? Kayo ay mahinang uri at walang katuwiran, walang kakayahang isagawa ang mga tungkulin na nararapat ninyong gawin sa gawain ng pamamahala. Ang inyong kahalagahan ay lubusan nang bumagsak nang napakalalim. Ang kabiguan ninyong magsulit sa Akin sa pagpapakita sa inyo ng gayong kagandahang-loob ay isa nang kilos ng sukdulang pagiging-suwail, sapat upang kayo ay isumpa at ihayag ang inyong karuwagan, kawalan ng kakayahan, kababaan, at pagiging hindi-karapat-dapat. Paano kayo naging kwalipikado pa ring panatilihing nakaunat ang inyong mga kamay? Hindi kayo nakakatulong kahit katiting sa Aking gawain, hindi kayang kumapit sa inyong pananampalataya, at hindi kayang maging saksi para sa Akin. Ang mga ito ay mga kasalanan at mga pagkabigo niyo na, gayunman sa halip Ako ay inyong kinakalaban, nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Akin, at dumadaing na Ako’y hindi matuwid. Ito ba ang bumubuo sa inyong katapatan? Ito ba ang bumubuo sa inyong pagmamahal? Ano pa ang ibang gawaing maaari ninyong gawin na higit sa rito? Paano kayo nakapag-ambag sa lahat ng mga gawain na nagawa? Gaano kalaki ang inyong nagugol? Ito ay isa nang kilos ng malaking awa na hindi Ko kayo sinisisi, gayunman ay wala pa rin kayong kahihiyan na nagbibigay sa Akin ng mga dahilan at dumadaing tungkol sa Akin nang patago. Mayroon ba kayong kahit na katiting na bahid ng pagkatao? Kahit na ang tungkulin ng tao ay nabahiran ng pag-iisip ng tao at kanyang mga paniwala, dapat mong gawin ang iyong tungkulin at kumapit sa iyong pananampalataya. Ang mga karumihan sa gawain ng tao ay isang usapin ng kanyang uri, samantalang, kung hindi ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin, ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging-suwail. Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa pagiging ginawang perpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao. Palaging sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin na unti-unting nababago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito na naipakikita niya ang kanyang katapatan. Sa gayon, mas nakakaya mong gawin ang iyong tungkulin, mas higit na katotohanan ang iyong tatanggapin, at gayundin ang iyong pagpapahayag ay magiging mas makatotohanan. Yaong mga nagpapadala lamang sa agos sa paggawa ng kanilang tungkulin at hindi naghahanap ng katotohanan ay aalisin sa katapusan, dahil hindi ginagawa ng mga gayong tao ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang mga gayong tao ay yaong nananatiling hindi nababago at isusumpa. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga ipinahahayag, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay walang iba kundi kasamaan.

Hong Kong's Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?



Hong Kong's Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?




    November 2017, a series of incendiary reports came out of Hong Kong. Ta Kung Pao and Wen Wei Po, both pro-CCP leftist newspapers, published a media onslaught of 17 articles in a frenzied attempt to discredit The Church of Almighty God, a legally registered religious entity in Hong Kong. This kind of media attention occurring in mainland China under the dictatorship of the CCP would not be cause for comment. However, this occurred within the democracy of Hong Kong, supposedly under "one country, two systems." This is truly cause for concern. The freedom of religion is a basic human right protected by international human rights conventions. All democracies around the world acknowledge the freedom of religion, and all citizens in democratic nations strongly uphold this freedom, but this occurrence in the Hong Kong Special Administrative Region does not bode well. If the Hong Kong branch of The Church of Almighty God also suffers the CCP's persecution, will Hong Kong's other religious groups be able to avoid this fate? How far do freedom and democracy really go in Hong Kong?

Recommendation:What Is Gospel?

The Returned Lord Jesus’ Words

Investigating the Eastern Lightning



22 Enero 2018

Salita ng Diyos | 5. Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 5. Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus




    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa China upang magtrabaho, at nagpahayag ng milyun-milyong salita, nanlulupig at nagliligtas sa isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang salita at nagpapasimula sa bagong kapanahunan ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ngayon, ang paglaganap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay umabot na sa kasukdulan sa Mainland China. Karamihan sa mga tao sa Iglesiang Katoliko at lahat ng Kristiyanong denominasyon at sekta na naghahanap sa katotohanan ay nakabalik na sa harapan ng luklukan ng Diyos. Naisakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng “lihim na pagparito ng Anak ng tao” na ipinropesiya sa Biblia, at di-maglalaon ay magpapakita sa publiko sa bawat bansa at lugar sa mundo. Lahat ng tao sa bawat bansa at lugar na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos ay aasamin ang pagpapakita ng Diyos sa publiko. Walang puwersang maaaring humadlang o sumira sa kaharian ng Diyos, at sinumang lalaban sa Diyos ay parurusahan ng galit ng Diyos, tulad ng sinabi sa mga salita ng Diyos: “Nahuhubog ang kaharian Ko sa buong sandaigdigan, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng trilyun-trilyong mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Gusto Kong ipagpatuloy ang Aking gawain, gusto Kong magharing pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!” “Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka't ako'y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

21 Enero 2018

Salita ng Diyos | 4. Ang Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa China

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 4. Ang Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa China




    Noong 1995, ang gawain ng pagpapatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay pormal na sinimulan sa Mainland China. Sa pamamagitan ng ating pasasalamat sa Diyos at may tunay na pagmamahal, nagpatotoo tayo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga kapatid na lalaki at babae sa iba’t ibang denominasyon at sekta. Hindi natin inasahang dumanas ng matinding pagkalaban at paninirang-puri mula sa kanilang mga pinuno. Ang tangi nating magagawa ay lumapit sa Makapangyarihang Diyos upang taimtim na manalangin, na nagsusumamong personal na magtrabaho ang Diyos. Mula noong 1997, namasdan naming magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu. Mabilis na dumami ang mga miyembro ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar. Kasabay nito, maraming tanda at kababalaghan ang nangyari, at maraming tao sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang bumalik sa Makapangyarihang Diyos dahil tumanggap sila ng mga pagbubunyag mula sa Diyos o nakita nila ang mga tanda at kababalaghang ito. Kung hindi nagtrabaho ang Banal na Espiritu, ano ang magagawa ng tao? Dahil dito natanto natin na: Bagama’t naunawaan natin ang ilang katotohanan, hindi tayo makapagpatotoo tungkol sa Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan lamang ng ating sariling lakas. Matapos tanggapin ng mga taong ito mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang Makapangyarihang Diyos, unti-unti nilang natiyak ang Makapangyarihang Diyos sa kanilang puso sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom at pagkalugod sa salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkaraan ng kaunting panahon, nagkaroon sila ng tunay na pananampalataya at pagsunod. Kaya ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon at sekta ay dinala sa harapan ng luklukan, at hindi na inasahang “salubungin ang Panginoon sa hangin ” tulad ng kanilang naisip.

Pag-bigkas ng Diyos | 3. Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | 3. Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At kung pupunta ako doon at ipaghanda kayo ng kalalagyan, muling akong paparito, at tatanggapin ko kayo; upang saan man ako naroroon, naroon din kayo” (Jhn 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Dahil gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mat 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyos at bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, panlulupig, at pagliligtas gamit ang salita, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin ang mga propesiya ng Biblia na “Ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos” at natupad din ang “Makinig ang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia!” Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ganap dahil sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Sa gayon ay malinaw na ang mga piniling taong ito ay naniniwala kay Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ang praktikal na Diyos na siyang Espiritu na nagkaroon ng katawang-tao, sa halip na maniwala sa isang tao. Sa tingin, ang Makapangyarihang Diyos ay ordinaryong Anak ng tao lamang, ngunit sa diwa, Siya ang larawan ng Espiritu ng Diyos at ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang gawain at salita ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos at ang personal na pagpapakita ng Diyos. Samakatwid, Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.

20 Enero 2018

Salita ng Diyos | 2. Isang Maikling Pambungad Tungkol sa mga Pangyayari sa Likod ng Pagpapakita at Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw sa China

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 2. Isang Maikling Pambungad Tungkol sa mga Pangyayari sa Likod ng Pagpapakita at Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw sa China




    Ang China ang lupain kung saan naninirahan ang malaking pulang dragon, at ang lugar na lumaban at sumumpa sa Diyos nang pinakamatindi sa buong kasaysayan. Ang China ay parang kuta ng mga demonyo at isang bilangguang kontrolado ng diyablo, hindi mapapasok at hindi matatablan. Bukod pa riyan, ang rehimen ng malaking pulang dragon ay nagbabantay sa lahat ng antas at nagtalaga ng mga tanggulan sa bawat sambahayan. Bunga nito, wala saanman ang mas mahirap ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at isagawa ang gawain ng Diyos. Nang mamuno ang Chinese Communist Party noong 1949, ganap na nasugpo at ipinagbawal ang paniniwala sa relihiyon sa Mainland China. Milyun-milyong Kristiyano ang pinahiya at pinahirapan sa publiko, at ibinilanggo. Ang lahat ng iglesia ay ganap na ipinasara at pinaalis. Kahit ang mga pagpupulong sa bahay ay ipinagbawal. Kung mahuli ang sinuman na nakikibahagi sa isang pagpupulong, ibibilanggo sila at maaari pang pugutan ng ulo. Noong panahong iyon, halos naglaho nang walang bakas ang mga relihiyosong aktibidad. Maliit na bilang lamang ng mga Kristiyano ang patuloy na nanalig sa Diyos, ngunit tahimik lang silang nagdarasal sa Diyos at kumakanta ng mga himno ng papuri sa Diyos sa kanilang puso, na nagsusumamo sa Diyos na muling buhayin ang iglesia. Sa wakas, noong 1981, talagang muling nabuhay ang iglesia, at nagsimulang magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu sa China. Nagsulputan ang mga iglesia na parang mga usbong ng kawayan matapos ang isang ulan sa tagsibol, at dumami nang dumami ang mga tao na nagsimulang manalig sa Diyos. Noong 1983, nang umabot sa sukdulan ang muling pagbuhay sa iglesia, nagsimula ng bagong malupit na paniniil ang Chinese Communist Party. Milyun-milyong tao ang inaresto, idinetena, at tinuruan sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Ang rehimen ng malaking pulang dragon ay tinulutan lang ang mga nananalig sa Diyos na sumapi sa Three-Self Patriotic Church na binuo ng pamahalaan. Binuo ng pamahalaang CCP ang Three-Self Patriotic Church sa pagtatangkang lubusang itigil ang lihim na bahay-iglesia at lubos na kontrolin ng pamahalaan ang mga nananalig sa Panginoon. Pinaniniwalaan na ito lang ang paraan para makamtan ang pakay nitong ipagbawal ang pananampalataya at gawing lupaing walang Diyos ang China. Ngunit patuloy na nagtrabaho ang Banal na Espiritu sa bahay-iglesia at sa mga tunay na naniwala sa Diyos, na hindi mapatigil ng pamahalaang CCP. Sa panahong iyon, sa bahay-iglesia kung saan nagtatrabaho ang Banal na Espiritu, lihim na nagpakita si Cristo ng mga huling araw para magtrabaho, at nagsimulang magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos.

Salita ng Diyos | 1. Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Panginoong Jesucristo, Biblia, Jesus, Diyos, Paghatol

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos1. Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo





    Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo,, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.