Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

05 Disyembre 2017

Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Biyaya, paggalang, Daan, kapangyarihan, buhay

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

    Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

04 Disyembre 2017

Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

Diyos, paghatol, katotohanan, buhay, Daan



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos


I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa,
siya'y tunay na makilala.

Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo

Diyos, katotohanan, Biblia, mga pariseo, parusa

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo


    Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking ipinahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao at Ako ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang tiwali, ay nananahan lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang “mga kasulatan.” Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga “kasulatan” nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?

02 Disyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

Kaligtasan, pag-ibig, biyaya, daan, pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

    
  Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga anak, iyong bumubuo sa mga tao, at iyong mga nagbibigay serbisyo. Pinaghiwa-hiwalay Ko sila sa iba’t ibang kategorya alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naipahayag, Aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, tinatawag Ko ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay pinapayagan Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyo

Cristo, pananampalataya sa Diyos, Papuri, katotohanan, Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

    Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.
    Bago nakilala si Cristo, maaaring naniniwala ka na ang iyong disposisyon ay ganap nang nagbago, maaaring naniniwala ka na ikaw ay isang tapat na tagasunod ni Cristo, at maaaring naniniwala kang pinaka-karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapala ni Cristo. Dahil nilakbay mo ang maraming daan, gumawa ng maraming gawain, at nagluwal ng maraming bunga, kaya dapat ikaw ay siyang tumatanggap ng korona sa katapusan. Gayon man ay isang katotohanan ang hindi mo alam: Ang tiwaling disposisyon at paghihimagsik at paglaban ng tao ay nailantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang paghihimagsik at paglaban na nakalantad sa naturang okasyon ay mas ganap at kumpleto kaysa sa anuman. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao at nagtataglay ng normal na pagkatao kung saan hindi Siya pinaparangalan o nirerespeto ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay naninirahan sa katawang-tao upang ang paghihimagsik ng tao ay dinadala sa liwanag nang lubusan at buong-linaw. Kaya sinasabi ko na ang pagdating ni Cristo ay hinukay ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan at ang kalikasan ng sangkatauhan ay maliwanag na nakikita. Ito ay tinatawag na “akitin ang isang tigre pababa ng bundok” at “akitin ang isang lobo palabas ng kuweba.” Masasabi mo bang ikaw ay tapat sa Diyos? Masasabi mo bang nagpapakita ka ng lubos na pagsunod sa Diyos? Masasabi mo bang hindi ka isang rebelde? Sinasabi ng iba: Sa bawat oras na nililikha ng Diyos ang aking kapaligiran, palagi akong sumusunod at hindi kailanman nagrereklamo. Bukod dito, wala akong pinanghahawakan na iba pang mga bagay-bagay tungkol sa Diyos. Sinasabi ng iba: Ang lahat ng mga gawaing ibinibigay sa akin ng Diyos, ay gagawin ko sa abot ng aking kakayahan at hindi ako magiging pabaya. Ngayon, tatanungin ko kayo nito: Maaari ba kayong maging kaayon kay Kristo kapag namuhay kayong kasama Niya? At gaano katagal kang magiging kaayon sa Kanya? Isang araw? Dalawang araw? Isang oras? Dalawang oras? Ang inyong pananampalataya ay kapuri-puri, ngunit wala kayong gaanong katatagan. Kapag tunay kang namumuhay kasama si Cristo, unti-unting malalantad ng iyong mga salita at kilos ang iyong makasariling pagpapahalaga at makasariling katuwiran, at gayun din ang iyong labis na pagnanasa at pagsuway at kawalang-kasiyahan ay likas na isisiwalat. Sa katapus-tapusan, mas lalo kang magiging mapagmataas, at kapag ikaw ay naging hindi kaayon kay Cristo tulad ng tubig sa apoy, ang iyong kalikasan ay ganap na malalantad. Sa oras na iyon, ang iyong iba pang paniniwala ay hindi na maaaring ikubli. Maging ang iyong mga reklamo, ay likas na ipapahayag, at ang iyong kasuklam-suklam na katauhan ay ganap na malalantad. Gayunman, patuloy mong itinatanggi ang iyong sariling paghihimagsik. At naniniwala ka na ang isang Cristong tulad nito ay hindi madaling tanggapin at Siya ay napakahigpit sa tao, at ganap ka lang magpapasakop kung Siya ay iba, isang mas mabait na Cristo. Naniniwala kayo na may isang dahilan para sa inyong paghihimagsik, na kayo ay nagrerebelde lang laban sa Kanya noong binigyan kayo ng pagsubok ni Cristo. Hindi ninyo kailanman napagtanto na hindi ninyo itinuturing bilang Diyos si Cristo, at wala rin kayong intensyong sundin Siya. Bagkus, matigas mong ipinagpipilitan na gumagawa si Cristo alinsunod sa iyong isipan, at sa anumang gawaing hindi pa nagagawa, naniniwala kang hindi Siya Diyos ngunit tao. Wala bang marami sa inyo ang nilabanan Siya sa ganitong paraan? Sino ba ang pinaniniwalaan ninyo? At paano ninyo ito hinahanap?
    Palagi ninyong nais makita si Cristo, ngunit pinapayuhan ko kayo na huwag dakilain ang inyong sarili; maaaring makita ng lahat si Cristo, ngunit sinasabi ko na walang sinuman ang akmang makita si Cristo. Dahil ang kalikasan ng tao ay puno ng kasamaan, pagmamataas, at paghihimagsik, kapag nakita mo si Cristo, ang iyong likas na katangian ay magiging sanhi ng kapahamakan sa iyo at hahatulan ka ng kamatayan. Ang iyong pakikisama sa isang kapatid na lalaki (o kapatid na babae) ay hindi gaanong maipapakita ang tungkol sa iyo, ngunit hindi ganoon kasimple kapag nakikipag-ugnayan ka kay Cristo. Sa anumang oras, maaaring mag-ugat ang iyong mga pagkaintindi, umusbong ang iyong pagmamataas, at mamunga ang iyong paghihimagsik. Paano ka magiging karapat-dapat na iugnay kay Christ taglay ang naturang pagkatao? Tunay mo ba Siyang maituturing bilang Diyos sa bawat sandali ng bawat araw? Magkakaroon ka ba ng tunay na pagsunod sa Diyos? Sinasamba ninyo ang matayog na Diyos sa inyong mga puso bilang si Jehovah ngunit pinapalagay ang nakikitang Cristo bilang isang tao. Ang inyong katinuan ay masyadong mababa at ang inyong sangkatauhan ay masyadong mababa! Hindi ninyo kaya na habambuhay ituring si Cristo bilang Diyos; sa halip, itinabi Siya at sinasamba niyo lamang Siya bilang Diyos kung kailan niyo lang gusto. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi kong hindi kayo isang mananampalataya ng Diyos, ngunit kasabuwat sa mga taong lumalaban kay Cristo. Kahit na ang mga taong nagpapakita ng kabaitan sa iba ay nagagantimpalaan, ngunit si Cristo na ginagawa ang naturang gawain para sa inyo ay hindi minahal o ginantimpalaan ng tao, at hindi rin Niya natatanggap ang pagsunod ng tao. Hindi ba ito isang pinaka-nakalulungkot na bagay?
    Maaaring sa lahat ng mga taon ng iyong pananampalataya sa Diyos, hindi mo kailanman isinumpa ang sinuman o nakagawa ng masama, ngunit sa iyong pakikipag-ugnay kay Cristo, hindi mo mabigkas ang katotohanan, o sundin ang salita ni Cristo; sinasabi ko ngayon na ikaw ang pinaka-mapanlinlang at pinakamasama sa mundo. Kung ikaw ay talagang magandang-loob at tapat sa iyong mga kamag-anak, mga kaibigan, asawang babae (o asawang lalaki), anak na lalaki at mga anak na babae, at mga magulang, at hindi kailanman nananamantala ng iba, gayunman ay hindi ka maaaring maging kaayon at makipagpayapaan kay Cristo, at kahit na ibigay mo ang lahat ng pag-aari mo sa iyong kapwa o kinalinga nang mabuti ang iyong ama, ina, at kasambahay, sinasabi ko pa ring ikaw ay masama, at may katusuhan din. Huwag mong isipin na ikaw ay kaayon kay Kristo kung ikaw ay kaayon sa tao o gumagawa ng ilang mabubuting gawa. Naniniwala ka ba na ang iyong kagandahang-loob ay maaaring nakawin ang pagpapala ng Langit? Sa tingin mo ba na ang mabuting gawa ay ang panghalili para sa iyong pagsunod? Wala sa inyo ang maaaring tumanggap ng pakikitungo at pagpupungos, at ang lahat ay nahihirapang tanggapin ang normal na pagkatao ni Cristo. Ngunit lagi ninyong inaangkin ang pagsunod sa Diyos. Ang naturang pananampalataya gaya ng sa inyo ay magdadala ng karampatang kagantihan. Itigil niyo ang pagpapasasa sa mga malikhaing ilusyon at nagnanais na makita si Cristo; sapagka’t kayo ay masyadong maliit sa tayog, anupat hindi kayo karapat-dapat na makita Siya. Kapag ganap mo nang naitakwil ang iyong pagrebelde at kaya nang makipagpayapaan kay Cristo, likas na magpapakita sa iyo kung ganon ang Diyos. Kung pupunta ka upang makita ang Diyos nang hindi dumanas ng pagpupungos o ng paghatol, talagang magiging kaaway ka ng Diyos at itatakda sa pagkapuksa. Ang kalikasan ng tao ay likas na salungat sa Diyos, dahil ang lahat ng tao ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas. Walang kahit anong mabuti ang magmumula sa isang tiwaling tao na nakiki-ugnay sa Diyos. Lahat ng mga aksyon at mga salita ng tao ay tiyak na ilalantad ang kanyang katiwalian; at kapag siya ay iniuugnay sa Diyos, ang kanyang pagrebelde ay ipapahayag sa lahat ng aspeto. Hindi alam ng tao na sinasalungat niya si Cristo, nililinlang si Cristo, at tinatakwil si Cristo; pagkatapos ang tao ay tutungo sa lalong mapanganib na estado. Kung magpapatuloy ito, siya ay masasailalim sa kaparusahan.
    Ang ilan ay maaaring naniniwala na kung may kaugnayan sa Diyos ay mapanganib, sa gayon mas matalino na magpakalayo-layo sa Diyos. Ano, sa gayon, ang matatanggap ng ganyang tao? Sila ba ay magiging tapat sa Diyos? Tunay na ang pakikipagugnayan sa Diyos ay lubos na mahirap, ngunit ito ay lubusan lamang dahil ang tao ay ginawang tiwali at hindi dahil ang Diyos ay hindi maaaring iugnay sa tao. Marahil ay pinakamahusay para sa inyo ang italaga ang mas malawak na pagsisikap sa katotohanan na kilalanin ang sarili. Bakit hindi kayo kinalulugdan ng Diyos? Bakit ang inyong disposisyon ay kasuklam-suklam sa Kanya? Bakit ang inyong mga salita ay nakapandidiri sa Kanya? Pinupuri ninyo ang inyong sarili para sa inyong maliit na katapatan at gusto ng gantimpala para sa inyong maliit na sakripisyo; minamaliit ninyo ang iba kapag nagpapakita kayo ng kaunting pagsunod, nagiging mapanlait sa Diyos kapag nakagawa ng maliit na bagay. Nagnanais kayo ng kayamanan at mga regalo at papuri para sa pagtanggap sa Diyos. Ang inyong puso ay nasasaktan kapag nagbibigay kayo ng isa o dalawang barya; kapag nagbigay kayo ng sampu, gusto ninyo ng mga biyaya at dapat angat sa iba. Ang katauhan katulad ng sa inyo ay talagang napakasakit na pag-usapan o pakinggan. Ano ang kapuri-puri sa inyong mga salita at mga pagkilos? Ang mga taong gumagawa ng kanilang mga tungkulin at mga taong hindi; silang namumuno at mga sumusunod; ang mga tumatanggap sa Diyos at yaong hindi; mga nabibigay at mga taong hindi; mga nangangaral at ang mga tumatanggap ng salita, at iba pa; lahat ng mga naturang tao ay pinupuri ang kanilang sarili. Nakatatawa ba ito para sa inyo? Tiyak na alam ninyong naniniwala kayo sa Diyos, ngunit hindi kayo maaaring maging kaayon sa Diyos. Tiyak na alam ninyong kayo ay hindi karapat-dapat, ngunit nananatili pa rin kayong mayabang. Hindi ba ninyo nararamdaman na ang inyong katinuan ay naging ganon sa puntong wala na kayong kontrol sa sarili? Paano kayo magiging karapat-dapat iugnay sa Diyos nang may ganoong katinuan? Ngayon, hindi ba kayo natatakot para sa inyong mga sarili? Ang inyong disposisyon ay naging gayon ngayon na hindi na kayo maaaring maging kaayon sa Diyos. Hindi ba katawa-tawa ang inyong pananampalataya? Hindi ba katawa-tawa ang inyong pananampalataya? Paano ka makikitungo sa iyong hinaharap? Paano mo pipiliin ang landas na lalakbayin?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

30 Nobyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Biblia, paggalang, matapat, buhay, katotohanan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


    Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia  ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?

Diyos, kaluwalhatian, Ang Banal na Espiritu, buhay, BiyayaMga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (1)

    Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.
    Simula nang ang kalakhang-lupain ng Tsina ay pumasok sa daloy na ito ng pagbabawi, ang kanyang mga lokal na iglesia ay unti-unting umunlad, nakasentro sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang Diyos ay walang-tigil na nakagawa sa mga lokal na iglesiang ito sapagka’t ang mga ito ay naging sentro ng Diyos sa bumagsak na pamilyang imperyal. Dahil ang Diyos ay nakapagtatag ng mga lokal na iglesia sa gayong pamilya, walang alinlangan na Siya ay labis-labis ang kasayahan—ito ay isang kagalakan na hindi mailarawan. Pagkatapos magtatag ng mga lokal na iglesia sa kalakhang-lupain ng Tsina at mapalaganap ang mabuting balitang ito sa mga kapatirang lalaki at babae sa ibang mga lokal na iglesia sa buong mundo, ang Diyos ay sabik na sabik—ito ang unang hakbang ng gawain na nais Niyang gawin sa kalakhang-lupain ng Tsina. Maaaring masabi na ito ang unang pagkilos, na nasimulan ng Diyos ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa isang lugar na tulad ng isang lungsod ng mga demonyo na hindi kayang igupo ng anumang bagay, ng sinumang tao—hindi ba’t iyan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos? Maliwanag na para sa pagbabawi ng gawaing ito, hindi-mabilang na kapatirang lalaki at babae ang ginawang martir, namamatay sa ilalim ng pamatay na punyal ng diyablo. Ang pagbanggit dito ngayon ay nagsasanhi ng labis na dalamhati, subali’t sa malaking bahagi, ang mga araw ng pagdurusa ay nakalipas na. Ngayon ay makagagawa Ako para sa Diyos, at nakaya Kong makarating sa kinalalagyan Ko ngayon nang dahil lamang sa kapangyarihan ng Diyos. Malaki ang Aking paghanga para sa mga yaon na pinili ng Diyos para sa pagiging martir—nakaya nilang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos at isakripisyo ang kanilang mga sarili para sa Diyos. Sa prangkang pananalita, kung hindi sa biyaya at habag ng Diyos, matagal na sana akong nahimatay sa putikan. Salamat sa Diyos! Handa Akong ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos, upang hayaan Siya na makapahinga. May mga tao na nagtatanong sa Akin: “Dahil sa Iyong posisyon Ikaw ay hindi dapat mamatay, kaya bakit Ikaw ay masaya kapag binabanggit ng Diyos ang kamatayan?” Hindi Ako sumasagot nang tuwiran; ngumingiti lamang Ako nang bahagya at tumutugon: “Ito ang landas na dapat Kong tahakin, na dapat Kong ganap na sundan.” Hindi nauunawaan ng mga tao ang Aking tugon, kundi nagugulat na tumitingin sa Akin. Sila ay bahagyang naguguluhan sa Akin. Gayunpaman, Ako ay naniniwala na yamang ito ang landas na Aking napili at ito rin ang buong-kapasyahan na naitalaga Ko sa harap ng Diyos, sa gayon kahit na gaano pang kalaki ang mga paghihirap, masigasig lamang Akong gumagawa upang magpatuloy dito. Aking iniisip: Ito ay isang pangako na dapat panindigan ng isang naglilingkod sa Diyos. Hindi nila maaaring bawiin ang kanilang sinabi kahit kaunti. Ito ay isa ring tuntunin, isang panuntunan na matagal nang itinalaga, sa Kapanahunan ng Kautusan, na dapat maunawaan ng isang naniniwala sa Diyos. Sa Aking karanasan, ang Aking kaalaman tungkol sa Diyos ay hindi malaki at ang Aking praktikal na karanasan ay napakaliit, hindi man lamang karapat-dapat na mabanggit, kaya’t hindi Ako makapagsasalita sa anumang napakataas na mga palagay. Gayunpaman, ang mga salita ng Diyos ay dapat na panindigan, at hindi ito maaaring labanan. Sa totoo lang, ang Aking sariling praktikal na karanasan ay hindi malaki, nguni’t dahil sinasaksihan Ako ng Diyos at ang mga tao ay palaging bulag na sumasampalataya sa Akin, anong magagawa Ko? Maaari Ko lamang ipalagay ang Aking sarili na hindi-mapalad. Gayunpaman, umaasa pa rin Ako na itutuwid ng mga tao ang kanilang mga pananaw sa pag-ibig sa Diyos. Sa Aking sarili, Ako ay wala, dahil Ako ay tumatahak din sa daan ng pananampalataya sa Diyos, at ang landas na Aking nilalakaran ay walang iba kundi ang landas ng paniniwala sa Diyos. Ang isang mabuti ay hindi dapat pag-ukulan ng pagsamba—sila ay maaari lamang gumanap bilang halimbawa upang sundan. Hindi Ko pinakikialaman kung ano ang ginagawa ng iba, nguni’t ipinahahayag Ko sa mga tao na nagbibigay rin Ako ng kaluwalhatian sa Diyos; hindi Ko ibinibigay ang kaluwalhatian ng Espiritu sa katawang-tao. Ako ay umaasa na mauunawaan ng bawa’t isa ang Aking damdamin tungkol dito. Ito ay hindi pag-iwas sa Aking pananagutan, kundi ito lamang ang buong kasaysayan. Ito ay isang bagay na dapat maging lubos na malinaw, at sa pagsulong ay hindi na ito kailangang mabanggit pang muli.
    Ngayon, Ako ay tumanggap ng pagliliwanag mula sa Diyos. Ang gawain ng Diyos sa lupa ay ang gawain ng pagliligtas; ito ay hindi kaugnay sa anupamang bagay. Maaaring may mga tao na mag-iisip nang kasalungat, nguni’t lagi Kong nadarama na ang Banal na Espiritu ay gumagawa lamang ng isang yugto ng gawain ng pagliligtas, at wala ng iba pang gawain. Dapat itong maging malinaw. Ngayon lamang na ang gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa kalakhang-lupain ng Tsina ay naging malinaw—bakit nanaisin ng Diyos na buksan ang lahat ng landas at gumawa sa lugar na ito kung saan ang mga demonyo ay rumaragasang tumatakbo kung saan-saan? Makikita mula rito na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay pangunahing ang gawain ng pagliligtas. Upang maging mas tiyak, ito ay pangunahing ang gawain ng paglupig. Mula sa simula ang pangalan ni Jesus ay tinawag. (Marahil ay hindi pa ito naranasan ng ilan, nguni’t Aking sinasabi na ito ay isang hakbang ng gawain ng Banal na Espiritu.) Ito ay upang humiwalay sa Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya, kaya isang bahagdan ng mga tao ang pinili sa pauna, at kalaunan ang mga piniling yaon ay pinaunti. Pagkatapos noon, ang pangalang Witness Lee ay tinawag sa kalakhang-lupain ng Tsina—ito ang ikalawang bahagi ng gawain ng pagbabawi sa kalakhang-lupain ng Tsina. Ito ang unang hakbang ng gawain kung saan ang Banal na Espiritu ay nagsimulang pumili ng mga tao, na upang unang tipunin ang mga tao, maghintay para sa pastor na mangangalaga sa kanila, at ang pangalang “Witness Lee” ay ginamit upang ganapin ang serbisyong iyon. Personal na ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagsaksi sa pangalang “ang Makapangyarihan” at bago iyon, ito ay nasa isang yugto ng paghahanda. Kaya, hindi mahalaga kung iyan ay tama o mali, at hindi ito ang pangunahing usapin sa loob ng plano ng Diyos. Matapos ang pagsaksi tungkol sa pangalang “ang Makapangyarihan,” opisyal na sinimulan ng Diyos na personal na gawin ang Kanyang sariling gawain at pagkatapos noon, ang Kanyang mga gawa bilang Diyos sa katawang-tao ay opisyal na nagsimula. Sa pamamagitan ng pangalang “ang Makapangyarihang Panginoon,” Siya ang pumigil sa lahat niyaong mga rebelde at suwail, at sila ay nagsimulang magtaglay ng wangis ng mga tao, gaya lamang ng kapag ang isa ay pumapasok sa kanilang ika-dalawampu’t tatlo o ika-dalawampu’t apat na taon, sila ay nagsisimulang magmukhang gaya ng isang tunay na may-gulang. Iyan ay, ang mga tao ay kasisimula pa lamang na magkaroon ng buhay ng isang normal na tao, at sa pamamagitan ng hakbang ng mga taga-serbisyo, ang gawain ng Diyos ay sadya nang pumasok sa yugto ng pagganap ng dibinong gawain. Maaaring masabi na ang yugtong ito lamang ng gawain ang siyang sentro ng malaking bahagi ng Kanyang gawain at na ito ang pangunahing hakbang ng kanyang gawain. Nakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili at namumuhi sa kanilang mga sarili. Sila ay nakarating sa punto kung saan nakakaya nilang sumpain ang kanilang mga sarili, sila ay nasisiyahan na itatwa ang kanilang sariling mga buhay at sila ay mayroong bahagyang pandama sa kariktan ng Diyos. Sa ganitong pundasyon kanilang nakikilala ang tunay na kahulugan ng buhay.  Ito ay pagkakamit sa kalooban ng Diyos. Ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina ay malapit nang matapos. Matagal nang isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang mga paghahanda sa lupaing ito ng karumihan sa loob ng maraming mga taon, subali’t hindi pa kailanman nakarating ang mga tao sa punto na kanilang narating ngayon. Ibig sabihin nito ay ngayon lamang nakapagsimula nang pormal ang Diyos sa Kanyang sariling gawain. Hindi na kailangang tumungo sa detalye tungkol dito; hindi na ito kailangang ipaliwanag ng mga tao. Ang yugtong ito ng gawain ay walang alinlangang ginagawa nang tuwiran sa pamamagitan ng pagka-Diyos ng Diyos, nguni’t isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng tao. Walang sinumang maaaring itanggi ito. Ito ay tiyak na dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lupa na ang Kanyang gawain ay maaaring makarating sa lawak na narating nito sa kasalukuyan sa mga tao ng lupaing ito ng kalaswaan. Ang bunga ng gawaing ito ay maaaring madala kahit saan upang mapapaniwala ang mga tao. Walang sinumang maglalakas-loob na basta-basta humatol dito at itanggi ito.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw