Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

10 Hunyo 2018

Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"



    Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "If God does not become flesh, He remains the Spirit both invisible and intangible to man. Man is a creature of flesh, and man and God belong to two different worlds and are different in nature. The Spirit of God is incompatible with man of flesh, and no relations can be established between them...." "Only through becoming flesh can He personally deliver His words to the ears of all so that all who have ears can hear His words and receive His work of judgment by the word. Only such is the result achieved by His word ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

08 Hunyo 2018

Kanta ng Papuri | Ang Tunay na Buhay ng Tao

Awit  ng Papuri | Ang Tunay na Buhay ng Tao



I
Kapag nakakamit ng tao ang tunay na buhay sa lupa,
lahat ng pwersa ni Satanas ay nakagapos.
Ang tao'y mabubuhay nang may kagaanan sa mundo.
Mga pagkakumplikado ay hindi na makikita.
Pantao, panlipunan at pampamilyang mga bukluran
maaaring mag-abala at mapuno ng sakit.
Ngunit kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at ang kanyang isip ay mabago.
Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at isipan ay mababago.
Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
na gumagalang sa Diyos.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.

Cristianong Kanta | Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo




 I

Kaharian ng D'yos dumating sa lupa;
persona ng D'yos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa D'yos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal
sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
II
Lahat ng bagay sa mundo,
gawing malinis ang mga sarili ninyo;
halina't mag-alay sa D'yos.
Mga tala, bumalik kayo sa pugad ninyo sa langit,
ipakita ang lakas ng D'yos sa kalangitan.
Sa lupa mga boses umaawit,
bumubuhos walang hanggang pag-ibig
at walang hangganang paggalang sa Diyos.
Mainam na nakikinig Siya sa kanila.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
III
Sa araw na yaon lahat mabubuhay ulit,
ang persona ng D'yos mismo ang bababa sa mundo.
Mga bulaklak mamumukadkad sa tuwa,
mga ibo'y umaawit at lahat nagbubunyi.
Tingnan ang kaharian ni Satanas niyapakan,
'di na babangon, nalunod sa awit ng papuri.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
IV
Sino sa mundo ang papalag?
Kapag tumatayo ang D'yos sa gitna ng mga tao,
dala'y galit at kapahamakan sa lupa.
Mundo'y naging kaharian ng D'yos.
Mga ulap gumugulong sa langit,
mga lawa't batis umaawit ng masayang himig.
Mga hayop aalis sa kweba nila,
at tao ay pinukaw ng Diyos mula sa kanilang mga panaginip.
Ngayon, ang inaasam na araw dumating
na lahat umaawit ng papuri sa Diyos,
pinakamagandang awitin sa lahat.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.



mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



Pag-bigkas ng Diyos | Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos

    Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa praktikalidad at nagagawang malinaw na makita ang gawain ng Diyos—lahat ng ito ay makikita sa Kanyang mga salita. Sa mga salita lamang ng Diyos mo makakamit ang pagliliwanag, kaya dapat mong lalong isangkap sa iyong sarili ang Kanyang mga salita. Ibahagi mo ang iyong pagkaunawa mula sa mga salita ng Diyos sa pagsasamahan, at sa pamamagitan ng iyong pagsasamahan maaaring makakuha ng pagliliwanag ang iba at maaaring makaakay sa mga tao sa landas—ang landas na ito ay praktikal. Bago magtatag ng isang kapaligiran ang Diyos para sa iyo, ang bawat isa sa inyo ay dapat munang sangkapan ang inyong mga sarili ng Kanyang mga salita. Ito ang isang bagay na dapat gawin ng bawat isa—ito ay isang kailangang-kailangang prayoridad. Ang unang bagay na dapat gawin ay magawang kainin at inumin ang Kanyang mga salita. Para sa mga bagay na hindi mo magawa, hanapin ang isang landas ng pagsasagawa mula sa Kanyang mga salita, at tingnan ang Kanyang mga salita para sa anumang mga usapin na hindi mo nauunawaan o anumang mga kahirapan na mayroon ka. Gawin mong panustos ang mga salita ng Diyos, hayaan ang mga iyon na tulungan kang malutas ang praktikal na mga kahirapan at praktikal na mga suliranin, at hayaan ang Kanyang mga salita na maging tulong mo sa buhay—kinakailangan mong maglagay ng pagsisikap dito. Ang mga resulta ay dapat matamo mula sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Kailangan mong mapatahimik ang iyong puso sa harap Niya, at magsagawa alinsunod sa Kanyang mga salita kapag ikaw ay nakatagpo ng mga usapin. Kapag hindi ka nakatagpo ng anumang usapin, kumain lamang at uminom. Kung minsan maaari kang manalangin at isipin ang ukol sa pag-ibig ng Diyos, magkaroon ng pagsasamahan sa iyong pagkaunawa ukol sa Kanyang mga salita, at mayroong pagsasamahan sa pagliliwanag at pag-iilaw ng iyong karanasan sa loob at ang pagtugon na mayroon ka kapag binabasa ang mga ito, at mapangungunahan mo ang mga tao patungo sa landas—ito ay praktikal. Ang layunin sa pagsasagawa nito ay para tulutan ang mga salita ng Diyos na maging praktikal na panustos sa iyo.

Salita ng Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos



    Ang Diyos  ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan. Walang halaga kung Siya ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at ikaw ay hindi maaaring magsabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao na kung saan nagmumula na Siya ay mangusap. Kabilang ang ilang mga tao may mga lumitaw na mga pag-iisip bilang isang bunga ng iba-ibang mga perspektibo na kung saan nagmumula ang Diyos ay mangusap. Ang mga ganoong tao ay walang kaalaman sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay palaging nangusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Maaari kayang payagan ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung anong perspektibo ang pinagmumulan ng Diyos na mangusap, ang Diyos ay may mga layunin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Samakatwid, nangungusap Siya sa ikatlong persona upang paglaanan ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipinagpalagay na Siya ay Diyos, samakatwid kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pagbibigkas Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang sustansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na malapit sa sariling puso ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi sumaksi sa kanya bilang Panginoon o Kristo, pagkat ang sustansya ng tao ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman maaaring magbago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng ibat-ibang mga paraan upang maging mabisa ang Kanyang gawain at madagdagan ang kaalaman ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at nasa ayos upang gawing perpekto ang tao. Kahit na anong paraan ng paggawa ang gamitin Niya, ang bawat isa ay nasa ayos upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman isa sa Kanyang paraan nang paggawa ay maaaring tumagal sa isang mahabang panahon, nasa sa ayos ito upang timplahin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Samakatwid hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng mga ito ay mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong sundin.

07 Hunyo 2018

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)



    Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal 

Tagalog Christian Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong " Lord Jesus Has Come Again



    Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.

Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?