Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa praktikalidad at nagagawang malinaw na makita ang gawain ng Diyos—lahat ng ito ay makikita sa Kanyang mga salita. Sa mga salita lamang ng Diyos mo makakamit ang pagliliwanag, kaya dapat mong lalong isangkap sa iyong sarili ang Kanyang mga salita. Ibahagi mo ang iyong pagkaunawa mula sa mga salita ng Diyos sa pagsasamahan, at sa pamamagitan ng iyong pagsasamahan maaaring makakuha ng pagliliwanag ang iba at maaaring makaakay sa mga tao sa landas—ang landas na ito ay praktikal. Bago magtatag ng isang kapaligiran ang Diyos para sa iyo, ang bawat isa sa inyo ay dapat munang sangkapan ang inyong mga sarili ng Kanyang mga salita. Ito ang isang bagay na dapat gawin ng bawat isa—ito ay isang kailangang-kailangang prayoridad. Ang unang bagay na dapat gawin ay magawang kainin at inumin ang Kanyang mga salita. Para sa mga bagay na hindi mo magawa, hanapin ang isang landas ng pagsasagawa mula sa Kanyang mga salita, at tingnan ang Kanyang mga salita para sa anumang mga usapin na hindi mo nauunawaan o anumang mga kahirapan na mayroon ka. Gawin mong panustos ang mga salita ng Diyos, hayaan ang mga iyon na tulungan kang malutas ang praktikal na mga kahirapan at praktikal na mga suliranin, at hayaan ang Kanyang mga salita na maging tulong mo sa buhay—kinakailangan mong maglagay ng pagsisikap dito. Ang mga resulta ay dapat matamo mula sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Kailangan mong mapatahimik ang iyong puso sa harap Niya, at magsagawa alinsunod sa Kanyang mga salita kapag ikaw ay nakatagpo ng mga usapin. Kapag hindi ka nakatagpo ng anumang usapin, kumain lamang at uminom. Kung minsan maaari kang manalangin at isipin ang ukol sa pag-ibig ng Diyos, magkaroon ng pagsasamahan sa iyong pagkaunawa ukol sa Kanyang mga salita, at mayroong pagsasamahan sa pagliliwanag at pag-iilaw ng iyong karanasan sa loob at ang pagtugon na mayroon ka kapag binabasa ang mga ito, at mapangungunahan mo ang mga tao patungo sa landas—ito ay praktikal. Ang layunin sa pagsasagawa nito ay para tulutan ang mga salita ng Diyos na maging praktikal na panustos sa iyo.