Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

11 Hunyo 2018

Ang tinig ng Diyos | Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

    Kung naniniwala ka sa Diyos, kailangang sundin mo ang Diyos, isagawa ang katotohanan, at tuparin lahat ng iyong mga tungkulin. Bukod diyan, kailangan mong maintindihan ang mga bagay na dapat mong maranasan. Kung ang nararanasan mo lamang ay pagiging pinakikitunguhan, pagiging dinidisiplina at paghatol, kung kaya mo lamang magpakasaya sa Diyos, nguni’t hindi mo nararamdaman kapag dinidisiplina ka ng Diyos o pinakikitunguhan ka, hindi ito katanggap-tanggap. Marahil sa pagkakataong ito ng pagpipino, makapaninindigan ka. Hindi pa rin ito sapat, kailangan mo pa ring lumakad pasulong. Ang aral tungkol sa pag-ibig sa Diyos ay walang hanggan, at wala itong katapusan kailanman. Tinitingnan ng mga tao ang paniniwala sa Diyos bilang napakasimple, nguni’t sa sandaling makatamo sila ng ilang praktikal na karanasan, napapagtanto nila na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi kasing-simple ng naguguni-guni ng mga tao. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao, nagiging higit ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at higit pang kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas kaunti ang pagpipino ng tao, mas kaunti ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at mas kaunting kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas higit ang kanyang pagpipino at pagdurusa at mas higit ang paghihirap niya, lalong lalalim ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos, lalong dadalisay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at lalong lalalim ang kanyang pagkakilala sa Diyos. Makikita mo sa iyong mga karanasan na yaong mga nagtiis ng higit na pagpipino at pagdurusa, maraming pakikitungo at disiplina, ay may malalim na pag-ibig sa Diyos, at isang mas matindi at tumatagos na pagkakilala sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas ng anumang pakikitungo ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala, at makapagsasabi lamang: “Ang Diyos ay napakabuti, iginagawad Niya ang mga biyaya sa mga tao upang Siya ay kanilang matamasa.” Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, masasabi nila kung gayon ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya mas kahanga-hanga ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Mas di-tumatagos ito para sa iyo at mas di-kaayon ito ng iyong mga paniwala, mas kaya kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos. Ang kabuluhan ng gawain ng Diyos ay napakadakila! Kung hindi Niya pinino ang tao sa paraang ito, kung hindi Siya gumawa ayon sa pamamaraang ito, kung gayon ang gawain ng Diyos ay magiging di-epektibo at walang kabuluhan. Ito ang dahilan sa likod ng di-pangkaraniwang kabuluhan ng Kanyang pagpili sa isang grupo ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Sinabi na dati na pipiliin ng Diyos at kakamtin ang grupong ito. Mas higit ang gawain na Kanyang tinutupad sa loob ninyo, mas malalim at mas dalisay ang inyong pag-ibig. Mas higit ang gawain ng Diyos, mas kayang matikman ng tao ang Kanyang karunungan at mas malalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Sa mga huling araw, ang 6,000 taong plano sa pamamahala ng Diyos ay magtatapos. Posible bang magtapos ito nang ganoon lamang, napakadali? Sa sandaling nalupig Niya ang sangkatauhan, matatapos na ba ang Kanyang gawain? Napaka-simple ba nito? Iniisip ng mga tao na napaka-simple lamang nito, nguni’t ang ginagawa ng Diyos ay hindi ganoon ka-simple. Anumang bahagi ng gawain ng Diyos ito, lahat ay di-maarok ng tao. Kung nakaya mong arukin ito, sa gayon ang gawain ng Diyos ay magiging walang kabuluhan o halaga. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay di-maarok, masyadong salungat ito sa iyong mga paniwala, at mas hindi-maiaayon ito sa iyong mga paniwala, mas ipinakikita nito na ang gawain ng Diyos ay makahulugan; kung kaayon ito sa iyong mga paniwala, sa gayon magiging walang-kahulugan ito. Ngayon, nararamdaman mo na ang gawain ng Diyos ay lubhang kamangha-mangha, at mas kamangha-mangha ito, lalong nararamdaman mo na ang Diyos ay di-maarok, at nakikita mo kung gaano kadakila ang mga gawa ng Diyos. Kung ginawa lamang Niya ang ilang mababaw, madaliang gawain upang lupigin ang tao, at pagkatapos ay tapos na, sa gayon mawawalan ng kakayahan ang tao na mamasdan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos. Bagama’t nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino sa araw na ito, may malaking pakinabang ito sa pag-unlad ng iyong buhay—kaya’t ang gayong paghihirap ay inyong sukdulang pangangailangan. Ngayon, nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino, nguni’t pagkatapos ay tunay na mamamalas mo ang mga gawa ng Diyos, at sasabihin mo sa kahuli-hulihan: “Ang mga gawa ng Diyos ay talagang kamangha-mangha!” Ang mga ito ang magiging mga salita sa puso mo. Yamang naranasan ang pagpipino ng Diyos sa kaunting panahon (ang pagsubok[a] sa mga taga-serbisyo at ang mga panahon ng pagkastigo), sinabi ng ilang mga tao sa kahuli-hulihan: “Ang paniniwala sa Diyos ay talagang mahirap!” Ipinakikita nitong “mahirap” na ang mga gawa ng Diyos ay di-maarok, na ang gawain ng Diyos ay nagtataglay ng dakilang kabuluhan at kahalagahan, at lubhang karapat-dapat na pahalagahan ng tao. Kung, matapos na makagawa Ako ng napakaraming gawain, wala ka kahit katiting na pagkakilala, sa gayon magkakaroon pa ba ng halaga ang Aking gawain? Masasabi mo na: “Talagang mahirap ang paglilingkod sa Diyos, lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos, totoong matalino ang Diyos! Siya ay kaibig-ibig!” Kung, matapos sumailalim sa isang panahon ng karanasan, nagagawa mong sabihin ang gayong mga salita, sa gayon pinatutunayan nito na iyong nakamtan ang gawain ng Diyos sa loob mo. Isang araw, kapag ikaw ay nasa ibang bansa upang palaganapin ang ebanghelyo at tatanungin ka ng isang tao: “Kumusta ang pananampalataya mo sa Diyos?” masasabi mong: “ Ang mga pagkilos ng Diyos ay lubhang kagila-gilalas!” Sa sandaling makita ka nilang sinasabi ito, mararamdaman nila na may isang bagay sa loob mo at na ang mga pagkilos ng Diyos ay totoong di-maarok. Ito ang totoong pagsaksi. Sasabihin mo na puno ng karunungan ang gawain ng Diyos, at ang Kanyang gawain sa iyo ay totoong nakahimok sa iyo at nilupig ang puso mo. Palagi mo Siyang mamahalin dahil higit Siyang karapat-dapat sa pag-ibig ng sangkatauhan! Kung makapagsasalita ka sa mga bagay na ito, maaantig mo ang puso ng mga tao. Lahat ng ito ay pagsaksi. Kung nakakaya mong maging isang maugong na saksi, naaantig ang mga tao na lumuha, ipinakikita nito na tunay kang isa na nagmamahal sa Diyos. Iyan ay dahil nagagawa mong kumilos bilang isang saksi sa pag-ibig sa Diyos at maihahayag sa pamamagitan mo ang mga pagkilos ng Diyos. At sa pamamagitan ng iyong pagpapahayag, mahahanap ng ibang mga tao ang Kanyang mga pagkilos, mararanasan ang Diyos, at makakapanindigang matatag sa anumang kapaligiran na kinaroroonan nila. Tanging ang pagsaksi sa ganitong paraan ang tunay na pagsaksi, at ito mismo ang kinakailangan sa iyo ngayon. Dapat mong sabihin na lubhang mahalaga ang mga pagkilos ng Diyos at karapat-dapat na pahalagahan ng mga tao, na ang Diyos ay napaka-katangi-tangi at napakasagana. hindi lamang Siya nakapagsasalita, ngunit higit pa rito napipino Niya ang mga puso ng mga tao, nadudulutan sila ng kagalakan, at maaari Niyang makamtan sila, lupigin sila, at gawin silang perpekto. Mula sa iyong karanasan makikita mo na ang Diyos ay napaka-kaibig-ibig. Kaya gaano mo kamahal ang Diyos ngayon? Masasabi mo ba talaga ang mga bagay na ito mula sa iyong puso? Kapag kaya mong ipahayag ang mga salitang ito mula sa kaibuturan ng iyong puso makakaya mong sumaksi. Sa sandaling nakarating sa ganitong antas ang iyong karanasan magagawa mong maging isang saksi para sa Diyos, at may kakayahan para rito. Kung hindi mo mararating ang antas na ito sa iyong karanasan, kung gayon napakalayo mo pa rin. Normal lamang para sa mga tao na magkaroon ng mga kahinaan sa pagpipino, nguni’t pagkatapos ng pagpipino dapat mong masabi na: “Napakatalino ng Diyos sa Kanyang gawain!” Kung tunay mong kayang tanggapin ang praktikal na pagkilala rito, ito ay katangi-tangi, at ang iyong karanasan ay mahalaga.

10 Hunyo 2018

Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"



    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa upang iligtas ang tao. Ngunit dahil hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, itinuturing natin ang Diyos na nagkatawang-tao tulad sa isang karaniwang tao, hindi natin makilala ang tinig ng Diyos at mas kaunti ang alam natin kung paano sasalubungin ang Panginoon—sa punto na nagagawa nating sundin ang relihiyosong daigdig at nangingibabaw na mga kapangyarihan upang kalabanin at ikondena ang Diyos—ang sitwasyon ay hindi naiba noong nagkatawang-tao ang diyos bilang ang Panginoon Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung gayon, lumilitaw na ang pag-unawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay mahalaga sa ating pagkakilala sa Diyos. Kaya ano nga ba talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?

Rekomendasyon:Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"



    Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "If God does not become flesh, He remains the Spirit both invisible and intangible to man. Man is a creature of flesh, and man and God belong to two different worlds and are different in nature. The Spirit of God is incompatible with man of flesh, and no relations can be established between them...." "Only through becoming flesh can He personally deliver His words to the ears of all so that all who have ears can hear His words and receive His work of judgment by the word. Only such is the result achieved by His word ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

08 Hunyo 2018

Kanta ng Papuri | Ang Tunay na Buhay ng Tao

Awit  ng Papuri | Ang Tunay na Buhay ng Tao



I
Kapag nakakamit ng tao ang tunay na buhay sa lupa,
lahat ng pwersa ni Satanas ay nakagapos.
Ang tao'y mabubuhay nang may kagaanan sa mundo.
Mga pagkakumplikado ay hindi na makikita.
Pantao, panlipunan at pampamilyang mga bukluran
maaaring mag-abala at mapuno ng sakit.
Ngunit kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at ang kanyang isip ay mabago.
Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at isipan ay mababago.
Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
na gumagalang sa Diyos.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.

Cristianong Kanta | Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo




 I

Kaharian ng D'yos dumating sa lupa;
persona ng D'yos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa D'yos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal
sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
II
Lahat ng bagay sa mundo,
gawing malinis ang mga sarili ninyo;
halina't mag-alay sa D'yos.
Mga tala, bumalik kayo sa pugad ninyo sa langit,
ipakita ang lakas ng D'yos sa kalangitan.
Sa lupa mga boses umaawit,
bumubuhos walang hanggang pag-ibig
at walang hangganang paggalang sa Diyos.
Mainam na nakikinig Siya sa kanila.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
III
Sa araw na yaon lahat mabubuhay ulit,
ang persona ng D'yos mismo ang bababa sa mundo.
Mga bulaklak mamumukadkad sa tuwa,
mga ibo'y umaawit at lahat nagbubunyi.
Tingnan ang kaharian ni Satanas niyapakan,
'di na babangon, nalunod sa awit ng papuri.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
IV
Sino sa mundo ang papalag?
Kapag tumatayo ang D'yos sa gitna ng mga tao,
dala'y galit at kapahamakan sa lupa.
Mundo'y naging kaharian ng D'yos.
Mga ulap gumugulong sa langit,
mga lawa't batis umaawit ng masayang himig.
Mga hayop aalis sa kweba nila,
at tao ay pinukaw ng Diyos mula sa kanilang mga panaginip.
Ngayon, ang inaasam na araw dumating
na lahat umaawit ng papuri sa Diyos,
pinakamagandang awitin sa lahat.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.



mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



Pag-bigkas ng Diyos | Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos

    Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa praktikalidad at nagagawang malinaw na makita ang gawain ng Diyos—lahat ng ito ay makikita sa Kanyang mga salita. Sa mga salita lamang ng Diyos mo makakamit ang pagliliwanag, kaya dapat mong lalong isangkap sa iyong sarili ang Kanyang mga salita. Ibahagi mo ang iyong pagkaunawa mula sa mga salita ng Diyos sa pagsasamahan, at sa pamamagitan ng iyong pagsasamahan maaaring makakuha ng pagliliwanag ang iba at maaaring makaakay sa mga tao sa landas—ang landas na ito ay praktikal. Bago magtatag ng isang kapaligiran ang Diyos para sa iyo, ang bawat isa sa inyo ay dapat munang sangkapan ang inyong mga sarili ng Kanyang mga salita. Ito ang isang bagay na dapat gawin ng bawat isa—ito ay isang kailangang-kailangang prayoridad. Ang unang bagay na dapat gawin ay magawang kainin at inumin ang Kanyang mga salita. Para sa mga bagay na hindi mo magawa, hanapin ang isang landas ng pagsasagawa mula sa Kanyang mga salita, at tingnan ang Kanyang mga salita para sa anumang mga usapin na hindi mo nauunawaan o anumang mga kahirapan na mayroon ka. Gawin mong panustos ang mga salita ng Diyos, hayaan ang mga iyon na tulungan kang malutas ang praktikal na mga kahirapan at praktikal na mga suliranin, at hayaan ang Kanyang mga salita na maging tulong mo sa buhay—kinakailangan mong maglagay ng pagsisikap dito. Ang mga resulta ay dapat matamo mula sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Kailangan mong mapatahimik ang iyong puso sa harap Niya, at magsagawa alinsunod sa Kanyang mga salita kapag ikaw ay nakatagpo ng mga usapin. Kapag hindi ka nakatagpo ng anumang usapin, kumain lamang at uminom. Kung minsan maaari kang manalangin at isipin ang ukol sa pag-ibig ng Diyos, magkaroon ng pagsasamahan sa iyong pagkaunawa ukol sa Kanyang mga salita, at mayroong pagsasamahan sa pagliliwanag at pag-iilaw ng iyong karanasan sa loob at ang pagtugon na mayroon ka kapag binabasa ang mga ito, at mapangungunahan mo ang mga tao patungo sa landas—ito ay praktikal. Ang layunin sa pagsasagawa nito ay para tulutan ang mga salita ng Diyos na maging praktikal na panustos sa iyo.

Salita ng Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos



    Ang Diyos  ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan. Walang halaga kung Siya ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at ikaw ay hindi maaaring magsabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao na kung saan nagmumula na Siya ay mangusap. Kabilang ang ilang mga tao may mga lumitaw na mga pag-iisip bilang isang bunga ng iba-ibang mga perspektibo na kung saan nagmumula ang Diyos ay mangusap. Ang mga ganoong tao ay walang kaalaman sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay palaging nangusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Maaari kayang payagan ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung anong perspektibo ang pinagmumulan ng Diyos na mangusap, ang Diyos ay may mga layunin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Samakatwid, nangungusap Siya sa ikatlong persona upang paglaanan ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipinagpalagay na Siya ay Diyos, samakatwid kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pagbibigkas Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang sustansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na malapit sa sariling puso ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi sumaksi sa kanya bilang Panginoon o Kristo, pagkat ang sustansya ng tao ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman maaaring magbago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng ibat-ibang mga paraan upang maging mabisa ang Kanyang gawain at madagdagan ang kaalaman ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at nasa ayos upang gawing perpekto ang tao. Kahit na anong paraan ng paggawa ang gamitin Niya, ang bawat isa ay nasa ayos upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman isa sa Kanyang paraan nang paggawa ay maaaring tumagal sa isang mahabang panahon, nasa sa ayos ito upang timplahin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Samakatwid hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng mga ito ay mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong sundin.