Paano ninyo makikita ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimula nang maghanap ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay aninaw, at nagdurusa ng mahigpit. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay malapit nang opisyal na dumating. Sa yugto nang paghubog sa mga tao bilang perpekto, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa oras ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay magiging perpekto. Nakaraan, sinasabi na ang mga tao ay nais na maging parang mga santo at naninindigan sa lupain ng Sinim. Tanging kapag ang mga tao ay nagawang perpekto—kapag sila ay naging mga santo na binigkas ng Diyos—parating na ang Milenyong Kaharian. Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, nilinis Niya sila, at mas malinis sila mas higit silang ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag ang karumihan, kahimagsikan, kasalungatan, at ang mga bagay sa iyong kalooban ay naalis, kapag ikaw ay napadalisay, ikaw ay mamamahalin ng Diyos (sa ibang salita, ikaw ay magiging santo); kapag ikaw ay ginawang perpekto ng Diyos at naging ganap na santo, ikaw ay mapapasa Milenyong Kaharian. Ngayon na ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ang mga tao ay umaasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at lahat ng mga bansa ay mapapasailalim ng pangalan ng Diyos, at ang lahat ay pupunta upang basahin ang mga salita ng Diyos. Sa oras na iyon ang ilan ay tatawag gamit ang telepono, ang ilan ay fax … gagamit sila ng bawat kaparaanan upang maabot ang mga salita ng Diyos, at kayo, din, ay mapapasa ilalim ng mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ay mangyayari matapos gawing perpekto ang mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagawang perpekto, pino, naliwanagan, at nagagabayan ng mga salita; ito ay ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ay ang yugto na ang mga tao ay nagawang maging perpekto, at ito ay walang koneksyon sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga tao ay ginawang perpekto at ang tiwaling disposisyon sa loob nila ay nagawa nang dalisay. Sa panahong iyon, ang mga salita na binigkas ng Diyos ang gagabay sa mga tao sa bawat hakbang, at maghayag ng lahat ng mga misteryong ginawa ng Diyos mula sa oras ng paglikha hanggang sa ngayon, at ang Kanyang mga salita ang magsasabi sa mga tao ng mga aksyon ng Diyos sa bawat panahon at bawat araw, kung paano Niya pinatnubayan ang mga tao sa loob, ng gawain Niya sa espirituwal na kaharian, at ipaalam sa mga tao ang mga dinamika ng espirituwal na kaharian. Tanging pagkatapos lamang niyon magiging tunay na ganap ang Panahon ng Salita; ngayon ay tanging isang maliit na daigdig. Kung ang tao ay hindi pa perpekto at dalisay, sila ay walang paraan upang mabuhay ng isang libong taon sa lupa, at ang kanilang laman ay tiyak na mabubulok; kung ang mga tao ay malinis ang kalooban, at sila ay hindi na kay Satanas at sa laman, sa gayon sila ay mananatiling buhay sa lupa. Sa yugtong ito ikaw ay isa paring aninaw, at lahat ng inyong nararanasan ay ang pagmamahal ng Diyos at dalahin ang Kanyang pagbibigay-patunay sa bawat araw na ikaw ay nabubuhay sa lupa.
Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
12 Hunyo 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos
Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano ka dapat palaisip sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang laman bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong laman, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang laman. Ang laman ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa laman, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang laman, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang lamanay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa laman, mas lumalaki ang kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa laman, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung ikaw ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang laman, makikita mo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at pasya sa iyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na ikaw ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa iyo, pipilit sa iyo na lumuhod sa Kanya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya iyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung ikaw ay matatangay sa mga kahinaan ng laman, at sabihing sumusobra na ang Diyos, ikaw ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at ikaw ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon ikaw ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang ikaw ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito ikaw ay magsisimulang magreklamo. Ang iyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng laman sa paraang ito, lalo mong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at iyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: Ang iyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan mo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa laman.” Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang laman ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang laman ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa laman at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong laman na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isang-tabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.
11 Hunyo 2018
Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao."
Rekomendasyon:Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."
Rekomendasyon:Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos
Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi kayo pinagdusa ng Diyos, kung gayon, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na iniibig ang Diyos. Habang lalong lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang lalong lumalaki ang pagdurusa ng tao, lalong mas nagagawa nitong ipakita kung gaano makahulugan ang gawain ng Diyos, at lalong mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na ibigin ang Diyos. Paano mo natutunan kung paano ibigin ang Diyos? Nang walang paghihirap at kapinuhan, nang walang masasakit na pagsubok—at kung, tangi sa roon, ang lahat ng ibinigay ng Diyos sa tao ay biyaya, pag-ibig, at habag—magagawa mo bang matamo ang tunay na pag-ibig sa Diyos? Sa isang banda, sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos ang tao ay nakarating sa pagkaalam sa kanyang mga kakulangan, at nakikita na siya ay walang kabuluhan, napakahamak, at mababa ang uri, na siya ay walang taglay na anuman, at walang saysay; sa kabilang dako, sa panahon ng kanyang mga pagsubok gumagawa ang Diyos ng mga kapaligiran para sa tao na ginagawa ang tao na lalong magawang maranasan ang kagandahan ng Diyos. Bagamat ang pagdurusa ay matindi, at paminsan-minsan ay hindi napagtatagumpayan—at inaabot pa nito ang antas ng nakapanlulumong pagdadalamhati—sa pagdanas nito, nakikita ng tao kung gaano kaibig-ibig ang gawain ng Diyos sa kanya, at sa saligan lamang na ito isinilang sa tao ang tunay na pag-ibig ukol sa Diyos. Nakikita sa kasalukuyan ng tao na kung sa biyaya, pag-ibig, at habag lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, lalong hindi nagagawang makilala ang katuturan ng tao. Kapwa sa pamamagitan lamang ng kapinuhan at paghatol ng Diyos, sa panahon lamang ng gayong kapinuhan maaari mong makikilala ang iyong mga kakulangan, at mauunawaan na wala kang anumang bagay na taglay. Kaya, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay itinayo sa saligan ng kapinuhan at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.
Ang tinig ng Diyos | Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino
Kung naniniwala ka sa Diyos, kailangang sundin mo ang Diyos, isagawa ang katotohanan, at tuparin lahat ng iyong mga tungkulin. Bukod diyan, kailangan mong maintindihan ang mga bagay na dapat mong maranasan. Kung ang nararanasan mo lamang ay pagiging pinakikitunguhan, pagiging dinidisiplina at paghatol, kung kaya mo lamang magpakasaya sa Diyos, nguni’t hindi mo nararamdaman kapag dinidisiplina ka ng Diyos o pinakikitunguhan ka, hindi ito katanggap-tanggap. Marahil sa pagkakataong ito ng pagpipino, makapaninindigan ka. Hindi pa rin ito sapat, kailangan mo pa ring lumakad pasulong. Ang aral tungkol sa pag-ibig sa Diyos ay walang hanggan, at wala itong katapusan kailanman. Tinitingnan ng mga tao ang paniniwala sa Diyos bilang napakasimple, nguni’t sa sandaling makatamo sila ng ilang praktikal na karanasan, napapagtanto nila na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi kasing-simple ng naguguni-guni ng mga tao. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao, nagiging higit ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at higit pang kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas kaunti ang pagpipino ng tao, mas kaunti ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at mas kaunting kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas higit ang kanyang pagpipino at pagdurusa at mas higit ang paghihirap niya, lalong lalalim ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos, lalong dadalisay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at lalong lalalim ang kanyang pagkakilala sa Diyos. Makikita mo sa iyong mga karanasan na yaong mga nagtiis ng higit na pagpipino at pagdurusa, maraming pakikitungo at disiplina, ay may malalim na pag-ibig sa Diyos, at isang mas matindi at tumatagos na pagkakilala sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas ng anumang pakikitungo ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala, at makapagsasabi lamang: “Ang Diyos ay napakabuti, iginagawad Niya ang mga biyaya sa mga tao upang Siya ay kanilang matamasa.” Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, masasabi nila kung gayon ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya mas kahanga-hanga ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Mas di-tumatagos ito para sa iyo at mas di-kaayon ito ng iyong mga paniwala, mas kaya kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos. Ang kabuluhan ng gawain ng Diyos ay napakadakila! Kung hindi Niya pinino ang tao sa paraang ito, kung hindi Siya gumawa ayon sa pamamaraang ito, kung gayon ang gawain ng Diyos ay magiging di-epektibo at walang kabuluhan. Ito ang dahilan sa likod ng di-pangkaraniwang kabuluhan ng Kanyang pagpili sa isang grupo ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Sinabi na dati na pipiliin ng Diyos at kakamtin ang grupong ito. Mas higit ang gawain na Kanyang tinutupad sa loob ninyo, mas malalim at mas dalisay ang inyong pag-ibig. Mas higit ang gawain ng Diyos, mas kayang matikman ng tao ang Kanyang karunungan at mas malalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Sa mga huling araw, ang 6,000 taong plano sa pamamahala ng Diyos ay magtatapos. Posible bang magtapos ito nang ganoon lamang, napakadali? Sa sandaling nalupig Niya ang sangkatauhan, matatapos na ba ang Kanyang gawain? Napaka-simple ba nito? Iniisip ng mga tao na napaka-simple lamang nito, nguni’t ang ginagawa ng Diyos ay hindi ganoon ka-simple. Anumang bahagi ng gawain ng Diyos ito, lahat ay di-maarok ng tao. Kung nakaya mong arukin ito, sa gayon ang gawain ng Diyos ay magiging walang kabuluhan o halaga. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay di-maarok, masyadong salungat ito sa iyong mga paniwala, at mas hindi-maiaayon ito sa iyong mga paniwala, mas ipinakikita nito na ang gawain ng Diyos ay makahulugan; kung kaayon ito sa iyong mga paniwala, sa gayon magiging walang-kahulugan ito. Ngayon, nararamdaman mo na ang gawain ng Diyos ay lubhang kamangha-mangha, at mas kamangha-mangha ito, lalong nararamdaman mo na ang Diyos ay di-maarok, at nakikita mo kung gaano kadakila ang mga gawa ng Diyos. Kung ginawa lamang Niya ang ilang mababaw, madaliang gawain upang lupigin ang tao, at pagkatapos ay tapos na, sa gayon mawawalan ng kakayahan ang tao na mamasdan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos. Bagama’t nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino sa araw na ito, may malaking pakinabang ito sa pag-unlad ng iyong buhay—kaya’t ang gayong paghihirap ay inyong sukdulang pangangailangan. Ngayon, nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino, nguni’t pagkatapos ay tunay na mamamalas mo ang mga gawa ng Diyos, at sasabihin mo sa kahuli-hulihan: “Ang mga gawa ng Diyos ay talagang kamangha-mangha!” Ang mga ito ang magiging mga salita sa puso mo. Yamang naranasan ang pagpipino ng Diyos sa kaunting panahon (ang pagsubok[a] sa mga taga-serbisyo at ang mga panahon ng pagkastigo), sinabi ng ilang mga tao sa kahuli-hulihan: “Ang paniniwala sa Diyos ay talagang mahirap!” Ipinakikita nitong “mahirap” na ang mga gawa ng Diyos ay di-maarok, na ang gawain ng Diyos ay nagtataglay ng dakilang kabuluhan at kahalagahan, at lubhang karapat-dapat na pahalagahan ng tao. Kung, matapos na makagawa Ako ng napakaraming gawain, wala ka kahit katiting na pagkakilala, sa gayon magkakaroon pa ba ng halaga ang Aking gawain? Masasabi mo na: “Talagang mahirap ang paglilingkod sa Diyos, lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos, totoong matalino ang Diyos! Siya ay kaibig-ibig!” Kung, matapos sumailalim sa isang panahon ng karanasan, nagagawa mong sabihin ang gayong mga salita, sa gayon pinatutunayan nito na iyong nakamtan ang gawain ng Diyos sa loob mo. Isang araw, kapag ikaw ay nasa ibang bansa upang palaganapin ang ebanghelyo at tatanungin ka ng isang tao: “Kumusta ang pananampalataya mo sa Diyos?” masasabi mong: “ Ang mga pagkilos ng Diyos ay lubhang kagila-gilalas!” Sa sandaling makita ka nilang sinasabi ito, mararamdaman nila na may isang bagay sa loob mo at na ang mga pagkilos ng Diyos ay totoong di-maarok. Ito ang totoong pagsaksi. Sasabihin mo na puno ng karunungan ang gawain ng Diyos, at ang Kanyang gawain sa iyo ay totoong nakahimok sa iyo at nilupig ang puso mo. Palagi mo Siyang mamahalin dahil higit Siyang karapat-dapat sa pag-ibig ng sangkatauhan! Kung makapagsasalita ka sa mga bagay na ito, maaantig mo ang puso ng mga tao. Lahat ng ito ay pagsaksi. Kung nakakaya mong maging isang maugong na saksi, naaantig ang mga tao na lumuha, ipinakikita nito na tunay kang isa na nagmamahal sa Diyos. Iyan ay dahil nagagawa mong kumilos bilang isang saksi sa pag-ibig sa Diyos at maihahayag sa pamamagitan mo ang mga pagkilos ng Diyos. At sa pamamagitan ng iyong pagpapahayag, mahahanap ng ibang mga tao ang Kanyang mga pagkilos, mararanasan ang Diyos, at makakapanindigang matatag sa anumang kapaligiran na kinaroroonan nila. Tanging ang pagsaksi sa ganitong paraan ang tunay na pagsaksi, at ito mismo ang kinakailangan sa iyo ngayon. Dapat mong sabihin na lubhang mahalaga ang mga pagkilos ng Diyos at karapat-dapat na pahalagahan ng mga tao, na ang Diyos ay napaka-katangi-tangi at napakasagana. hindi lamang Siya nakapagsasalita, ngunit higit pa rito napipino Niya ang mga puso ng mga tao, nadudulutan sila ng kagalakan, at maaari Niyang makamtan sila, lupigin sila, at gawin silang perpekto. Mula sa iyong karanasan makikita mo na ang Diyos ay napaka-kaibig-ibig. Kaya gaano mo kamahal ang Diyos ngayon? Masasabi mo ba talaga ang mga bagay na ito mula sa iyong puso? Kapag kaya mong ipahayag ang mga salitang ito mula sa kaibuturan ng iyong puso makakaya mong sumaksi. Sa sandaling nakarating sa ganitong antas ang iyong karanasan magagawa mong maging isang saksi para sa Diyos, at may kakayahan para rito. Kung hindi mo mararating ang antas na ito sa iyong karanasan, kung gayon napakalayo mo pa rin. Normal lamang para sa mga tao na magkaroon ng mga kahinaan sa pagpipino, nguni’t pagkatapos ng pagpipino dapat mong masabi na: “Napakatalino ng Diyos sa Kanyang gawain!” Kung tunay mong kayang tanggapin ang praktikal na pagkilala rito, ito ay katangi-tangi, at ang iyong karanasan ay mahalaga.
10 Hunyo 2018
Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"
Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa upang iligtas ang tao. Ngunit dahil hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, itinuturing natin ang Diyos na nagkatawang-tao tulad sa isang karaniwang tao, hindi natin makilala ang tinig ng Diyos at mas kaunti ang alam natin kung paano sasalubungin ang Panginoon—sa punto na nagagawa nating sundin ang relihiyosong daigdig at nangingibabaw na mga kapangyarihan upang kalabanin at ikondena ang Diyos—ang sitwasyon ay hindi naiba noong nagkatawang-tao ang diyos bilang ang Panginoon Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung gayon, lumilitaw na ang pag-unawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay mahalaga sa ating pagkakilala sa Diyos. Kaya ano nga ba talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?
Rekomendasyon:Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)