Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

02 Hulyo 2018

Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos.



    Sa Biblia, sabi ni Pablo, "Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo" (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?

01 Hulyo 2018

Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?




    Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang "Naganap na" sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao?Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?


30 Hunyo 2018

Kanta ng Papuri | Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit

Awit ng Pagsamba | Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit




I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

29 Hunyo 2018

Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Patotoo Tungkol sa Kapangyarihan ng Diyos



    Throughout the vast universe, all celestial bodies move precisely within their own orbits. Under the heavens, mountains, rivers, and lakes all have their boundaries, and all creatures live and reproduce throughout the four seasons in accordance with the laws of life…. This is all so exquisitely designed—is there a Mighty One ruling and arranging all this? Since coming into this world crying we have begun playing different roles in life. We move from birth to old age to illness to death, we go between joy and sorrow…. Where does mankind really come from, and where will we really go? Who is ruling our fates? From ancient times to modern days, great nations have risen up, dynasties have come and gone, and countries and peoples have flourished and perished in the tides of history…. Just like the laws of nature, the laws of humanity's development contain infinite mysteries. Would you like to know the answers to them? The documentary The One Who Holds Sovereignty Over Everything will guide you to get to the root of this, to unveil all of these mysteries!

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Tagalog Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)



    Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?

28 Hunyo 2018

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

27 Hunyo 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan."