Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

22 Hulyo 2018

1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

🍁🌹🌳🌹🌳🌹🍁
  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

  “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

  “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

Salita ng Diyos, iglesia, Biblia, Jesus, krus,

  “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

  “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

panginoon, Biyaya, Fariseo, krus, Katapatan
🍁🍁🍁🌟🍁🍁🍁




  1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na sila ay naniniwala sa Biblia; sa halip na sabihing sila ay nagsisimula na sa pagbabasa ng Biblia, mas mabuting sabihin na nagsisimula na sila sa paniniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nanumbalik na sila sa Panginoon, mas mabuting sabihing sila'y nanumbalik na sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay kanilang pinaka-buhay at ang mawalan nito'y tulad ng mawalan ng kanilang mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasintaas ng Diyos, at may mga tao na tinitingnan ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang kanilang buhay. At kaya, sa sandaling maniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas higit sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nito ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at may malaking pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at nakapagsasalita nito sa iba ay lahat mabubuting kapatid na lalaki at babae. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Talagang hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Diyos, at walang g gagawin kundi pikit-matang naghahanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi nila kailanman hinanap ang direksiyon ng gawa ng Banal na Espiritu; mula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang naghanap kahit minsan ng bagong gawa ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, o nangahas na lumihis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakabuo sila ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming gawa; marami rin silang nagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa pinagmulan ng gawain ni Jehova sa Israel, o pinagmulan ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa kuwentong napapaloob at diwa ng Biblia. Kaya, ang resulta sa ngayon ay, mayroon pa ring di-mailarawang pakiramdam ng pagka-mahika ang mga tao pagdating sa Biblia; higit pa riyan, nahuhumaling sila rito, at may pananampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraang, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa mga huling araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa ganoong pikit-matang paniniwala sa Biblia, sa ganoong pagtitiwala sa Biblia, wala silang pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkakaintindi ng mga tao, iniisip nila ang Biblia lamang ang magdadala ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng mga gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang libro o mga tao—ang makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at kapwa maaaring simulan at wakasan ng Biblia ang mga kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung walang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon, ang Kanyang mga yapak ay nakapaglaman sa Biblia, at ang pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawa ay naging dobleng hirap, at isang mahirap na pakikipagpunyagi. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga kasabihan mula sa Biblia, gayundin ang iba't-ibang mga propesiya ng Biblia. Ang Biblia ay naging isang diyus-diyusan sa isip ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at talagang hindi na nila kayang maniwala na makakagawa ang Diyos nang hindi kasama ang Biblia, hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng panibago. Ito ay malayong mangyari para sa mga tao; sila ay hindi makapaniwala rito, at hindi rin nila inakala ito. Ang Biblia ay naging isang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pinahirap nito na palawakin ang bagong gawaing ito.

21 Hulyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"

I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

20 Hulyo 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi)


kaligtasan, Karanasan, Diyos, panalangin, Biblia





  8. Ang Biblia ay tinatawag din na Lumang at Bagong Tipan.Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng “tipan?” Ang “tipan” sa “Lumang Tipan” ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga biga, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng hamba ng pintuan ay mga Israelita, sila ang piniling bayan ng Diyos, at silang lahat ay maliligtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maililigtas ni Jehovah; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka. Kaya, sa maraming mga libro ng propesiya hinulaan na ang mga taga-Egipto ay matinding kakastiguhin bilang resulta ng kasunduan ni Jehova. Ito ang unang antas ng kahulugan. Pinatay ni Jehova ang mga panganay na lalaki ng Ehipto at ang lahat ng mga panganay na alagang hayop, at iniligtas Niya ang lahat ng mga Israelita, na nangangahulugang ang lahat ng mga tao sa lupain ng Israel ay itinangi ni Jehova, at ang lahat ay maliligtas; ninanais Niyang gumawa ng pang-matagalang gawain sa kanila, at itinatag ang kasunduan sa kanila gamit ang dugo ng tupa. Pasimula sa panahong iyon, hindi papatayin ni Jehova ang mga Israelita, at sinabi na sila ang Kanyang magpakailanman mga pinili. Sa gitna ng labing-dalawang angkan ng Israel, sisimulan Niya ang Kanyang gawain sa buong Kapanahunan ng Kautusan, bubuksan Niya ang lahat ng Kanyang mga batas sa mga Israelita, at pipili mula sa kanila ng mga propeta at mga hukom, at sila ang magiging sentro ng Kanyang gawain. Gumawa Siya ng isang kasunduan sa kanila: Malibang magbago ang kapanahunan, Siya ay gagawa lamang sa gitna ng mga pinili. Ang kasunduan ni Jehova ay hindi nababago, dahil ito ay isinakatuparan sa dugo, at itinatag sa pamamagitan ng Kanyang piniling bayan. Mas mahalaga, Siya ay pumili ng naaangkop na saklaw at target na dapat pagmulan ng Kanyang gawain para sa buong kapanahunan, at sa gayon nakita ng mga tao ang kasunduan bilang lalong mahalaga. Ito ang ikalawang antas ng kahulugan ng kasunduan. Maliban sa Genesis, na naroon na bago pa ang pagtatatag ng kasunduan, ang lahat ng iba pang mga libro sa Lumang Tipan ay nagtatala ng gawa sa gitna ng mga Israelita pagkatapos ng pagtatatag ng kasunduan. Siyempre, may mga paminsan-minsang salaysay ang mga Gentil, ngunit sa pangkalahatan, ang Lumang Tipan ay nagsasaad ng gawain ng Diyos sa Israel. Dahil sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita, ang mga aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Kautusan ay tinawag na ang “Lumang Tipan.” Ang mga ito ay ipinangalan sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita.

19 Hulyo 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App




 

       





Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App






Upang tuparin ang malakas na hangarin ng mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, inilabas ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang una nitong mobile app. Naglalaman ang app na ito ng mga e-book, musika at video. Kasama rito ang milyun-milyong salitang inihayag ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos, mga orihinal na kantang nirekord ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at higit pang mga movie at video tungkol sa ebanghelyo. Inaanyayahan namin ang lahat na nag-iimbestiga sa tunay na daan na gamitin ang app na ito. 

18 Hulyo 2018

Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! | Alisin ang mga Kadena at Pag-aralan ang Tunay na Daan



    Dahil sa bulag na pagsampalataya sa mga salita ng mga relihiyosong pastor, napakiramdaman ni Elder Li na lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at anumang wala sa Biblia ay hindi maaaring maging gawain at salita ng Diyos. Akala ni Li ang kailangan lang niyang gawin ay sumunod sa Biblia at pagdating ng Panginoon, madadala siya sa kaharian ng langit. Samakatuwid, hindi isinaalang-alang ni Li ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Minsan, nalaman ni Elder Li na mahigit isang taon nang pinag-aaralan ng katrabaho niyang si Elder Lin ang Kidlat ng Silanganan. Nang magpaliwanag siya kay Elder Lin, naunawaan ng huli ang masaklap na katotohanan na nasilo at nakadenahan sila ng mga relihiyosong pastor. Sa huli, naalis ni Elder Li ang mga kadenang ito at inakay ang iba pa niyang mga katrabaho na sama-sama nilang hanapin at pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan.

17 Hulyo 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong pinamamahalaan ang Kanyang gawaing pantao at ipinapatupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa pagkakatawang-tao ng Diyos iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ay ang tunay na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, maaari mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t-ibang bahagi ng Diyos, at titigil upang mailagay sa mataas na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at maging sobrang mapagmaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka tutungo sa mga sukdulan, o kahit na ano mang likuan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t maaaring makita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal."