Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

18 Nobyembre 2019

Tagalog Christian Songs | Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao


Tagalog Christian Songs | "Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao"


Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
pinakamahalaga ang dalawang ito,
ang dalawang yugtong ito,
gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao.

Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao 
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang-tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.

16 Nobyembre 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ito ang Pagsasagawa ng Katotohanan


Fan Xing Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, ipinares ako sa isang kapatid na babae para sa ilang tungkulin. Dahil ako ay mapagmataas at makasarili at hindi naghanap ng katotohanan, mayroon na akong paunang nabuong mga ideya tungkol sa kapatid na ito na lagi kong itinatago sa aking puso at hindi hayagang sinasabi sa kaniya. Nang kami ay magkahiwalay, hindi ako nakapasok sa katotohanan ng isang magandang samahan sa gawain. Sa bandang huli, iniayos ng iglesia na ako ay magtrabaho kasama ng isa pang kapatid na babae at ako ay bumuo ng isang pasiya sa harap ng Diyos: Mula ngayon, hindi ko tatahakin ang mga landas ng kabiguan. Natuto na ako ng aking aral kaya sa pagkakataong ito ay tiyak na magkakaroon ako ng higit na bukas na pakikipag-usap sa kapatid na ito at magkaroon ng magandang samahan sa gawain.

14 Nobyembre 2019

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw?


  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

12 Nobyembre 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?




Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

10 Nobyembre 2019

Christian Maiikling Dula | "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero. Noon pa man ay hinihintay na ni Pastor Chang Shoudao ang pagbabalik ng Panginoon, ngunit nang magpatotoo si Brother Zhen sa kanya na nagbalik na ang Panginoon, buong pagmamatigas siyang nakakapit sa kanyang sariling mga paniwala at guni-guni, naniniwala na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng isang ulap, at pinananatiling nakasara ang pinto ng kanyang puso sa totoong landas. Gayunman, sa pagkakataong ito, tinalakay sa kanya ni Brother Zhen ang mga talata ng Banal na Kasulatan na may kaugnayan sa pagbabalik ng Panginoon, at natuklasan niya na ang Biblia ay naglalaman ng mga propesiya na sa mga huling araw ang Panginoon ay lihim na babalik, sa katawang-tao, para mangusap ng mga bagong salita at dalisayin ang tao, at pagkatapos lamang niyon magpapakita sa madla upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Kasabay nito, naunawaan niya ang tunay na kahulugan ng pagkatok ng Panginoon sa ating mga pinto, at na ang susi sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay ang pagkarinig sa tinig ng Diyos. Nang narinig niya sa huli ang tinig ng Diyos sa salita ng Makapangyarihang Diyos, binuksan niya sa wakas ang kanyang puso at malugod na tinanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

08 Nobyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paggamit ng Salita ng Diyos Bilang Isang Salamin


Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriing mabuti ang sarili ko laban sa salitang ginamit ng Diyos para ilantad ang tao. Karaniwan, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at kawalang-kakayahan. Nadama ko na talagang mauunawaan ko ang sarili ko. Gayunpaman, nakita ko lang na hindi ko talaga naunawaan ang sarili ko ayon sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang paghahayag mula sa Diyos.

06 Nobyembre 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao



Salita ng Buhay | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”