Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

30 Abril 2019

Ang mga Salita ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli

(Jn 20:26-29) At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayunma'y nagsisampalataya.
(Jn 21:16-17) Sinabi niya muli sa kanya sa ikalawang beses, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa. Sinabi niya sa kaniya sa ikatlong beses, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabi nang ikatlong beses, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

29 Abril 2019

Tagalog Christian Movie Trailer | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. 


Tagalog Christian Movie Trailer | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery. A few years later, although they make some money, their consciences are often uneasy and their hearts feel empty. Then, they accept Almighty God's gospel of the last days, read God's words, through which they discover that God likes honest people and despises deceitful people and learn that honest people receive God's blessings. However, they also see the evil and darkness in the world and worry they won't be able to make money by doing business with integrity, and will even risk losing money, so they continue to use lies and tricks to deceive customers, yet know God detests them for it.... After several struggles and failures, they finally choose to be honest people according to the words of God, and are surprised to receive God's blessings. Not only does their business flourish, they also enjoy the peace and security of being honest people.
Manood ng higit pa:  Tagalog Dubbed Movies

28 Abril 2019

Ang Gawain at mga Salita ng Panginoong Jesus | Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon

1. Magpatawad ng Makapitumpung Pito
(Mateo 18:21-22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.
2. Ang Pag-ibig ng Panginoon
(Mateo 22:37-39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

27 Abril 2019

Tagalog Gospel Song | "Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan"


Tagalog Worship Songs | "Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan"

I
Piliin ang inyong sariling landas,
huwag tanggihan ang katotohanan
o lapastanganin ang Banal na Espiritu.
Huwag maging mangmang, huwag maging mapagmataas.
Sundin ang patnubay ng Banal na Espiritu.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
II
Manabik sa katotohanan at maghanap ng katotohanan.
Ito ang tanging paraan na makikinabang kayo.
Yaong mga nakarinig ng katotohanan
ngunit nagbabalewala nito
ay lahat napakahangal at ignorante.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
III
Dahan-dahang tahakin ang landas ng paniniwala sa Diyos.
Huwag magmadali sa paghuhusga.
Huwag maging kaswal,
walang inaalala sa inyong paniniwala sa Diyos.
Ang mga naniniwala sa Kanya
ay dapat maging mapitagan at mapagpakumbaba.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
IV
Yaong mga nakarinig ng katotohanan
ngunit agad agad may konklusyon
o hahatulan kung ano ang totoo ay puno ng pagmamataas.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
V
Walang sinumang naniniwala kay Jesus
ay karapat-dapat na sumumpa o humatol.
Dapat kayong maging makatuwiran
at tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan.

26 Abril 2019

Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan

May isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Banal na Kasulatan, at ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga mapagmalabis na hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos.

25 Abril 2019

Kuwento sa Biblia | Tungkol Kay Job (II)

Ang Pagkamakatwiran ni Job
Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay naangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na mga gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang handa at masunurin sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos na Jehova, ang kanyang pagkamasunurin ang nagtulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at ang kanyang pagka-perpekto ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.
Paano natin dapat unawain itong salitang “makatwiran”? Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan ito ng mahusay na katinuan, pagiging lohikal at matino sa pag-iisip, pagiging tumpak sa mga salita, kilos, at paghatol, pagkakaroon ng tama at mga katamtamang pamantayang moral. Nguni’t ang pagkamakatwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag.

24 Abril 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos

I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.
II
Ang normal na pagkatao ni Cristo,
pakiramdam ng mga hangal ay kapintasan.
Ayaw nilang kilalanin Siya,
bagama't ipinakita Niya'ng Kanyang pagka-Diyos.
Mas masunurin at mapagpakumbaba Siya,
mas lalo nilang hinahamak Siya.
Nais pa ng ilan na ihiwalay Siya,
at mga dakilang tao ang sambahin.
Ang Diyos sa katawang-tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos,
ang Kanyang pagkatao ay normal at tunay.
Ang Diyos sa katawang-tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos,
ang Kanyang pagkatao ay normal at tunay.
Ito ang mga dahilan kung
bakit mga tao sa Kanya'y sumusuway at lumalaban.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.

Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs

22 Abril 2019

Muling Tinukso ni Satanas si Job (Naglitawan Ang Mahapdi na mga Pigsa sa Buong Katawan ni Job)

a. Ang mga Salitang Winika ng Diyos
(Job 2:3) At sinabi ni Jehova kay Satanas, napansin Mo ba ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalake, na natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kanyang katapatan, bagama’t pinakilos mo ako laban sa kanya, upang ilugmok siya nang walang kadahilanan.
(Job 2:6) At sinabi ni Jehova kay Satanas, Narito, nasa kamay mo siya; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.
b. Ang mga Salitang Winika ni Satanas
(Job 2:4-5) At sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kanyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kanyang buto at ang kanyang laman, at itatakwil ka niya nang harapan.
c. Paano Hinaharap ni Job ang Pagsubok
(Job 2:9-10) Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, Namamalagi ka pa ba sa iyong katapatan? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kanya, nagsasalita kang gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa kanyang mga labi.
(Job 3:3) Mapawi sana ang kaarawan ng kapanganakan ko, at ang gabi kung kailan sinabi, may isang batang lalaking ipinaglihi.

21 Abril 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
Yamang ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring makita ni mahawakan, at lalong hindi ito makita ng mundo, kung gayon paano ito naging isang bagay na dakila? Anong uri ng bagay ang maituturing na dakila? Tiyak na walang makatatanggi na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maituturing na dakila, nguni’t bakit Ko sinasabi na ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon ay gayon nga? Kapag Aking sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay, walang duda na ito ay kinapapalooban ng maraming hiwaga na hindi pa nauunawaan ng tao. Ating salitain ngayon ang tungkol sa mga yaon.

20 Abril 2019

Tagalog Christian Music Video | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


Tagalog Worship Songs Video | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"

I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos,
kalawaka'y higaan Niya.
Kampon ni Satanas 'di abot ang Diyos,
puspos S'ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.
II
Niyapakan ng Diyos ang lahat,
tanaw N'ya umaabot sa sansinukob.
At lumakad ang Diyos sa gitna ng tao,
tinikman ang tamis at pait, lahat ng lasa ng mundo ng tao;
pero tao'y 'di kailanman tunay nakilala ang Diyos,
ni napansin nila Kanyang paglakad sa ibayo.
Dahil tahimik ang Diyos,
at 'di gumawa nang kamangha-mangha,
kaya, walang tunay na nakakita sa Kanya.
Mga bagay ngayo'y 'di tulad nang dati:
gagawa ang Diyos ng mga bagay
na 'di pa nakita ng mundo sa buong panahon,
magsasalita ang Diyos
na 'di kailanman narinig ng tao sa buong panahon,
dahil gusto Niyang makilala ng sanlibutan
ang Diyos sa katawang-tao.

Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs

19 Abril 2019

Tagalog Gospel Song "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries


Tagalog Worship Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries

Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
I
Di na kailangang maghanap at mangapa,
dahil ang persona Mo'y hayag,
Ikaw ang hiwagang ibinunyag,
Ikaw Mismo ang Diyos na buhay,
harap-harapan sa amin,
ang makita ang Iyong persona ay makita
ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na daigdig.
Sa guni-guni'y 'di maiisip ninuman!
Ikaw ay kasama namin ngayon,
sa aming kalooban, napakalapit para ilarawan.
Ang hiwaga, walang hanggan!
Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
II
Natapos ng Makapangyarihang Diyos
ang Kanyang plano ng pamamahala.
Siya ang matagumpay na Hari ng sansinukob.
Lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay.
Lahat ng tao'y lumuluhod sa pagsamba,
tinatawag ang tunay na pangalan ng Diyos,
ang Makapangyarihan!
Sa mga salita mula sa Kanyang bibig,
lahat ng bagay ay nagagawa.
Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw, sa 'Yo'y hayag at malinaw.

Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs

18 Abril 2019

Ang tinig ng Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

17 Abril 2019

Salita ng Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos.

16 Abril 2019

Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikalawang Bahagi)


Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang karagdagan sa sakim na paghahanap ng tao sa katanyagan at pakinabang, palagi nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtuklas at malalimang pagsasaliksik, sa gayon walang-tigil na binibigyan-kasiyahan nila ang kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga kahalayan; ano kung gayon ang mga kahihinantnan para sa tao? Una sa lahat wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng sangkatauhan ay nadungisang lahat at napinsala ng ganitong uri ng kapaligiran, at ang iba’t ibang nakakahawang sakit at mga salot ay lumaganap sa lahat ng dako. Ito ay isang sitwasyon na wala na ngayong kontrol ang tao, hindi ba tama iyon? (Oo.) Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung ang sangkatauhan ay hindi sumusunod sa Diyos, bagkus palaging sinusunod si Satanas sa ganitong paraan—ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang mga sarili, ginagamit ang siyensiya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap na buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng paraan upang patuloy na mabuhay—makikilala ba ninyo kung ano ang magiging likas na pagwawakas ng sangkatauhan? Ano ang magiging likas na pangwakas na kalalabasan? (Pagkawasak.) Ito ay pagkawasak: dahan-dahang pagdating ng pagkawasak. Dahan-dahang pagdating ng pagkawasak!"

    Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 

15 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Huanbao Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning

Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

Ito ay noong nailathala ang Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay Aklat 1-3. Noong narinig ko ang una, pakiramdam ko ang lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu ay mahusay na nagsalita. Noong narinig ko ang pagbabahagi ng isang kapatid na babae sa pangalawa (ito ay bago may nakapagsabi sa akin na ang mga ito ay ang pagbabahagi ni Cristo), inisip ko na ang kapatid na ito ay isa lamang na lider sa ilalim ng tao na ginamit ng Banal na Espiritu, at lalo na nang ibinahagi Niya ang tungkol sa problema kung paano tingnan ang karunungan, hindi ko narinig ang masigasig na reaksyon ng aking mga kapatid, kung kaya sigurado ako na ang hula ko ay tama, at dahil pakiramdam ko ang kapatid na ito ay hindi kasing-husay ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, hindi ako nakinig nang mabuti. Pagkatapos kong marinig ang pangatlong aklat, pagkatapos ng pagbabahagi ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, narinig kong sinabi ng parehong kapatid na babae ang, “Tungkol sa pagbabahagi ng kapatid na lalaki ngayon lang....,” at lalo akong naging sigurado na ang kapatid na babae na ito ay isang lider sa ilalim ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, dahil sa ating mundo, ang mga lider ay palaging unang nagsasalita, at tsaka magsasalita ang mga mas nakabababa sa kanila. Kaya, isinara ko ang speaker, habang iniisip, “Pakikinggan ko ito mamaya kapag may oras ako.” Sa araw na nalaman ko na ang babaeng kapatid ay si Cristo mismo, nagulat ako, at sa wakas ay seryoso akong nakinig sa bawat salita sa sermon.

14 Abril 2019

Paglilinaw sa Pagkalito|Tatlong Sunod-sunod na mga Pambihirang Supermoon

Paglilinaw sa Pagkalito | Tatlong Sunod-sunod na mga Pambihirang Supermoon

2019-02-28
Tulad ng inasahan ng mga kinauukulang eksperto, dalawang supermoon ang lilitaw nang sunod-sunod sa ika-19 ng Pebrero at ika-21 ng Marso 2019, na nagiging dalawang kamangha-manghang tanawin sa astronomiya na kasunod ng "super blood wolf moon" na lumitaw noong ika-21 ng Enero.

      Isinasaad ng may-kaugnayang impormasyon na ang terminong "supermoon" ay tumutukoy na kapag gumagalaw ang kabilugan ng buwan sa pinakamalapit na lugar nito sa mundo, ang perigee nito, na kung saan mas malaki ang diyametro ng buwan ng 14% kaysa sa normal at nadaragdagan ang liwanag nito ng 30%—ito ang pinakamalaki, pinakamabilog na buwan na maliwanag na nakikita ng mata. Tatlong supermoon ang lilitaw nang sunod-sunod sa taon na ito, na isang pambihirang tanawin sa astronomiya. Sa katunayan, ang mga kahanga-hangang tanawin gaya ng mga blood moon at supermoon ay patuloy ang mga paglitaw sa mga nakaraang taon, halimbawa ang mga blood moon ng 2011 at 2013, ang serye ng apat na blood moon na lumitaw ng 2014 at 2015, ang super blue blood moon ng 2018, na naganap din 152 taon na ang nakalipas, at ang super blood wolf moon na lumitaw noong ika-21 ng Enero 2019 kung saan perpektong pinagsama ang tatlong tanawin sa astronomiya na isang supermoon, isang blood moon at isang wolf moon, at tinawag ito bilang pinaka-kahanga-hangang kababalaghan sa astronomiya.

13 Abril 2019

Pamilya | Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
  Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.
“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”
“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?
“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.
“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.
Matapos niyang ibaba ang telepono, bumilis ang tibok ng puso ni Jingru, at bumalik ang mga ala-ala niya noong mga panahon nila sa paaralan …

12 Abril 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

4. Ano ang likas na katangian ng problema ng tao kapag hindi niya alam ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at hindi niya tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao.

11 Abril 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat 

I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.
Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,
para sa isang sumusunod,
walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,
nagbibigay Siya nang walang pasubali.

10 Abril 2019

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)

    Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown." But, at a meeting with his coworkers, Brother Zhang raises doubts about this view. Li Mingdao, not convinced, returns home, and after researching the Bible, engages in an intense debate with Brother Zhang…. Is labor and work for the Lord doing God's will? Does pursuing this way ultimately allow one to be lifted up and enter the kingdom of heaven? Watch the skit Wishful Thinking to find out.

    Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?

09 Abril 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa patakaran ng Diyos at ng Kanyang pamamahala."

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay

08 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing
Agosto 11, 2012
Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.
Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon. Bagama’t lito at matindi ang takot ay pumunta ako sa garahe upang itulak palabas ang elektronikong scooter at pinatakbo pauwi ng bahay upang masiguro ko ang kalagayan ng aking mga aklat ukol sa mga salita ng Diyos at ako ay nag-aalala rin sa kalagayan ng aking biyenan at mga anak. Nagmaneho ako sa kahabaan ng pangunahing kalsada subalit dahil hindi ako makakita nang mabuti sa gitna ng malakas na ulan, nabangga ko ang isang tipak ng aspalto na inanod ng malaking baha at ako ay tumilapon kasama ang aking scooter sa tubig. Taimtim akong nanalangin, “O Diyos, ito po ay batay sa Iyong katuwiran kung ako ay maanod ng baha ngayon. Iligtas Mo ako at gagawin ko ang aking tungkulin nang mabuti simula ngayon!”

07 Abril 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 4: Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ‘tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ‘yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?

Sagot: Ang pag-asam ng mga santo na madala sa alapaap ay base sa sariling mga salita ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Iniinterpreta natin ang mga salita ng Panginoong Jesus ayon sa mga sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Iniisip nating dahil umakyat sa langit ang Panginoong Jesus gamit ang alapaap, ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa sangkatauhan ay marahil nasa langit. Samakatuwid, hinihintay natin na magbalik ang Panginoong Jesus at iakyat tayo sa langit. Bukod pa ro’n, partikular nating iginagalang ang mga salita ni Pablo: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Samakatuwid, nagsimula tayong umasa na iaakyat tayo sa langit ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik. Iba-iba ang pagkakaintindi ng iba’t ibang tao tungkol sa pagdadala sa alapaap. Iniisip ng karamihan sa mga tao na pagdating ng Panginoon, iaakyat Niya sa langit ang mga santo para makita Siya. Inasam natin ang ganitong uri ng pagdadala sa alapaap sa loob ng maraming taon. Bueno, ano ba talaga ang pagdadala sa alapaap? Hindi pa malinaw sa karamihan sa mga tao ang tungkol do’n. Ang hiwaga ng pagdadala sa alapaap sa mga santo ay nabunyag lang nang dumating ang Makapangyarihang Diyos.

06 Abril 2019

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.

05 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nakakita ako ng nakasulat na mga salaysay na nagpapatotoo sa mga halimbawa ng pagpaparusa at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng patotoo ng ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam nang labis na kagalakan ang aking puso. Umasa ako nang husto na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuhan nang sa gayon ang mabigat na suliranin ng aming gawaing ebanghelyo ay mas madaling malutas. Ngunit kahit gaano man ako umaasa, hindi ko pa rin nakitang magsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga taga-sekta ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa gawaing pag-eebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?

04 Abril 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

3. Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao.

03 Abril 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikaapat na Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV) (Ikaapat na Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
2. Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Sangkatauhan
1) Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
2) Ang Iba't Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos
3) Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya


Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay

02 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …
Nang sumunod na araw, bumisita ako sa isang kapatid na babae. Ang kaniyang bahay ay nasa dalampasigan ng ilog, na may malaking kalsada sa harapan at ilog sa likuran. Ang bahay niya ay nasa gitna mismo ng nagsangang bahagi ng tubig-baha. Nang dumating ang baha, ang kapatid na ito’y nanalangin sa Diyos, at nagtiwala sa Kanya. Tinangay ng tubig ang mga kahanay niyang bahay at tanging bahay lamang niya at ng isa pa ang natira habang siya’y mahimbing na natutulog. Talagang nakita ko na kapag ang isang tao ay may pag-iingat ng Diyos, siya’y di mangangamba sa kanyang puso.
Dumating ang isang kapatid na babae upang hanapin ang deakonong namamahala sa mga pangkalahatang bagay at ako, at naparoon kami upang tingnan namin ang bahay dala ang mga tulong ng iglesia. Sapagkat tinangay ng tubig ang tulay at daan, makapupunta lamang kami doon sa pamamagitan ng mahabang ruta. Habang nasa daan, kung titingnan ang sinalantang pamayanan, na sinamahan pa ng pagguho ng lupa at putik na may bato, ito ay lubhang kalunus-lunos; saan ka man tumingin ay pagkawasak ang sasalubong sa iyong mga mata. Nagpatuloy kami sa paglalakad at tumitingin-tingin sa paligid, at nakita namin ang dako kung saan ang mga bahay ng mga kapatid ay natangay, at ang iba ay nanatili. Iyong mga nanatili ay iyong sa mga kapatid na nanatili sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Ipinakita nito sa akin na kapag ang tao ay nanalig sa Diyos, kung hahanapin nila ang katotohanan at tuparin ang kanilang mga tungkulin ay makakamtan nila ang pag-iingat ng Diyos, at makaliligtas sila sa gitna ng kasakunaan. Sa isang pamayanan, may dalawang bahay lamang na natira, iyong sa matandang kapatid, at isa pa. Habang dumadaluyong ang baha, nakita ng matandang kapatid na gigibain ng baha ang kanyang bahay, kaya mula sa ituktok ng bundok ay dalawang ulit siyang sumigaw nang malakas, “Diyos! Ang aking mga aklat ng salita ng Diyos ay nasa loob!” Saka niya nakita buong hiwagang iniwan ng tubig-baha ang kanyang bahay at ang mga aklat ng salita ng Diyos ay naingatan. May isang kapatid na babae na ang kanyang bahay ay dakong pulungan, na laging masiglang tinutupad ang kanyang tungkulin. Bagamat siya’y naanod ng baha, hindi siya nasaktan man lamang. Ang baha ay tinangay ang kanyang anak, subalit ito’y nasagip ng isang di-mananampalataya at sa gayo’y hindi rin naanod. Isang matandang kapatid na babae ang nakakita na ang tubig ay nasa pintuan na at inanod na ang halamanang nasa di kalayuan. Kaya nanalangin siya sa Diyos, at ang tubig na nakasira sa prinsa na nanatiling nakatayo nang maraming taon, ay inilihis at naiwan ang kanyang bahay na ligtas. May dalawang kapatid na babae na hindi naghanap, at ang baha ay iniwan ang kanilang mga bahay, ngunit inanod ang patyo. Isang kapatid na babae ang hindi makatupad sa kanyang tungkulin sa pagho-host, sinabi niyang kailangan ng pamilya niyang ayusin ang bahay, kaya itinaboy niya ang mga kapatid; ang lahat ng kanyang mga aklat ng salita ng Diyos ay tinangay ng baha. May isa pang kapatid na babae, na bagamat tumupad ng kanyang tungkulin, ay nagsabi na “sa aking puso ay hindi ako sang-ayon.” Sa panahon ng kasakunaan siya ay tinangay ng tubig at natabunan ng putik na may bato, at ang kanyang sikmura ay nabutas ng isang bato. Siya’y tumawag nang paulit-ulit sa Diyos, at ang tubig ay tinangay siya sa isang malaking puno, siya’y napasangat at naligtas ang kanyang buhay. Ang kanyang sugat ay naimpeksyon at kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. May isa ring kapatid na lalaki na kumikilos ayon sa kanyang gusto; sa tuwing may kailangan gawin sa kanyang bahay, hindi siya tumutupad ng kanyang tungkulin. Sa panahon ng kasakunaan, nagdanas siya ng pinakamatinding hirap; ang baha ay inanod ang dalawa niyang bahay, na iniwan lamang sa kanya ang dalawang di-matitirhang silid. Sa mga aklat ng salita ng Diyos, wala ni isa mang natira. Naunawaan din ng kapatid na lalaki na ito’y pag-ibig ng Diyos at hindi nanisi.
Ang himno ng mga salita ng Diyos "Ang Diyos ang Tanging Saligan ng Pag-iral ng Tao ” ay umaawit ng: “Kapag nilalamon nang buo ng tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa hindi-umaagos na tubig at binibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay. Kapag ang mga tao ay nawawalan ng ganang mabuhay, hinihila ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas-ng-loob upang mabuhay, upang gawin nila Akong pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag sinuway Ako ng mga tao, sinasanhi Ko na makilala nila Ako sa kanilang pagsuway. Sa liwanag ng lumang kalikasan ng sangkatauhan at sa liwanag ng Aking kahabagan, sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan hangga’t sila ay may natitirang isang hininga, na pumipigil sa kanila mula sa pagkahulog sa bitag ng mga panlilinlang ni Satanas. Ilang beses nang nakita ng mga tao ang Aking mga kamay; ilang beses na nilang nakita ang Aking mabait na itsura, nakita ang Aking nakangiting mukha; at ilang beses na nilang nakita ang Aking kamahalan, nakita ang Aking poot. Kahit ang sangkatauhan ay hindi kailanman Ako nakilala, hindi ko sinasamantala ang kanilang kahinaan para gumawa ng hindi kinakailangang kaguluhan. Dahil nararanasan Ko ang mga paghihirap ng sangkatauhan, Ako sa gayon ay dumaramay sa kahinaan ng tao. Ito lamang ay bilang tugon sa pagkamasuwayin ng mga tao, sa kanilang hindi pagtanaw ng utang-na-loob, na Ako ay nagpapatupad ng mga pagkastigo sa iba’t-ibang mga antas. Sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan.” Sa gitna ng sakuna, nakita natin ang pagka-makapangyarihan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos, na lalong nagpapatibay ng ating pananampalataya sa paglalakad sa landas ng kinabukasan. Nung inilabas ng Diyos ang matindi Niyang galit, nakita natin ang disposisyon ng Diyos, na hindi dapat salingin. Dahil lamang sa pag-aalsa ng tao, at sa kanilang kawalang-utang-na-loob, kaya ang Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng ilang antas ng pagkastigo. Gayunpaman, ginagamit ng Diyos ang mga sakuna upang matauhan tayo; hindi Niya pinapatay ang mga tao, sa halip ay pinapagsisi at pinapag-bagong buhay. Ipinakita sa atin ng sakunang ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos, makita ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang pagliligtas, at higit pa rito, ipinakita nito sa akin ang kapwa pagka-makapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang pamamayani. Iyong mga tapat na humahanap ng katotohanan, na handang tuparin ang kanilang mga tungkulin at gumugugol para sa Diyos, ay nagtatamo ng pagkalinga at proteksiyon ng Diyos. Iyong mga kulang sa sigasig, na nagrereklamo at lumalaban, na hindi tumutupad ng kanilang tungkulin o gumugugol para sa Diyos, ay magtatamo ng ganting-dusang nauukol sa kanila. Tungkulin ang siyang nag-iingat sa atin! Tungkulin ang nagpapala sa atin! Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng pananampalataya, tibay ng loob, lakas at karunungan upang makapagpatuloy tayo, sa daan sa hinaharap, upang manatiling tapat at may katwiran sa pagkukumpleto ng kung ano ang ipinagkakatiwala Niya sa atin, at hayaan tayo na sa bawat tungkulin magawa natin ang pinakamainam.
Ibig naming sabihin sa lahat ang mga katotohanang ito na nasaksihan ng aming mga mata: Ang Diyos ang taning saligan ng ating pag-iral. Lahat ng kadakilaan, kayamanan, katanyagan at kasaganaang tinatamasa sa daigdig ay naglalahong gaya ng mga ulap. Sa sandaling tinangay ng tubig baha ang buhay ng tao, ang buhay ng tao ay walang halaga at napakahina. Maging ang mayayaman at sikat ay walang magagawa. Kapag tayo’y tumawag ng tulong, tanging ang Diyos lang ang makapag-aabot ng kamay ng kaligtasan, at makahihila doon sa mga lubos na nagtitiwala sa Kanya mula sa bangin ng kamatayan. Mga kapatid, ipinakikiusap na tanganan ninyong mabuti ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa atin. Maging tapat tayo, hanggang sa mga huling araw, at ialay natin ang ating sariling lakas para sa pagpapalaganap ng kaharian ng ebanghelyo.

01 Abril 2019

Tagalog Christian Song "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God


Tagalog Christian Songs 2019 | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God

I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
II
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat ay inuutusan ng Diyos,
Inaayos at hinahanay Niya ang lahat ng bagay,
bawat klase ayon sa kanyang uri
at sa kalooban ng Diyos binigyan sila ng posisyon.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
III
Gaano man kalaki ang isang bagay,
hindi nito malalampasan ang Diyos.
lahat naglilingkod sa mga taong likha ng Diyos,
walang naglalakas ng loob na lumaban
o humingi ng kung anu-ano sa Diyos.
Tao, isang nilalang ng Diyos,
dapat gawin din ang kanyang tungkulin.
Kahit amo o tagapamahala ng lahat ng bagay,
gaano man kataas ang kalagayan n'ya,
s'ya'y maliit pa rin na tao
sa ilalim ng pamamahala ng Diyos.
Isang hamak na tao lang, isang nilalang ng Diyos,
 'di kailanman s'ya mas tataas sa Diyos, sa Diyos.

Manood ng higit pa:Tagalog church songs