Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

14 Mayo 2019

II. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan

3. Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

13 Mayo 2019

Hindi Mapipigilan ang Awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng Oras, Espasyo, Heograpiya, at ang Awtoridad ng Maylalang ay Hindi Masusukat

Tingnan natin ang Genesis 22:17-18. Isa na naman itong talata na binigkas ng Diyos na si Jehovah, kung saan sinabi Niya kay Abraham, “Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.” Maraming beses na biniyayaan ng Diyos na si Jehovah si Abraham na dadami ang kanyang mga anak—at hanggang saan ang dami nito? Binigkas sa Kasulatan kung hanggang saan: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat.” Ibig sabihin na nais ng Diyos na pagkalooban si Abraham ng mga supling na kasingdami ng mga bituin sa kalangitan, at kasingdami ng buhangin sa dalampasigan. Nagsalita ang Diyos gamit ang paglalarawan, at mula sa paglalarawang ito, hindi mahirap makita na hindi lamang ipagkakaloob ng Diyos ang isa, dalawa, o kahit libo-libong mga apo kay Abraham, ngunit hindi mabilang na numero, sapat para maging maraming bansa, dahil ipinangako ng Diyos kay Abraham na magiging ama siya ng maraming bansa.

12 Mayo 2019

Tagalog Gospel Crosstalk | "Mga Fariseo ng mga Huling Araw"

Tagalog Gospel Crosstalk | "Mga Fariseo ng mga Huling Araw"


Christian Zhang Yi heard testimony that the Lord had returned, but as he investigated the true way, his pastor and elder tried several times to stop and prevent him, saying, "Any who claim the Lord has come incarnate are spreading heresy and false teachings. Don't listen to them, don't read their words, and don't have any contact with them!" This confused Zhang Yi, because the Lord Jesus clearly said, "And at midnight there was a cry made, Behold, the bridegroom comes; go you out to meet him" (Matthew 25:6). "My sheep hear My voice" (John 10:27). The Lord's words say that people must be wise virgins and actively seek and listen to the Lord's voice to be able to receive the Lord, but his pastor and elder try everything they can to prevent and limit believers from hearing God's voice. Why are they afraid of believers investigating the true way? … Through debates with his pastor and elder, Zhang Yi finally sees who the Pharisees are in the last days, and who is the real obstacle preventing believers from receiving the Lord.
Rekomendasyon: New tagalog dubbed movies

11 Mayo 2019

kung paanong pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang espirituwal na mundo | Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Pananampalataya

Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ding napakahalagang paksa, at ito’y kapaki-pakinabang din na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig-sabihin nito ay ang Hudaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang mga pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang mga relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya—mga tagasunod na buong panahong gumagawa para sa kanilang pananampalataya—ay kokonti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Ang kanilang mga mananampalataya ay pupunta sa magkakaibang lugar kapag sila ay namatay. “Kaiba” mula kanino?

10 Mayo 2019

Salita ng Buhay | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan" (Sipi)

Salita ng Buhay | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan" (Sipi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos."

08 Mayo 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Paglaki: Ang Ikalawang Sugpungan


     Depende sa kung anong uri ng pamilya naipanganak, ang mga tao ay lumalaki sa iba’t-ibang pantahanang mga kapaligiran at natututo ng iba’t-ibang mga aral mula sa kanilang mga magulang. Ito ang nagpapasya sa mga kalagayan na kung saan ang isang tao ay nagkakagulang, at ang paglaki[b] ay kumakatawan sa ikalawang maselang sugpungan nasa buhay ng isang tao. Halatang wala ring mapagpipilian ang mga tao sa sitwasyong ito. Ito rin ay nakapirmi, naisaayos na.
1. Mga Kalagayan na Kung saan ang Isa na Lumalaki ay Naipirmi Na ng Manlilikha

07 Mayo 2019

Ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng iba’t ibang lahi

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.
Bakit ilalarawan sila ng Diyos sa ganitong paraan? Ito ay tunay na mahalaga para sa buong sangkatauhan—mahalagang tunay! Inilarawan ng Diyos ang saklaw para sa bawat uri ng buhay na nilalang at isinaayos ang paraan para mabuhay para sa bawat uri ng tao. Hinati din Niya ang iba’t ibang uri ng tao at iba’t ibang lahi sa lupa at isinaayos ang kanilang mga saklaw. Ito ang gusto nating talakayin sa susunod.