I O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo. Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian araw at gabi. Kayraming pagsubok at sakit, kayraming mga paghihirap. Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan, at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas. Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman. Inakay Mo 'ko sa maraming hirap. Iningatan sa maraming panganib. Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.
I Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas sa Kapanahunan ng Biyaya, pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan. Tinubos ang tao mula sa kasalanan sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo. Tao'y niligtas Niya mula sa krus, ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo. Sa mga huling araw, humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay. Wawakasan lang Niya, gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, habang isang banda, upang akayin ang tao sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan ng mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na kayo ay magiging isa sa mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Mapanganib para sa tao na hindi magkaroon ng pagsunod sa kanyang puso o ng isang matinding pagnanasa para sa katotohanan. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Sa gawain ng Diyos, tutustusan ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, “Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay na dadalhin Niya sa iyo na pakinabangan at tutulungan kang makakuha ng ilang mga pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman. Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa iyong karanasan sa batayan ng kanilang kaalaman, kung gayon ay magiging buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito. Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na paglago.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali at nadungisan, ang naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha ng Diyos na ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, hindi rin upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi bilang Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi payak tulad nang inaakala ng iba, at hindi rin ito tulad ng pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang hanggan tulad ng inaakala ng iba. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang ang negatibo ay maging positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos."
Rekomendasyon:Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. ...At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw."
Rekomendasyon: Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito? Paano ko magagawang pahintulutan ang mga kapatid na lalaki at babae na mapalaya, upang magkaroon ng kagalakan sa kanilang mga espiritu? Ikaw ay tutuon sa paglutas ng mga usápíng ito kapag kayo ay nagbabahaginan, ikaw ay tutuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita na may kaugnayan sa mga usápíng ito kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ikaw ay kakain at iinom ng mga salita ng Diyos habang dinadala ang pasaning ito, at iyong mauunawaan ang mga pangangailangan ng Diyos. Sa puntong ito, higit na magiging malinaw sa iyo ang landas na daraanan. Ito ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu na dulot ng iyong pasanin, at ito ang Diyos na nagkakaloob ng Kanyang paggabay sa iyo. Bakit Ko sinasabi ito? Kung wala kang pasanin, kung gayon hindi ka nagbibigay-pansin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos; kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos habang nagdadala ng isang pasanin, iyong mauunawaan ang kakanyahan ng mga salita ng Diyos, nakahahanap ka ng iyong daan, nakakaya mo na naisasaisip ang kalooban ng Diyos. Samakatuwid, kailangan mong hilingin sa Diyos na pagkalooban ka pa ng mas maraming pasanin sa mga panalangin mo sa Diyos, sa gayon, higit pang mga dakilang bagay ang ipagkakatiwala sa iyo ng Diyos, mas kakayanin mong makatagpo ng daan ng pagsasagawa sa hinaharap, lalo kang magiging mabisa sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, makakaya mong maunawaan ang kakanyahan ng Kanyang mga salita, at mas makakaya mong tanggapin ang pag-aantig ng Banal na Espiritu.