Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

28 Mayo 2019

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay | Kuwento . Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Palaawiting Ibon, at Tao

Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang usbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng regalong tubig ang lupa upang makayanan ng usbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng usbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang usbong sa kanyang mainit na yakap at kumapit sila sa isa’t isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng usbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang usbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at tumayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang usbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang usbong at ang lupa ay umasa sa isa’t isa …

27 Mayo 2019

Mga Espirituwal na Laban | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Unang Bahagi)

May 8, 2018 Zhao Gang
Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama). Ang bawat isa ay may kopya ng Bibliya sa kanilang tabi at sa kanilang mga kamay ang bawat isa ay may hawak ng isang kopya ng aklat na Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos. Ang dalawang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihan Diyos ay nagbabahagi tungkol sa katotohanan tungkol sa tatlong yugto ng gawain. Ang dalawang kapatid ay gumuguhit ng mga larawan ng tatlong yugto ng gawain habang sila’y nagbabahagi: “Ang gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay maaaring hatiin sa tatlong yugto, mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at pagkatapos ay Kapanahunan ng Kaharian. Ang bawat yugto ng gawain ay mas bago at mas pinabuti at higit din na malalim kaysa sa mga nakaraang yugto. Ang mga gawaing naisagawa sa mga huling araw ay ang huling yugto ng gawain, kung saan nagpahayag ang Diyos ng mga salita upang hatulan at linisin ang tao….”

26 Mayo 2019

Ang Babala at Kaliwanagan ng Patotoo ni Job na Ibinigay sa mga Sumunod na Henerasyon

Kasabay ng pag-unawa sa proseso kung paano ganap na nakukuha ng Diyos ang isang tao, mauunawaan din ng mga tao ang mga layunin at kabuluhan ng pagbibigay kay Job ng Diyos kay Satanas. Ang mga tao ay hindi na nababalisa sa paghihirap ng kalooban ni Job, at mayroon ng bagong pagpapahalaga sa kabuluhan nito. Hindi na sila nag-aalala tungkol sa kung sila ay mapapasailalim sa kaparehong tukso na napagdaanan ni Job, at hindi na tinututulan o tinatanggihan ang pagdating ng mga pagsubok ng Diyos. Ang pananampalataya ni Job, pagkamasunurin, at ang kanyang patotoo sa pagtatagumpay kay Satanas ay mapagkukunan ng malaking tulong at lakas ng loob ng mga tao. Kay Job, sila ay nakakakita ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, at nakikita na sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagsunod at takot sa Diyos, ganap na posibleng talunin si Satanas, at manaig laban kay Satanas. Nakikita nila na hangga’t hindi sila tumututol sa dakilang kapangyarihan at pag-aayos ng Diyos, at tinataglay ang determinasyon at pananampalataya na hindi itakwil ang Diyos matapos mawalan ng lahat, sa gayon maaari silang magdala ng kahihiyan at pagkatalo ni Satanas, at kailangan lamang nilang taglayin ang determinasyon at tiyaga upang manindigan sa kanilang patotoo—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga buhay—para maduwag at mabilisang sumuko si Satanas.

24 Mayo 2019

Kuwento sa Biblia | Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos

Madalas kong sabihin na tumitingin ang Diyos sa puso ng mga tao, at ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso ng mga tao, nauunawaan Niya ang kanilang diwa, samantalang inilalarawan ng mga tao ang diwa ng ibang tao batay sa kanilang panlabas na anyo. Noong binuksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang kanyang kaarawan, ginulat nito ang mga espirituwal na pinuno, kabilang na ang tatlong kaibigan ni Job. Ang tao ay nanggaling sa Diyos, at dapat na nagpapasalamat para sa buhay at laman, pati na rin sa araw ng kanyang kapanganakan, na ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya dapat isumpa ang mga ito. Naiintindihan at nauunawaan ito ng karamihan ng tao. Para sa sinumang sumusunod sa Diyos, ang pang-unawang ito ay banal at hindi dapat nilalabag, ito ay isang katotohanan na hindi kailanman magbabago. Sa kabilang banda, nilabag ni Job ang mga patakaran: Isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Isa itong gawain na itinuturing ng karamihan bilang pagtawid sa ipinagbabawal na lupain. Hindi lamang siya hindi karapat-dapat sa pang-unawa at simpatiya ng mga tao, hindi rin siya karapat-dapat sa kapatawaran ng Diyos. Kasabay nito, mas maraming tao ang nagduda sa pagkamatuwid ni Job, dahil tila ba naging makasarili siya bunga ng papuri ng Diyos sa kanya, naging sobrang mapangahas at walang ingat kung kaya hindi lamang siya hindi nagpasalamat sa Diyos sa mga biyaya at pag-aalaga Niya sa kanya sa kanyang buong buhay, ngunit isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Ano ito, kung hindi pagsalungat sa Diyos? Ang mga ganitong kababawan ang nagbibigay sa mga tao ng patunay upang kondenahin ang ginawang ito ni Job, ngunit sino ang nakakaalam ng tunay na iniisip ni Job sa oras na iyon? At sino ang nakakaalam kung bakit kumilos si Job nang ganoon? Tanging ang Diyos at si Job lamang ang may alam ng tunay na kuwento at mga dahilan dito.

23 Mayo 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Dahil ito sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa na ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang makamtan ng tao ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway.

22 Mayo 2019

Pamilya|Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?

September 2, 2018 An Qi
Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.
Noong 2016, labis na naging sikat ang pagsusuot ng kuwintas na nakapalibot sa sariling balagat. Nakabili rin ako ng isa nitong mga kuwintas. Isang araw, matapos ang paaralan, masaya akong pumunta sa bahay ng aking lola. Nang dumating ako roon, sinipat niya ako at patangging nagsabi, “Tingnan kung anong uri ng bagay ang nasa palibot ng iyong leeg. Waring kulyar ng isang aso. Kumportable ba ang pakiramdam mo niyan na mahigpit na nakalingkis sa iyong leeg?” Sa umpisa, sadyang masaya ang pakiramdam ko ngunit matapos na marinig kong sabihin niya ito, hindi na ako naging masaya. Walang-galang akong sumagot, “Napakatanda mo na. Ano ang alam mo? Uso ang tawag dito. Kahit na ipaliwanag ko ito, hindi mo maiintindihan!” Sa dahilang ito, naging masungit pa rin ako sa gabi.

21 Mayo 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

2. Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
“Jehova” ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. … Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel.